"I'm sorry—- what? Hindi naman tayo magkakilala." Gulong-gulo kong pahayag. Have I hit my head in any way? Wala naman akong maalalang nagkita na kami!

Hindi naman siya kaagad nakasagot, he just remained staring at me.

"I'm pretty sure you were that girl." Aniya habang titig na titig pa rin sa akin.

Halos naman magbuhol-buhol na ang kilay ko sa pagkakakunot.

"That girl? Ako?"

"Yeah, the one on the elevator," nanatiling nakakunot ang noo ko. Elevator? "talking to a person named Angelli."

Sa pagbanggit niya sa pangalan ng pinsan ko ay kusang naging patag ang kaninang kunot kong noo, kasabay no'n ang pamimilog ng aking mga mata at ang pagbagsak ng panga ko.

Punyawa.

Siya 'yon?! Iyong doctor na nakasabay ko sa elevator?! Iyong nakarinig ng mga kabalbalang pinagsasasabi ko?!

"Hindi ko na dapat balak sabihin, but since you insisted..." Napatikhim siya. "I'm sorry, it wasn't my intention to overhear your conversation."

Nanatili akong nakatitig sa kanya, hindi pa rin makapaniwala. Nag-iinit ang mukha ko, nag-iindikang pulang-pula na ako sa hiya.

Parang gusto ko na biglang tumayo at tumakbo paalis. Pero kung gagawin ko 'yon ay madadagdagan lang ang kahihiyan ko.

Think rational, Fayven. Think rational! Don't make it a big deal.

"O-Okay lang, wala ka namang kasalanan." Ang may kasalanan ay ang eskandalosa kong bibig at ang utak kong hindi nag-iisip bago magsalita.

"Are you feeling better? We'll start once you're fully comfortable." Aniya.

Muntik naman akong masamid sa sinabi niya kahit wala akong subo. Nagpapatawa ba siya?! Gusto ko na ngang tumalon sa bintanang nasa likod niya! I don't think I'll ever be comfortable with him!

"I'm good..." Pagsisinungaling ko na lang. "Pwede na tayong magsimula."

"Are you sure, Ms. Fayven?"

Muntik ko na siyang ismidan. Really? Ms. Fayven? Masyado siyang formal.

Eh ano bang inaasahan mo, Fayven? Of course he must be professional! Psychiatrists and their clients are not allowed to be friends.

"Oo, komportable naman ako." I'm not. Gusto ko na lang talagang matapos na ang lahat sa lalong madaling panahon. Pakiramdam ko kahit malawak ang paligid ay limitado lang ang hangin kapag kasama ko siya.

"Very well," tipid siyang ngumiti. "I have here your psychological assessment report."

Inabot niya sa akin 'yong isang brown envelope na hawak niya. Dalawa iyon, tig-isa kami.

Kaagad ko naman iyong inabot at binuksan para kunin ang papeles na nilalaman no'n.

Sa unang pahina ng papel ay naroon ang personal information ko, naroon din ang dahilan ng pagpunta (Reason for Referral), kasama ang ilang na-obserba sa akin ng test facilitator (Assessment Proper).

Sa reason for referral, nakasaad lahat ng traumang sinabi ko at ang ilang na-obserbahang masasamang epekto ng mga iyon sa akin.

Napalunok ako.

He already knows majority of my traumas... ang hindi niya na lamang alam ay ang pinakadahilan kung bakit tinangka kong magpakamatay ng gabing 'yon—which is ang hindi pagkakakulong ng abuser ko.

The Psychiatrist's Insanity Where stories live. Discover now