CHAPTER 9

7 3 0
                                    

WAKING UP with your mind's already occupied feels like I didn't really sleep and my eyes was just closed the whole night. Kailangan kong bumangon sa mas maaga kaysa sa nakasanayan ko because I have modeling practice na din which is kasabay ng practice ng basketball and speaking of basketball, kamusta kaya si Dale? nakatulog kaya siya nang maayos after visiting where her mom is?

I sighed at kamot-ulong bumangon para makaligo na.

Dapat ko siyang makausap! Yes! I feel like he needs someone to talk to and of course we will visits his mother para naman makita na siya ulit ng mom niya. Nandito na din naman siya sa Pilipinas so bakit hindi pa sulitin ang araw na mabibisita niya ang mom niya, right?

There's something that force me to help him but I don't know why and how I would help him because I can see that he's fine naman kaya hindi ko maintindihan bakit ganito ang pakiramdam ko. Paladesisyon masyado.

I sighed. Tinapos ko ang paliligo ko at nagbihis na din. Casual lang ang susuotin ko pero dala ko pa din ang school uniform ko since hindi naman pwedeng nakacasual ako sa room. Usually, pinagmemake up kami kahit practice pero hindi ko sinusunod 'yon. Alam naman ni Coach na pag hindi ako komportable hindi ko talaga ginagawa.

"Florence?!" Si Dad.

Pinagbuksan ko siya at taka akong makita na nakabihis na din siya.

"Good morning, Dad. Aga pa a?"

"Morning, Baby. Ihahatid kita."

Natawa ako dahil talagang naka office attire na siya.

"Are you done arranging stuffs?"

"Yes, Dad. Ibababa ko nalang po."

"Let me help you."

Binuhat ni Dad ang isang malaking bag ko na naglalaman ng mga gamit ko. Iiwan ko naman 'yon sa locker namin sa modeling HQ para hindi araw-araw bitbit ko.

"Bakit gano'n karami ang dadalin mo?" Takang tanong ni Dad nang papunta na kami sa Dining.

"For everyday use 'yon, Dad."

"O, nandiyan na pala kayo. Let's eat na baka mahuli ka sa practice mo." Si Mommy na naka office attire na din.

"Bakit naman po ang aga niyo magsibihis din?" Nagtataka kong tanong.

"Pupunta na din kami agad sa office after ka namin ihatid. We also have to  go to embassy for some important matter."

"Aww okay. Hindi naman po kayo pupuntang abroad, Mom?"

Dad shrugged. "We have to go to Germany, Baby. We have to check something there. It'll take a week or two."

"That's why we'll ask your cousins to stay here while we are away para may kasama ka," Mom added.

I smiled. "Okay, Mom! Ingat po."

Actually, okay lang naman sa'kin ang mag-isa dito pero kahit na sabihin ko 'yon hindi pa rin sila palagay kaya sa tuwing aalis sila palaging si Adyllena ang kasama ko pero ngayon dalawa na sila ni Zevi. It's great though.

Kumain ako nang tahimik while nag-uusap sila about company. Dad's giving her suggestions while Mom's giving him idea about possible results. They're a team.

"Ito na ba ang lahat ng gamit mo?" Tanong ni Mommy nang matapos kaming kumain.

Naghahanda na kami ngayon para umalis.

"Yes, Mom."

Si Dad ang nagbuhat ulit at saka kami sumakay sa kotse.

"Florence, Please while we're away do not put yourself into trouble, okay?"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 27, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

MAKE IT WITH YOUWhere stories live. Discover now