Lahat ng tao siguro sa paaralan ay nakatingin sa kanya. Sino ba naman ang hindi titingin? She's is walking gracefully like a queen na para bang pagmamay-ari na niya ang buong mundo. Kasunod niya ang dalawang kaibigan niya. Para silang mga mean girls sa isang palabas pero ang nakakaiba lang ay siya talaga ang magiging bida at hindi magiging kontrabida.

"Hey babe!" Masayang bati ni James sa kanya.  Ito na siguro ang may pinakamagandang ngiti na nasilayan niya sa buong buhay niya.

Ningitian niya ito pabalik kasi it's hard not to.  Naglakad sila patungo sa classroom nila. Umupo agad siya at tumabi naman sa kanya si James ng makapasok na sila sa loob classroom nila. Hindi pa pumasok ang iba maliban na lang sa kagrupo ni James at sa dalawang kaibigan niyang sina Daisy and Sofia.

"Babe, are you free tomorrow? " Mahinang tanong sa kanya ni James.

Naguguluhan siya pero nakuha parin niyang ngumiti. "Ano bang meron bukas?"

"Nagmaangmaangan ka ba or nakalimutan mo ba or hindi mo talaga alam?" Tanong ni Sofia sa kanya.

"Tell me ano ba talaga meron bukas." Tiningnan niya ang kaibigan niya.

Sa halip na kaibigan niya ang sumagot ay si James mismo ang nagsalita. "Babe naman ehh! Sana hindi mo kinalimutan. Bukas na ang simula ng tournament namin sa basketball."

Napa "Oh! " nalang siya. James talk to her about this last month pero nakalimutan niya kasi sobrang busy niya these past few days. Magsisimula na rin kasi ang sinalihan niyang beauty pageant.  "Don't worry I'll be there supporting you"

Napangiti si James sa sinabi niya. Masaya siya na napasaya niya ang kagaya ni James kasi he is a lovable man that's worth keeping. Ibinigay nito ang lahat ng gusto niya. He is the campus heartthrob. Maraming babae ang nagpapansin nito pero siya ang pinili nito. They have been dating each other since she was 14 and now she's 17 so it's been three years. James is two years older than her.

Samantha Bree Villanueva also known as Bree is a rich young girl. She's beautiful, sexy, smart and talented. Nakukuha niya ang lahat ng luho niya. Her parents are loving kahit busy ang mga ito ay binibigyan pa rin siya ng oras pero kagaya ng ibang mayamang pamilya ay maranasan din niya ang arranged marriage para mas mapalago ang Villanueva's Hotel. They owned hotels and she is the only heiress kasi nagiisa siyang anak. Maswerte lang talaga siya kasi ang mapapangasawa niya ay walang iba kundi si James Kyle Lopez. They both came from a high class society. They understand each other so needless to say na James is the best husband a girl like her could ever have. They have a lot in common like they both study in Enriquez Royal University, they are both the center of attention and they respected one another. So she's really lucky.

Halos mabingi na si Samantha dahil sa sobrang ingay sa loob ng gym kung saan naglalaro si James. Kailangan manalo ang grupo ni James para mas gaganda ang career nito sa larangan ng basketball. Marami ang nagsisigawan sa pangalan ni James at marami ring tarpulin ang ibang kaababaihan.

"Isigaw mo pangalan ni James. Huwag kang magpapatalo sa  mga babaeng iyan." Bulong ni Daisy.

"Bakit naman hindi mo ipinatarpulin yung mukha ni  James. Ang yaman mo kaya." Sabi naman ni Sofia.

Ngumiti siya. "Hayaan niyo na. Hindi naman nila maagaw si James."

Umikot yung mata ni Sofia. "Hindi natin alam ang pwedeng mangyari kaya don't assume so much."

"Kahit anong mangyari sa akin parin ang bagsak ni James Kyle Lopez." She is sure na sa kanya na si James kasi who wouldn't want a girl like her at kung maghihiwalay man sila ay siya ang may karapatang tumapos sa relasyon. "Lalabas muna ako." Paalam niya sa mga kaibigan at lumabas.

THE MAN THAT WAS NEVER MINEWhere stories live. Discover now