Nang makalabas siya ng sasakyan, pinagsiklop ni Calyx ang kamay nila. Ang isa naman nitong kamay ay hawak ni Seth na ang lapad ng ngiti.

"Ang lamig ng kamay mo, ganda," pansin ni Calyx. "Ayos ka lang ba?"

"Pakiramdam ko mahihimatay ako. Nanginginig ang tuhod ko, Calyx."

Nginitian siya ng binata. "Mabait si mommy at daddy. They will love you."

She doubted that. May anak na siya at binata si Calyx. Sinong ina ang magkakagusto na may sabit ang nagugustuhan ng anak nito. Siguro pinasama lang siya ng ina nito para makita siya at mapagsabihan. Kaya naman ng pumasok sila sa loob ng bahay, inihanda na niya ang sarili niya. Etheyl's eyes were welcome with comfortable and homey sight. Lahat ng palamuti ng bahay ay simple lang pero alam niyang mamahalin 'yon.

"Mom!" Sigaw ni Calyx. "I'm home."

Oh, God... oh, God... oh, God. Etheyl was hyperventilating when she heard a woman squeal.

"Oh my god! Calyx is here!" Anang babaeng boses.

Huminga siya ng malalim. It's time.

She saw a woman in her late fifties coming out from a door. May suot itong apron at napakalapad ng ngiti nito. Ni hindi nga tumigil ang ginang sa paglalakad ng makita sila. Dere-deretso itong naglakad patungo kay Seth at lumuhod sa harap ng anak niya para magpantay ang mukha ng mga ito.

"Are you my baby Seth?" Excited na tanong ng ginang na medyo nanunubig ang mga mata pero malapad naman ang ngiti sa mga labi.

Tumango ang anak niya. "Yes po. Kayo po ba ang lola ko?"

Tumango ang babae at sinapo ang pisngi ni Seth. "Oh, you're so cute baby Seth." Parang nanggigigil ito sa pisngi ng anak niya. "Look at you, so handsome." Nanggigigil na niyakap nito ng mahigpit ang anak niya. "So cute!" The woman squealed again. "Baby Seth! Ayei! Ang gwapo mo, baby ko. Ang ganda pa ng pangalan mo."

Hindi siya makapaniwalang napatingin siya sa ginang. Tanggap talaga nito si Seth? For real? Walang halong biro at kaplastikan?

"Mommy, ano ka ba?" Naiinis na wika ni Calyx. "Iniipit mo naman ang anak ko, e. Bitawan mo nga si Seth."

Hinintay ni Etheyl na magkomento ang babae tungkol sa sinabi ni Calyx na 'anak ko', pero wala siyang narinig mula rito. Naka-focus ang atensyon nito sa anak niya na masayang-masaya.

Mas lalo lang humigpit ang pagkakayakap ng ginang kay Seth.

"Ang cute cute mo, baby Seth. Mana ka kay lola." The woman squealed again.

Ngumiti ang anak niya kahit nakangiwi kasi sa sobrang higpit ng yakap ng ina ni Calyx. "Talaga po lola? Handsome at cute po ako? Same po kami ni daddy ko diba? Pareho po kaming handsome."

Pinakawalan ng ina ni Calyx ang anak niya sa mahigpit na pagkakayakap saka malapad na nginitian ang anak niya. "No, baby. Mas gwapo ka kay daddy mo. Pangit 'yon, e."

Hindi makapaniwalang napasinghap si Calyx habang nagtatampong nakatingin sa ina nito. "Grabe ka mommy. Ganyan ka na. Nakakita ka lang ng baby tinapon mo na kaagad sa kangkungan ang kaguwapuhan ko. Sabi mo noon ako lang ang gwapo!" Humalukipkip si Calyx pagkatapos magsalita.

Humagikhik si Seth at tumingin kay Calyx. "Mas gwapo daw ako sayo daddy."

Ginulo ni Calyx ang buhok ni Seth. "Oo na. Talo mo na si daddy."

Ibinalik nito ang tingin sa ginang. "Love you po, Lola."

Napahikbi ang ginang na ikinabahala niya.

POSSESSIVE 5: Calyx VargazTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon