Halik agad hindi ba pwedeng sampal lang?

"Felix, hindi ka pa din nagsasawa kakasunod kay Prez ha? Akala mo naman papansinin ka 'nan. Wala nga Iyang pakialam sa mundo." Sambit ng kaklase naming lalake.

Tiningnan ko siya ng seryoso kaya napatahimik siya.

Inis kong sinalpak ang aking earpods sa dalawang tenga at umupo na lamang. Nang dumating ang proffesor namin tinanggal ko na earpods ko at nakinig.

Nasa likod ako ni Naomi, row one.

Habang nakikinig ako may binigay sa akin ang kaklasi kong babae kaya kinuha ko ito.

Hindi ko muna binasa dahil nakikinig pa ako sa discussion ni Ma'am.

May bigla ulit nagbigay sa akin ng papel kaya inis ko itong binasa.

'Pres!'

- F, A Montero

'Pres! Yim! Yimnia.'

- F,A Montero

Inis akong nagsulat sa papel at pinasa sa kanya. Nakinig ulit ako sa nilelesson ni Ma'am. Hindi ko masyadong maintindihan dahil sa pangungulit sa akin ng lalakeng ito.

May nagbigay ulit sa akin ng papel na may nakasulat binasa ko ito.

'Ang ganda mo talaga.'

- F, A Montero

Napangiti ako pero mabilis ding nagbago ekspresyon ko.

'What do you need? Ang kulit mo, Stop that I didn't understand, Ma'am lesson.'

- Y, V Grearta

'Oyy, si Pres ang haba na ng salita.'

- F, A Montero

'Sa message lamang hindi sa personal, pwede bang tumigil ka na? Felix Aiden Montero?'

- Y, V Grearta

'Pwede namang babe? :)'

- F, A Montero

Inis kong hinagis sa kanya ang sulat ko kaso nakita ni Ma'am. Mabilis itong kinuha ni Aiden palihim akong tumawa.

"Mr. Montero please answer this question. What is the sign of an impending volcanic eruption?"

"Po? Hindi ko po alam." Lutang na sagot niya kaya nag tawanan mga kaklase namin.

"Hindi mo alam? Dahil hindi ka nakikinig Mr. Montero. Nangungulit ka na naman kay Wonyoung hindi ka naman pinapansin, Ms. Grearta please stand up!" Seryosong tawag sa akin ni Ma'am.

Tumayo ako. "What is the sign of an impending volcanic eruption?" Tanong sa akin ni Ma'am.

"According to the Philippines institute of volcanology and seismology (PHIVOLCS) the government agency tasked with monitoring earthquake and volcanoes in the country, the following are commonly observed signs that a volcano is about to erupt."

"First, Increase in the frequency of volcanic quakes with rumbling sounds; occurrence of volcanic tremors. Second, Increased steaming activity; change in color of steam emission from white to gray due to entrained ash; Third, Creater glow due to presence of magma at or near the crater."

Madami akong sinabi pagkatapos ko sagutin ito umupo na ako.

"Very good Ms. Grearta, Mr. Montero sa susunod makinig ka para may maintindihan ka hindi iyong nanggugulo ka kay Wonyoung na wala namang paki sayo." Sermon ni Sir na ikinatawa ng lahat.

"Ikaw kasi e. Sabi sayo tumigil kana sa pangungulit kay Pres!" Sigaw ng babae naming kaklase.

"Tumigil nga kayo." sigaw ni Aiden na napipikon na.

Trials Of FateWhere stories live. Discover now