page 62

542 9 17
                                    

The confession.

Elyza's POV

2:34 PM.

Kakalabas lang namin ng hotel and si Sirius ang bumungad sa amin with Castel, actually. Sirius was holding a banner that says "I'm sorry, mahal. I love you!". Natatawa na lang ako sa katabi niya kasi nakasimangot ang mukha niya na para bang sinasabi na hindi niya kaibigan si Sirius. Medyo korni nga naman pero nag-effort pa rin siya doon 'no tsaka knowing them, sila talaga yung gagawa ng mga bagay na korni ganoon.

"Ano na namang pakulo mo!?" Sigaw ni Cai atsaka lumapit kay Sirius at niyakap siya. Oh diba? Marupok talaga 'yan. Kunwari pang ayaw pero sa loob loob niyan, gusto din. Wala kayong maloloko dito, uy.

"Shala, gawin ba naman tayong third wheel? Hindi ako makakapayag." Sabi ni Maxien. Pasensya na, ganyan talaga 'pag walang jowa. Introducing Maxi, the pambansang third wheel ng taon.

"Oh, yung isa dyan, wag na mahiyang ibigay sa kanya yung bulaklak." Patukoy ni Addilyn kay Pierre na nagsimula nang maglakad papalapit sa akin at nagawa pang umirap kay Addi.

Ang buong akala ko ay si Sirius lang ang mangsusurprise. Hindi ko naman alam na mahilig din pala 'tong si Castel sa mga ganitong bagay. Kaya pala hindi nagchat sa akin kaninang umaga, may plano palang pumunta dito.

He gave me the bouquet as he kissed my forehead. His sweet gestures. When we were in high school, inis na inis ako sa kanya because he would always do things that annoys me. I didn't expect that he's super caring. We got close after we cross paths on that dating app we both tried. Then, we continued as friends until now.

"Ano? Una na kami ha? May mga sumundo na naman sa inyo eh." Paalam ni Maxien sa amin at dumiretso na sa kotse ni Primrose. Nagpaalam na din sa amin si Addilyn. Mukhang sila ang sabay sabay na uuwi.

"Pri, alis na din kami ah. Ingat kayo!" Sabi ni Sirius kay Pierre at tinanguan lang siya nito. Umalis na din si Cailles na akbay akbay ng kanyang boyfriend na wagas kung makangiti. Bati na kasi sila kaya super happy na naman 'yan.

Dahil kami na lang ang natitira, pumunta na rin kami kung nasaan ang kotse niya. Pinagbuksan niya ako ng pinto at pumasok na ako sa loob ng kotse. Inilagay naman niya ang mga gamit ko sa likod na kinuha niya bago ako makasakay.

"We'll go to Nuvali first before going home." Sabi niya pagkapasok ng kotse at ini-start na ang makina.

Napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi niya. "Why?" Tanong ko. Wala naman akong angal dahil nakapagpahinga naman ako ng maayos bago kami umalis ng hotel.

"I need to relax. I'm stressed." Sagot niya habang nagdadrive na. Natawa naman ako sa sinagot niya sa akin.

After the incident, Castel was always beside me when I need someone. Hindi ko din in-expect na he's someone I can rely on 'pag may mga problema na ganoon. Siya yung lagi kong kakwentuhan ng mga nangyayari sa araw-araw. He makes me open up myself comfortably. He willingly listens to my stories, kahit na may ginagawa siyang importante. He makes me feel like I am always heard and cared for. Nakaka-touch. Pero syempre, hindi lang siya one-way, I also let him tell what he feels. Pareho kaming nakikinig sa isa't isa.


Medyo mahaba ang byahe kaya sinubukan ko lang umidlip kahit saglit. Makalipas ang ilang oras, nakarating na kami sa Nuvali at naghanap na agad ng parking. Medyo maraming sasakyan kaya nahirapang maghanap at naghintay pa ng space na available. Agad naman akong lumabas ng kotse niya pagkatapos mag-parking. Siya naman ay may may kinuha pang eco bag na mukhang naglalaman ng mga pagkain dahil nakita ko doon ang Nova at Piattos.

Unplanned (Players Series #3) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon