| 11 | Fruit of Our Efforts

16 1 0
                                    

Chapter Theme - Baliw by SUD

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Success won't be achieved through dreaming alone, 

it needs action and effort.


| ORION |

Who would have expected that I would end up being in a study group with Raphael's friends? Nung una, kaming tatlo lang nila Raphael at Michael ang member. Kaso sinuggest ni Raphael na isali na rin sina Muriel at Chamuel dahil mas marami, mas mapapadali ang pagrereview. At isa pa, sabay-sabay din naman sila mag-aaral para sa exams.

"Saan tayo mag-group study?" tanong ni Raphael.

"Sa Krustie Krumb Cafe! Gaganahan tayo mag-aral kasi ang ganda ng vibes!" suhestiyon ni Muriel.

Umiling si Raphael. "Mapapagastos ka pa," binalingan niya ako ng tingin, "at walang manlilibre."

"Then how about ours? Kung bawal manlibre, I can make food," I said.

Nanliwanag ang mata ni Muriel. "Tama! Kanila Orion na lang! Gusto ko rin matikman luto mo!"

"'Wag sa kanila, magmumukha lang tayong hampaslupa," komento ni Michael.

"Oo nga. Nakakahiya rin sa pamilya niya," dagdag ni Raphael.

"They don't usually mind if it's for academics, kaya ayos lang kung sa'min," I insisted. Gusto kung lutuan ng pagkain si Raphael, pati na rin sina Muriel.

"Ayaw ko nga. Baka pagkamalan pa kaming alipin mo," reklamo ni Michael.

Inirapan siya ni Muriel bago 'to humarap sa'kin, may ngiti sa labi. "Tayo na lang mag-aral sa bahay mo, Orion! Ta's sila sa labas ng bahay mo kasi ayaw magsipasok!"

"Sa library na lang. Tahimik at mas madali tayong makakapagfocus," si Raphael.

Nagsalubong ang kilay ni Michael, mukhang kokontra nanaman. "Ayaw ko rin do'n. Paano kapag nagutom tayo? Bawal naman kumain do'n."

Napabuntong-hininga si Raphael. Lugar pa lang ng study group ang pinag-uusapan namin, pero hindi agad kami makapagdesisyon kung saan. Naninibago ako dahil kapag nag-group study kami nila Raguel, hindi na nagtatalo sa lugar. Kahit saan, ayos lang. Kung sino ang unang magbigay ng idea, do'n na kami. Usually, it's Raguel's condo.

I can't invite them there. Hindi rin naman kasama sina Raguel sa study group namin. Raphael suggested letting them join, but I went against it because they will only serve as a distraction, lalo na si Jeremiel at Gabriel na nagtatalo kahit sa academics. And Raguel would rather study alone.

"Ganda ba ng room ko?" Proud na proud si Muriel nang sabihin niya iyon habang pinapakita sa akin ang kwarto niya.

In the end, we went to Muriel's house. Hindi kasi siya pinayagan ng magulang na magstay sa labas hanggang gabi. Hapon na ang uwian namin galing school, talagang aabutin kami ng gabi sa pag-aaral.

Grant My Wish, OrionWhere stories live. Discover now