"Ah...y-yes po?" I answer stuttered.

He smiled. Lumakad siya palapit sa akin, huminto ng magkalapit kami. Parang tumigil ang mundo ko sa kanyang presensya. This is first time! Hindi ko naman 'to iniisip noon! Pero shit, nakakawala ng kaluluwa ang kanyang mga mata.

"Congratulation for passing the finals." he greeted.

Nalaglag ang panga ko. Anim na buwan akong nandito, natapos nalang ang midterm at finals, ngayon lang siya nagsabi nito sa akin. Bakit? Anong meron? At bakit nakakawala ng puso itong unang paghaharap namin.

"T-thank you." I muttered.

He nodded and then flashing his soft smile again. I sighed hardly. Tumalikod siya at umalis. Hindi ako makapaniwala na nangyari 'yon. Hindi ko lubos maisip na kinausap niya ako! Hanggang sa gabi, hindi pa rin ako makatulog ng maayos. Iniisip ko pa rin ang pag-uusap namin kahit sandali lang naman 'yon. Kahit ilang letra lang ang kanyang sinabi, tumatak talaga 'yon sa isip at puso ko.

Kinaumagahan, kinamusta ni Papa ang exam ko. Sinabi ko sa kanila na nakapasa ako at magpapatuloy sa second semester. Masayang-masaya ang pamilya ko, lalo na si Papa na siyang umaasa sa akin. Ako kasi ang panganay, nasa junior high palang ang dalawa kong kapatid. Sa ngayon, si Papa lang ang humahawak sa kanyang negosyo na tinayo. Hindi katulad sa mga Costiño na high-end hotels and condos, pero may mga pumapatol pa rin naman sa hotel ni Papa.

El Varado Hotels is commonly known as my father hotels in the town. May sampung branch ng hotel sa Pilipinas, Isang branch sa Tacloban, apat sa Manila at limang branch sa ibang karatig ng Pilipinas. Hindi man kasing popular ng Archimedean Cost Hotel and Condo, EL Ranilo Hotels and any other subsidiary business of Costiño pero may mga taong naghahanap pa rin sa amin.

"That's great to know, Doreen." si Papa.

I smiled happily. Pagkatapos ng breakfast, umalis ako para pumunta ng hotel. Inutusan ako ni Papa na tignan ang negosyo kaya sinunod ko. Sabado naman at may oras ako sa sarili. Ngumiti sa akin si ate Rona, isa sa mga nasa reception.

"Good morning, Miss." she greeted.

I nodded.

"Hello, ate. Nandito ako para tignan ang hotel ngayon. May mga visitors ba?" tanong ko.

She nodded. Binigay niya sa akin ang list ng visitors kahapon at ngayon. Isa-isa kong tinignan at nagulat ng mabasa ang isang pangalan na hindi ko inaasahan. Seriously? Anong ginagawa niya dito? I read his name again.

Visitor name: Leyandrius Chald A. Costiño
Room number: 1422
Time check in: Yesterday, 6 AM
Time check out: Monday, 6 AM

My eyes widened. Really? Ba't siya nandito? Bakit dito siya nag-hotel? Is he spying our hotel? Nakakapagtaka naman dahil may sarili silang hotel pero nandito sa amin!

"Ate, first time bang mag-check in dito ni Mr. Costiño?" tanong ko kay ate Rona.

She shook her head. Mas lalo akong kinain ng pagtataka.

"Hindi po, Miss. Limang beses na po siyang nagchi-check in dito. Ika-anim ngayon." she said.

I swallowed. Dapat ba akong ma-alarma? Dapat ba akong magduda sa kanya? Anong ginagawa niya dito? Isang bisita? Umiling-iling ako at ngumiti kay ate Rona.

"Tapos tuwing sabado at linggo po siya nandito. Umaalis kapag lunes ng umaga." dagdag pa ni ate.

I nodded. Binalik ko sa kanya ang listahan at hindi pa rin makapaniwala sa nalaman. Baka naman overacting lang ako? Baka naman ako lang ang nag-iisip ng masama sa kanya dito? Baka bisita lang naman talaga siya dito sa amin! We don't know! I shouldn't judge him!

Costiño Series 13: Till the Last End (HANDSOMELY COMPLETED)Where stories live. Discover now