"Excuse me, ma'am. Is there anything I can do to help you?" One of the female receptionists asked me as I continued to wander around.
Napahinto ako at napatitig sa pleasant niyang pagbati at hitsura. "Uhm, yes... I told her, "I need to see Mr. Zico."
She smiled widely. "Do you have an appointment, ma'am? If there is any, I could assist you in seeing him."
Nanghinayang ang reaksyon ng mukha ko. "Unfortunately, I don't have one. Gusto ko lang sanang ibalik itong wallet niya." Kinuha ko ang itim na wallet sa bag ko at ipinakita sa kanya. "He dropped this when we met. Hindi rin naman ako magtatagal.I'd like to give this back to him personally."
The receptionist pouted. "I'm sorry, ma'am, but I have to follow the company's protocol. Kung wala po kayong appointment with Mr. Hamada today, I couldn't help you," she said, shaking her head.
"Wala na bang ibang paraan para maibigay ko sa kanya ang wallet na ito ng personal?" muling tanong ko. I didn't know, but I sounded desperate now. Sayang naman kasi ang ipinunta ko kung hindi ko rin personal na maibabalik ang wallet ni Zico sa kanya.
Napatigil saglit ang babae at tila nag-iisip pa ng paraan para maibalik ko ang wallet ng personal.
"Uhm, ma'am, please follow me." Nagsimula na siyang maglakad habang nakasunod lang ako sa kanya. "Ito na ang huling paraan na alam ko para matulungan kayo. I'm calling Mr. Hamada for you, and if he doesn't know you or isn't convinced of your reasons, I'm sorry but I can't help you anymore."
Pinagmasdan ko ang receptionist habang tinatawagan niya si Zico. Ibinigay ko ang pangalan ko sa kanya pati na ang dahilan ng pagpunta ko rito at kung bakit gusto kong makita ang boss nila. They were having an inaudible conversation over the phone while I was waiting.
"Ma'am Nerida, am I correct?" the receptionist clarified my name.
Tumango ako at tipid na ngumiti.
"Take the elevator to the 70th floor. Mr. Hamada is waiting for you." Saka niya ako sinabitan ng visitor's ID sa leeg—more like visitor's company pass.
Nanlaki ang mata ko dahil tila ba naging password ang pangalan at rason ko para payagan akong makausap si Zico. Was I going to the building's 70th floor? Wow.
Sinunod ko lang ang babaeng receptionist at nagtungo sa elevator. Nakasabay ko ang ilang mga empleyado roon hanggang sa nakarating na ako sa mismong opisina ni Zico.
When I got out of the elevator, I felt as if I was on top of the world. Ito na yata ang pinakamataas na palapag ng gusali ang natungtungan ko sa tanang buhay ko.
Naglakad ako sa kahabaan ng hallway, maraming empleyado ang nadatnan ko mula sa kani-kanilang mga workstations. Hindi mapantayan ang mga computer at halatang advanced na ang system na ginagamit ng buong kompanya. I knew the hardest part would be the transition from manual to system... But Elixir was an exception. Dahil ang sistema ng trabaho nila ay umiikot na sa mismo mga makabagong teknolohiya.
"Ma'am Nerida, my name is Ivy, and I am Mr. Hamada's secretary. This way, please." Isang sekretarya ang nagpakilala sa akin at sundan siya sa pinaka opisina ni Zico.
She grabbed the door and pushed it open, revealing Zico standing near his desk, hands in his pockets and his usual pageant smile at me.
"You're here," he said, but it sounded more like a welcoming statement to my ears.
Hindi agad ako nakapagsalita nang halos ma-stars truck ako sa kanya. I knew it was my second time meeting him, but how could he maintain his naturally appealing demeanor? Hindi ba't dapat hindi na ako ma-stars truck sa kanya dahil hindi na ito ang una naming pagkikita?
"H-hi... mister—"
"Just call me Zico. Don't be so formal, hindi naman kita empleyado rito," he chuckled softly, which made me feel awkward. I did not want to avoid his gaze, but the way he looked at me... I felt like I didn't want to look at him anymore.
