[Book 3] Chapter 3: Elixir

4 0 0
                                        

Nerida Carson

Napag-usapan na namin ni Niklaus ang tungkol sa pagpunta ko ng Bellmoral upang isauli ang wallet ni Zico. Hindi naman niya ako pinagbawalan, ngunit mas inaalala niya iyong trabaho na matatapos ko kung siya na ang personal na magsasauli ng wallet. Alam kong mahalaga ang wallet na ito para may Zico dahil halos lahat ng kailangan niya ay naroroon. I did not touch anything inside; all I saw were some of his pictures, cards and pocket money.

Maaga akong nagising at nag-ayos. I made my breakfast and dressed casually but appropriately. I had not been to Elixir Fragrance before, gusto ko lang na maganda ang damit ko sa pagpunta ko roon. I did wear some make-up and kissed Nero's head while he was sleeping before going down to start my car's engine.

"Babe, mag-iingat ka. Mag-text ka kapag nakarating ka na roon." Niklaus kissed me right on my lips.

I nodded and put on a morning smile.

Mula sa biyahe ay unti-unti akong nakaramdam ng kaba, hindi ko lang maintindihan dahil isasauli ko lang naman ang wallet ni Zico at uuwi na agad ako dahil marami pa akong trabaho. I just wanted to return it to him personally, nothing else.

Nang makarating na ako sa Bellmoral, mula sa main square ng siyudad ay nakita ko na ang iba't ibang billboards and commercial advertising at big screen TVs na nakabungad sa nagtataasang mga gusali. Mahalaga ang advertisement upang mas makilala ang isang produkto o serbisyo. Malaking tulong din ito sa exposure at pagkakakilanlan ng isang kompanya.

What struck me the most was the Elixir Fragrance that had been piling up on so many billboards, including the owner's. Kumbaga si Zico na ang may-ari at siya pa ang nagiging model at endorsement ng produkto. Kaya ay masasabi mong malakas ang dating niya hindi lang sa kung paano niya dalhin ang produkto, kung hindi ay mayroon talaga siyang natatanging karisma at appeal sa mga tao.

Napapangiti na lang ako nang makita ang ilan niyang litrato sa mga billboard. I knew I sounded ridiculous because what I had seen in the advertisements was the same when I met him in person. Hindi maipagkakaila ang lakas ng dating niya lalo na sa personal.

I parked my car near Elixir Fragrance's building. Balak ko sanang ipasok at iparada ang kotse ko sa mismong parking area ng kompanya, ngunit wala naman akong dahilan sa mga security para papasukin nila ang tulad ko. Wala akong kahit na anong appointment. Ano'ng sasabihin ko? Na ibabalik ko lang ang wallet ng boss nila?

Natatawa ako sa sarili ko sa tuwing maiisip ang bagay na 'yon.

Wala namang kaso kung paparada ako sa malayong bahaging parking space dahil sasaglit lang naman ako. Perhaps, after I returned the wallet, I went straight to the mansion to continue my work.

Bago pa ako tuluyang makapasok sa mismong building ng Elixir Fragrance ay tinanaw ko paitaas ang napakaganda at napakalaking gusaling halos manliit ako sa tayog at taas nito. I hadn't seen a more beautiful building structure. Vanhook Perfume's building was also visually appealing, but Elixir Fragrance was more than that. It had a modern style while remaining completely unique. Mula sa pinakatuktok ng gusali ay mababasa mo ang mga letrang ELIXIR.

Naglakad pa ako papasok ng entrance hanggang sa salubungin ako ng lamig nang makatungtong ako sa waiting lounge. Ang buong akala ko ay paghihigpitan ako ng mga guwardiyang naroroon, ngunit tila hinayaan nila akong makapasok pati na ang ilang empleyado at tao na nakasabay ko.

I wandered around, and the entire lounge was something I hadn't expected to see today. Napakaganda at napakaaliwalas. Ang welcoming, tila ba nakakagana kung isa ako sa mga empleyadong nagtatrabaho rito.

Sa paglilibot ko ng tingin sa paligid ay para akong isang ignoranteng nanggaling sa probinsiya at nawawala nang masaksihan ang ganda at lawak ng buong lounge.

Too DeepWhere stories live. Discover now