Chapter 8

834 34 2
                                    

Its been 2 weeks na mula nung nag rally sila BBM dito and naging viral ako, I mean yung banner ko. As usual, may mga nambash. Dinedma ko na lang. Hayaan mo silang putukan ng ugat jan.

April 8 na. Bukas na pala yung event. I received the shirt from Direk na din. Aish, ngayon obligado nakong pumunta sa event sa San Juan.

Pumasok nako sa office. Siguro pag out ko, direcho na lang ako ng San Juan. Nagpaalam na din ako sa parents ko and pumayag naman sila basta uuwi akong matino at hindi lasing hahaha

Nag set up lang ako ng tools and began my everyday work. Nabubored nako sa ginagawa ko pero no choice. Para sa ekonomiya, lalaban ako. Chareeeeng.

Lunch break na naman. Tapos mamayang konti uwian na. Nag check lang ako ng FB and there goes Direk again reminding me of the said event. Aish, Direk. You dont have to remind me. Okay na lahat. Pupunta na lang ako hahaha.

4am na. Nag log off nako ng PC. Napagdesisyunan ko na din matulog sa sleeping quarters ng company namin. Nagdala naman ako ng gamit. Maliligo na lang ako paggising ko. May shower room naman dito.

9am na nung nagising ako. Naligo nako, nag toothbrush. Umakyat muna ako sa pantry para tumingin ng makakain. Wala akong nagustuhan. Lumabas nako ng office. Baka sa jollibee na lang ako kumain.

Sumakay nako ng van pa puntang Baclaran. Doon nako sasakay ng taxi papuntang San Juan. Nasa akin na din ang address. Kagabi pato sinend saken ni Direk. Kaya alam ko na papunta doon.

Nakarating nako ng Baclaran at may nakita akong paresan. Okay, cancelled yung jollibee. Mas trip ko tong pares. Kumain lang ako and after that, pumara nako ng taxi. Nag message na din ako kay Direk na papunta na ako sa event.

Darryl calling on messenger..

'saan ka na? Chat moko pag malapit ka na ah? Para salubungin kita sa entrance'

'Uhm, nasa Makati pa lang po itong taxi Direk. Sige po, Ill let you know agad pag malapit na ako.'

'sige. Ingat'

I ended the call tapos umidlip sandali. Sabi ko kay kuya driver gisingin ako pag andun na sa event. He just nodded. Matraffic pa naman sa EDSA.

After an hour ginising nako ni kuya. Nagbayad naman ako. Nakng. Ang mahal ng pamasahe. Buti na lang may sweldo na haha. Agad kong tinawagan si Direk.

Calling Darryl on messenger..

'direk? Andito na po ako'

'uy anjan ka na? Sabi ko chat moko pag malapit ka na. Ako na sana magbabayad ng taxi mo'

'okay lang po Direk. Ang ganda ng venue'

'thanks. Sige puntahan na kita agad'

Call ended

Lumabas na nga si Direk at nag shake hands kami. Ngayon pa lang kami nagkita in person. Pumasok na kami sa event and nakita kong madami nang tao. Iniwan muna nya ako saglit to entertain some guests.

Parang wala pa si Senator ah. Nakita ko lang sila Juliana Parizcova Segovia, yung isa pang babae sa content ni Direk, at may iba pang banda.

Napansin ko yung puppet sa harapan at humagalpak ako ng tawa. Pinicturean ko na din. Nakalagay pa talaga sa kabaong yung puppet hahahaha.

Maya maya dumating na si Senator. Nakasuot din sya ng tshirt na kagaya ng sakin. Direk approached her and pumunta sila sa gawi ko. Hindi ko maintindihan nararamdaman ko. Starstruck to bhie. Imee Marcos yan oh!

'Senator, I'd like you to meet Jade. The woman behind the creative banner in Cavite' Direk said

'oh hi. You are famous na ha? Maganda ka nga talaga sabi nitong si Darryl. Thank you for loving and supporting my brother' she said habang binebeso beso ako.

Fell in Love with the PresidentWhere stories live. Discover now