"O-okay, good morning Zico. Uhm, I just want to give you your wallet back. Noong una kasi tayong nagkita, nailaglag mo ito." Iniabot ko sa kanya ang wallet niya.
"Oh, my wallet. I thought I had really lost it. Alam mo naman ang panahon ngayon, ipagpapasalamat mo na lang kung maibabalik pa sa 'yo ang bagay na may halaga at may halaga rin sa iba kung kinakailangan nila. Thank you for giving this back to me. Sana ay iniwan mo na lang sa reception area para hindi ka na naabala." He took the wallet out of my hand.
"It's okay. Gusto ko rin kasing ibalik 'yan sa 'yo ng personal," saad ko.
"Please have a seat," Zico offered.
"Uhm, Zico, hindi na rin ako magtatagal—"
He used the intercom from his table. "Ivy, please bring us two coffees and snacks. Thank you."
Umupo ako nang alukin niya ako ng upuan. Parang hindi niya narinig sa sinabi kong hindi na ako magtatagal. Iyon naman kasi talaga ang plano ko, ang isauli sa kanya ang wallet niya at umuwi na agad.
Tumabi siya sa akin mula sa couch na inupuan ko. He moved away from me by inches.
He crossed his legs while waiting for the coffees.
I didn't want the awkwardness to linger between us, so I asked him questions, "Kumusta na ang pamangkin mo? Ayos na ba siya?" Bigla ko ring naalala ang pamangkin niyang dumudugo ang ilong noong nakita siya ni Nero at kapuwa namin ito ihatid sa kanya.
"Ah, si Remi? She's fine. Malikot kasi ang batang 'yon kaya palaging nadadapa. She's even mentioning the kid you were with when we first met. Gusto niyang makita ulit ang anak mo para maglaro sila. Remi wished to befriend him."
Hindi ako makapaniwala na gustong makita ng pamangkin niya si Nero.
"Sasabihin ko kay Nero ang tungkol sa pamangkin mong si Remi kapag nakauwi na ako. I believe Nero wanted her to be his friend as well.
The conversation was going very smoothly. Ang kaninang kaba at awkwardness na nararamdaman ko ay unti-unti nang naglalaho dahil napapalagay na ako sa usapan naming dalawa.
Ilang saglit pa ay pumasok na ang sekretarya ni Zico at ihinain ang kape na ipinatong nito sa maliit na table sa tabi namin. Mayroon ding kasamang cookies at croissant ang dalawang mainit na kape.
"Bakit mo nga pala naisipang isauli sa akin ang wallet ko personally? Masyadong malayo ang opisina ko para byahihin mo pa. We first met in Windercoln, and this is Bellmoral, which is a different city. It's about half a hundred kilometers from where we met. Kung may trabaho ka ngayon, inabala mo lang ang sarili mo."
Umiling ako. "It's absolutely fine for me to do this," sagot ko.
"Uhm, Nerida, I don't want to end this conversation abruptly. Ayokong magpasalamat sa iyo nang ganito. Thanking you verbally isn't enough for me. Gusto mo bang lumabas? Magkape somewhere o kumain sa labas? Spa? Anything... my treat! Makabawi man lang ako sa 'yo."
Pinagmamasdan niya ang magiging sagot ko nang ayain niya ako. Hindi ko alam kung may gagawin pa siya dahil nakikita kong napaka-busy niyang tao at pag-aaksyahan lang ako ng oras. Gusto kong tumanggi dahil hindi ito ang plano ko. Uuwi agad ako kapag naibalik ko na sa kanya ang wallet niya.
Pero nakakahiya rin kasing tanggihan si Zico. Baka kapag humindi ako ay ma-disappoint siya. I did not want to reject him.
Kung sasaglit lang kami, maaari ko siyang pagbigyan.
KAMU SEDANG MEMBACA
Too Deep
Romansa[Filipino Romance Novel] Nerida Carson, an 18-year old girl, loves to play with water. Lumaki sa isang beach resort na pagmamay-ari ng kanyang Ama na si Wilter Carson. Buong buhay ni Nerida ay roon siya nakatira, takot sa mga tao, tahimik at palagin...
[Book 3] Chapter 3: Elixir
Mulai dari awal
