Kabanata VIII

Magsimula sa umpisa
                                    

Everything is just a font. Nagpapanggap na lang akong masaya tuwing may kasama akong ibang tao. I wear a mask so they don't see how miserable I actually am. I feel like a puppet, and I'm the puppeteer myself.

Napabuntong-hininga na lang ako, sa sobrang lalim ay umangat pa ang magkabilang balikat ko.

Hindi naman na bago sa akin ang pagpapanggap. Why should I dwell on it?

Pagkalabas ko ng building ay bahagya pang tahimik ang kalsada, hindi katulad tuwing weekdays kung saan palaging traffic ng ganitong oras.

I glanced at my watch. May 30 minutes pa ako, lalakarin ko na lang siguro ang daan. I need to clear my mind.

Sa totoo lang ay hindi pa ako sigurado kung paano mago-open up mamaya sa psychiatrist ko. Dati ay unti-unti ko nang nagagamay, pero ngayong may panibago na namang akong dapat ikwento--ang nararamdaman ko sa hindi pagkakulong ni uncle--hindi ko na alam kung paano iyon sisimulan. Back to zero na naman ang paghilom ko. All my progress went down the drain.

Sumagap ako ng hangin pagkatanaw ko sa clinic na kaharap ko na ngayon. Hindi ako sigurado kung magagawa kong makapag-open up kahit kanino ngayon, I know for sure I would easily breakdown.

I sighed. I guess I'll just cross the bridge when I get there.

Pumasok na ako ng building. Just like what they instructed, dumiretso ako sa front desk. The same front desk girl greeted me with enthusiasm.

"Good morning, madame! Ms. Mojica, tama po ba?"

Tumango ako at ngumiti. "I have an appointment with a psychiatrist, 9:30AM."

Agad niyang chineck ang monitor na kaharap, napatango-tango naman siya bago bumalik ang kanyang tingin sa akin. Suot pa rin niya ang kanyang maaliwalas na ngiti.

"Your psychiatrist would be Dr. Kier Adelman. He's already waiting for you. His office is on 2nd floor, room number 206—-" natigil siya sa pagsasalita nang biglang nag-ring ang kanyang katabing telepono. Bumagsak ang tingin niya ro'n. Suddenly, her expression became troubled, probably torn between assisting me or answering the phone.

"Okay lang, I can wait." Pinangunahan ko na siya.

Apologetic niya naman akong nginitian. "I'm sorry, just a minute, ma'am."

Nginitian ko na lang din siya as a go signal that it's okay. She eventually picked up the phone. Inabala ko na lang ang sarili sa pagmamasid sa paligid.

"Hello, this is Seeking Light's--oh, yes, sir?--" I tried to look for a distraction as she talk with the person on the other line. Ang kintab naman ng sahig dito. "Uh... you mean Ms.--yes, sir, she's already here--" Napatingin ako sa kanya nang mapansing sumulyap siya sa akin. Kaagad din naman siyang umiwas ng tingin. "Okay, sir. Copy." Binaba niya na ang tawag.

Tumingin muli siya sa akin at muling ngumiti, pero ngayon, kapansin-pansin na nawala na ang pagkaaliwalas ng kanyang ngiti. Sa likod ng kanyang ngiti ay parang may nakakubling pagkabalisa.

"Aplogies, ma'am—-"

"Hindi, ano ka ba, okay lang talaga." Putol ko sa kanya. Baka ang paghintay ko ang dahilan ng pagkabalisa niya samantalang maliit na bagay lang naman 'yon. I hate making people bad.

Umiling naman ito. Nangunot ang noo ko ro'n. "It's not about that, ma'am. A sudden change was just recently announced." She forced a smile. "Anyway, just proceed to 3rd floor, room number 310. Your psychiatrist awaits there."

Napakurap ako.

Room 310? Hindi ba sinabi niya lang kanina, room 206?

Napakamot ako sa aking braso. Iyon ba ang sinasabi niyang sudden change? I'm guessing my psychiatrist changed rooms?

The Psychiatrist's Insanity Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon