"Tara." Pag-aaya niya sa akin at nauna nang maglakad habang ako ay nakasunod lang sa kanya. Maya-maya ay nilahad niya ang kamay niya sa akin habang naglalakad kaya tinanggap ko na lang 'yon. HHWW na ba 'to? Nilabas ko saglit ang cellphone ko at pinicturan siya na nakatalikod habang hawak ang kamay ko. Minsan lang 'to 'no kaya kailangan may remembrance tayo.

Dinala niya ako sa isang area kung saan pwedeng mag-picnic. Hindi naman ganoon karami ang tao dito sa bandang 'to. Mahangin din at buti na lang ay hindi naulan sa mga oras 'to.

May kinuha siya doon sa eco bag na dala niya na tela ata 'yon at inilatag sa damuhan. Ikinalat na niya din doon ang mga pagkain na nakalagay sa bag. Umupo na rin kaming dalawa at pinagmasdan ang langit. Nakaka-relieve nga naman ng stress 'to kung maaliwalas ang paligid. May mga tao din dito na nagpi-picnic kasama ang mga kaibigan nila o pamilya. May nakita pa nga akong isang cute na tuta habang papunta kami dito eh.

"Kumusta?" Biglang tanong niya sa akin habang nakatingin pa rin sa kalangitan.

Napangiti ako. "Ayos lang. Nakalimutan kahit papaano ang mga nangyari." Sagot ko sa kanya.

With the help of a getaway with my friends, parang balik na ulit tayo sa una. No more problems, hopefully. I let myself enjoy habang nasa beach kami at naggagala sa Tagaytay. It feels so refreshing. There was a time na nag-bonfire kami and naglabas kami ng mga hinanakit namin sa buhay. Nakakagaan ng pakiramdam na masabi yung mga tinatago mo. We all hugged each other and tell na "Thank you for staying strong". It's a very heartwarming moment for all of us. We stayed strong despite of the circumstances that we encountered. We thanked each other for holding on and we promise we won't lose our grip.

"You did not think of the possibility na pumunta din ako sa Tagaytay with Sirius?" Napatingin ako sa kanya nang itinanong niya 'yon sa akin.

"No, akala ko busy ka eh and you don't have time na to go anywhere ganoon." Sabi ko. Syempre, he should also focus sa studies niya 'no. Ang hirap pa naman ng mga inaaral nila. 'Pag nanonood ako ng mga kdrama na related sa law, ang astig astig na parang gusto ko rin mapag-aralan 'yon. Kaya lang sa tuwing nakikita ko 'tong si Castel, 'wag na lang. Baka hindi ko kayanin eh.

Kumuha siya ng isang chichirya at binuksan 'yon. Ganoon din ang ginawa ko.

"Sa tingin mo, magkakatuluyan pa si Addi at Xero?" Out of the blue na tanong ko.

I couldn't think of something else to ask. Pero curious kasi ako sa kanilang dalawa eh. I am rooting for them to end up pero kung wala naman na talagang pag-asa edi 'wag na lang pilitin.

Natagalan bago siya sumagot sa akin. Siguro ay dahil pareho nga naman niyang malapit na kaibigan ang dalawa kaya hindi makapagbigay ng malinaw na sagot. "Siguro. Xero is just waiting for the right moment, ang alam ko. He couldn't love another and he isn't planning to." Sagot niya.


"Sana all hinihintay." Birong sabi ko. Sana all din may lovelife. Sa aming magkakaibigan, si Cailles pa lang ang may masayang lovelife as of the moment. Pero, hindi naman natin kailangang magmadali pagdating dyan. Let's all be patient na lang at dadating din si the right one.

He chuckled dahil ata sa sinabi ko kaya napatingin ako sa kanya ulit. "What?" Sabi ko pa at tinaasan ko siya ng isang kilay.

"Wala." Nakangiting sabi niya at umiwas pa ng tingin sa akin tsaka umiling-iling. Pinaningkitan ko pa siya ng mata hanggang sa bumalik sa akin yung tingin niya.

"Ano nga? Sabihan mo na." Pilit ko sa kanya habang nakain ng chichirya.

Inubos niya muna ang chichirya na kinakain niya bago humarap sa akin at napabuntong hinininga bago muling nagsalita.

Unplanned (Players Series #3) Where stories live. Discover now