day seven

320 45 8
                                    

"love is always bestowed as a gift-freely, willingly, and without expectation. we don't love to be loved; we love to love. "
- lea buscaglia

ya, masisiraan na ako ng bait kapag di ko pa sya makikita within this month. i missed her so badly ya... please tell her to come home ya... - jemalyn

kapag uuwi yun dito at masasaktan uli dahil kayo pa rin ng girlfriend mo, di yun makapag concentrate sa pag-aaral nya... hayaan mo muna sya doon langga... don't worry, i'll help you... kakausapin ko sya thru video call para makita mo sya at marinig mo ang boses nya... sa ngayon kasi umiiwas sya sayo langga... di dahil ayaw ka nya kundi dahil gusto nyang palayain ka at gusto nyang turuan ang sarili nya na mabuhay na wala ka... - yaya

naiintindihan ko ya... cge po... irecord mo po ya ah... - jemalyn

as you wished langga... - yaya

at yun nga, nakausap ni yaya si izabella uli thru video call... naiyak sa tuwa si jemalyn when she heard izabella's voice...

yaya: alaga ko, si jemalyn pala yung andito kanina... sabi nya bago umalis, regards daw sayo... loves ka raw nya... she missed you so much daw... uwi ka na raw dito...

izabella: you must be kidding ya... hwag kang ganyan... alam mo naman na marupok ako pagdating kay baby girl...

yaya: mahal mo pa ba sya?

izabella: oo naman ya! pero di na pwede eh! may bea na sya...

yaya: eh malay natin ikaw pala ang destiny nya... hwag kang makipag girlfriend dyan ah kung si jemalyn pa rin ang laman ng puso mo... mangako ka!

izabella: pangako ya...

yaya: cge nga kung mahal mo sya talaga, kunwari ako si jemalyn, ano ang sasabihin mo sa akin para malaman ko na mahal mo ako...

izabella: baby girl, i missed you so much... linakasan ko lang ang sarili ko dito kasi gusto kong maging masaya ka with bea... it hurts so bad na sya pa rin ang pinili mo pero i have to accept the truth... but know that, i will always love you... i love you so much baby girl with all my heart and soul...

maya maya nagulat at napanganga na lang si izabella when jemalyn appeared on her screen and replied to her with these, " i love you too so much one... alam ko ikaw na uli ang gusto ng puso ko mula nong nalaman nya na ikaw at si one ay iisa... i'm so sorry kung nasaktan kita ng sobra, one.. please forgive me for the pain i've caused you...

then hagulgol na lang ang narirnig sa dalawang video screen... pati si yaya napahagulgol na rin...

inabot ng ilang minuto bago nakapag compose si izabella...

papahid pahid sa mga luha nya habang pilit na ngumiti to show jemalyn na she's okay then after a little while she replied to her baby girl, "kasalanan naman ng puso ko kung bakit sya nadurog di ba? kaya hindi na kailangan pa ang paghingi mo ng tawad. isa pa, kayo naman talaga ni bea ang may relasyon o forever... hindi na ako dapat tumuloy pa... dapat nag step back na ako when i learned that you are in a serious relationship with bea pero sadyang nagtanga tangahan, nagbulag bulagan at nagkunwaring walang alam ang puso ko... cge pa rin sa kakadikta ng utak ko to just go on dahil di pa naman kayo kasal... so ito ang napala nya... durog na durog... hayaan mo ang puso ko baby girl... titino din ito... matutunan ka rin nyang kalimutan ka pero maraming salamat sa pagsabi sa akin sa totoo mong nararamdaman... i'll never forget this day and i will be forever grateful dahil nakilala ng puso mo ang puso ko baby girl...

90 days with youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon