“The heck? Mga gag* pala sila e,” singhal niya habang napapasabunot sa buhok niya.

“Hayaan mo na lang, mahirap na talaga makakuha ng hustisya ngayon, lalo na at parte ako ng LGBT,”

“Naririnig mo ba sarili mo? Hayaan? Nahihibang ka na ba? Kailangang mabigyan ng hustiya ang ginawa sayo ng tito mo— kailangan niyang makulong,”

“Paano? Paano 'yang sinasabi mong hustisya kong hindi naman nila pinaniniwalaan ang kahit anong sabihin ko?” nagulat ako sa sarili ko. Nagulat ako na wala ng luha ang tumutulo sa mga mata ko. Siguro ay napagod na rin ito sa walang sawang pag-iyak.

“Bukas na bukas ay tatawagan ko si Atty. Paulo para sa kaso mo, at tinitiyak ko sayo na mananalo tayo,”

Sa gitna ng pag-uusap namin ni Travis ay tumunog ang cellphone ko. Hindi naka-save ang number kaya nagbaka sakali akong na-wrong send lang. Ipinatong ko na lang ang cellphone ko sa mesang nasa harap ko at nagpatuloy sa pakikipag-usap kay Travis.

Pursigido talaga siya na makulong si Tito Romel. Hindi ko na siya napigilan pa at sumang-ayon na lang sa gusto niya.

“Pwede mo ba ako kuhaan ng maiinom? Biglang sumakit ulo ko,” utos niya habang hinihilot ang kan'yang noo. Tumayo naman ako agad at pumuntang kusina para kumuha ng juice at ilang makakain, bumalik din ako pagkatapos.

“Heto, uminom ka na muna.” Inilapag ko sa mesa ang mga dala ko at umupo ulit sa sofa. Tinignan ko ang cellphone ko para basahin sana 'yong message kanina pero wala namang laman ang inbox ko. Hindi kaya ay namamalik mata lang ako? Nagkibit balikat na lang ako at inilagay ang cellphone sa bulsa.

HUNI ng mga ibon at sikat ng araw na tumatama sa mga mata ko ang siyang gumising sa akin. Nag-unat ako at binati ang kakagising lang ding si Yrich. Sabay na kaming bumangon at nagpuntang banyo para maghilamos. Hindi man ganun kalaki ang bahay ni Travis ay hindi ko pa rin ito makabisado. Mabuti na lang at alam na ni Yrich ang pasikot-sikot dito.

Naabutan namin si Travis sa may sala na may kausap sa cellphone. Nang makita niya kami ay agad din niyang ibinaba ang tawag at nilapitan kami.

“Anong gusto niyong breakfast?” nakangiti niyang tanong. Hindi ko alam kung anong meron sa ngiti niya ngayon pero nakakasigurado ako na peke ang mga ito.

“Gusto ko ng hotdog at sinangag!” sigaw ni Yrich na parang kasali sa rally.

Walang katulong dito si Travis kaya tumulong ako sa kan'ya sa paghahanda ng almusal. Isinuot niya sa akin ang kulay pink na apron na may nakalagay na ‘Mommy’, samantalang kulay alsul sa kan'ya na may nakalagay namang ‘Daddy’.

Nangunot ang noo ko at kating-kating nagtanong. “May asawa ka na pala?”

“Wala,” mariin niyang depensa.

“Anong ibig sabihin nito?” ngumuso ako at itinuro ang mga nakalagay. Nangamot siya sa batok niya at umiwas ng tingin.

“Ah...eh...”

“Ano?”

“Nagugutom na ako,” nakangusong reklamo ni Yrich. Ipinatong niya ang baba niya sa mesa at pinaglaruan ang baso sa harap niya.

“Hintay ka muna ng ilang minuto,” saad ni Travis at inatupag ang pagpriprito ng hotdog. Ako naman ay nagsangag ng kanin at si Yrich na ang naghanda ng mga plato.

Ang sayang pagmasdan na magkakasama kaming tatlo. Tila ba walang problemang nagdaan, lahat kami ay nakangiti at wala kang makikitang bahid ng lungkot.

Nang matapos kami sa pagluluto ay kaagad din kaming kumain. Sa gitna ng aming pagkain ay may dumating na lalaki na nakasuot ng pormal na damit. Ipinakilala siya sa amin ni Travis bilang si Atty. Paulo. Kaagad naman naming tinapos ang aming pagkain at si Yrich na mismo ang presinta na maghuhugas ng mga plato.

OTOKONOKO [PIP BL COLLABORATION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon