page 48

494 8 8
                                    

Trigger warning: violence

Elyza's POV

Isang linggo na akong hindi pinapalabas dito sa building namin at parang hindi ko na kakayaning tumagal pa. They make me feel like I am in prison for locking me in this room. Gusto ko na umalis dito but they never let me and I'm scared.



This is the first time they did something super bad like this. Hindi ako sinasaktan ng manager ko before but now, she can't even stop herself. Yung ibang staffs, hindi ako matulungan dahil natatakot din sa kanya. I can't stop from blaming myself sa nangyayari ngayon kasi if ever sinunod ko ba ang mga kaibigan ko na umalis kaagad sa entertainment na 'to, hindi naman hahantong sa ganito diba? I am just hardheaded for not listening to them. See where it takes me.



Pagod na pagod na ako dito. My bruises were not healing and sobrang nanghihina ang katawan ko ngayon. I just wanted to be free from all of this. I wanted to see my family, my friends, my freedom. Kamusta na kaya sila? Theo told me they were planning something para mailabas nila ako dito.



Maya-maya pa ay narinig ko ang pagbukas ng pintuan kaya agad akong napalingon at kinabahan dahil sa taong papasok. Dala dala ang kanyang cellphone patungo sa akin at ako naman ay hindi na mapakali kakaisip kung ano na naman ang kanyang gagawin. Manager Eira isn't an ordinary women dahil para siyang weightlifter sa katawan na meron siya. Kayang kaya ka niya saktan ng walang pag-aalinlangan.



"Oh Ely, mabuti naman at gising ka na." Kunwaring masayang sabi niya at hinila ang isang upuan malapit sa kanya para doon umupo. Nakatingin siya sa akin ng diretso ngunit hindi ko kayang tumingin sa kanya pabalik.



"May a-attendan ka ulit na show at please lang umayos ka na. Hindi ko nagugustuhan ang inasal mo noon." Madiing sabi ni Manager Eira.



Sa lagay ko ngayon, gusto ko na tumutol sa mga inuutos niya.



"M-manager..." nauutal kong sabi. "H-hindi ko na talaga k-kaya. Please, p-palabasin niyo na ako dito. Hindi ako m-magsusumbong, pangako, palabasin niyo lang a-ako." Nagmamaka-awa kong dagdag habang umiiling at nangingilid na ang luha.



Nagdadasal pa rin ako na baka may kaonting awa pa siyang natitira para sa akin.



Pero mukhang wala na.



Nakita kong tila mas naiinis pa siya dahil sa mga sinabi ko. Napaiwas siya ng tingin sa akin at mas lalong dumiin ang mga kamao niya.



Mas lalo akong kinabahan nang bigla siyang tumayo at nakaamba na ang kamay sa akin kaya napapikit na kaagad ako.



"Hindi ka na makakaalis dito!" Malakas na sigaw niya kasabay ng pagsampal sa kaliwa kong pisngi.



Napasigaw na lang ako at tuluyan nang humagulgol dahil sa sakit na ibinigay na naman sa akin.



Lord, tulungan niyo na po ako.



Hindi pa man ako nakakabawi mula sa kanyang pagkakasampal ay agad na niya akong sapilitan na itinayo sa pamamagitan ng pagsabunot sa akin. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa akin at sobrang sakit kaya patuloy pa rin akong napaiyak.



Kahit kailan ay hindi ako trinato ng ganito ng mga pamilya ko kaya ang maranasan ngayon ito ay sobrang sakit.



"Walang tutulong sayo! Walang makikinig sayo! Walang kwenta ang mga kaibigan mo!" Sigaw na naman niya.



Nagkakamali ka. My friends were all there to listen and help me pero ako lang 'tong ayaw magsabi at humingi ng tulong. Because I thought that I will just be a burden to them. Addilyn is still recovering and it's not good to stress her. Cailles is busy on her work dahil alam kong tambak na siya ng gawain. Maxien is also focusing on her apprenticeship and she is facing family problems as of the moment. Primrose is fixing the problems on their companies. I can't attempt to bother my family too dahil maga-alala lang sila sa akin. They would think na I am still not capable of fixing things alone, na I still depend on them.



Unplanned (Players Series #3) Where stories live. Discover now