Tinapunan ako ng weirdo'ng tingin ni Konsi Corie, saka patuloy na kinumusta si Ms. Weng. Nawala lamang ang atensyon ko sa kanila nang naramdaman kong tumunog ang cellphone ko.

Nang binuksan, agad na bumugad ang text galing kay Mayor Hassen.

From: Unknown Number

I finally see you. Good morning, Ma'am. :)

My lips twitched. Agad akong nag-angat ng tingin at nahuling nakatingin siya sa akin habang hawak-hawak ang kaniyang cellphone. Sporting a charming smile, he winked at me.

"Luh! Luh! Kinindatan ako ni Mayor Hassen! OMG?!" tili ni Ma'am Sheryl saka ako hinampas, gano'n din si Ma'am Tin! "Ako ba 'yon?! Para sa akin ba 'yon?!"

"Gaga! Baka napuwing lang o dahil sa sinag ng araw!" si Ma'am Tin 'yon. "Kapag sinabi kasing matulog nang maaga, matulog ha!"

Smiling, I looked back at Mayor Hassen who's still looking at me. Hindi ko na alintana ang dalawang nagbabangayan ngayon sa kung para kanino ba ang kindat na 'yon. I know it's for me.

Mayor Hassen's standing on the side of the front of the quadrangle, surrounded by different department heads and securities. May kumakausap sa kaniyang lalaking mukhang isa sa mga head ngunit mukhang hindi siya nakikinig. Nakatingin lang siya sa akin, hawak pa rin ang cellphone.

He held his phone a little higher, kaya't muli kong binuksan ang akin para magtipa.

From: Me

Late na kami, ah. Bakit 'di pa nagsisimula ang flag ceremony?

Nagpipigil ako ng ngiti nang pinindot ang send button dahil alam kong gumana na naman ang kapilyahan ko. I shouldn't be the one bossing around given that he's technically my boss but it's fun! At hindi niya dapat ako mandohan!

Nawala ang titig niya sa akin nang ma-receive ang reply ko. His brows automatically arched, but it washed away when it was replaced by a smile.

Para kaming tangang dalawa. Ilang metro lang ang lapit namin pero para bang ang layo dahil sa text kami nag-uusap ngayon. Sigurado akong magkikita kami mamaya pero kung maka akto siya, parang hindi sapat ang magiging oras mamaya para punan ang habang buhay!

From: Unknown Number

I had to delay the flag ceremony so I could see you.

May kasunod pa iyon.

From: Unknown Number

And I made the right decision. You look so damn well in the morning.

Napapikit ako sa pagpipigil na itapon ang cellphone ko. Nagbabangayan pa si Ma'am Sheryl at Tin sa tabi ko at parang gusto kong makisali dahil sa paghuhuramentado ng puso ko. It's beating so fast I can't keep up! Hindi ako makapaniwalang kinilig ako sa pangbobola niyang iyon!

Magtitipa pa lamang ako pabalik nang tinapik na si Mayor Hassen ni Ma'am Weng. Tumayo siya sa likod nang podium, hudyat na magsisimula na ang ceremony. Konsi Corie and Tita Creeze then looked at me weirdly. Napatikhim tuloy ako at nag-iwas na lang ng tingin.

Nang mag martes ay abala kami lahat sa opisina. Pabalik-balik kami sa opisina para sa mga papeles na pinapakiusap ni Konsehala, bukod do'n ay abala wait pa rin kami para sa 3rd reading ng code. Sa Thursday na kasi 'yon at kailangan talagang maayos na mai-present para magkaroon na ng committee hearings.

"Joshien, pwede bang pakidala 'tong box sa PESO? Papeles iyan para sa mga posibleng trabaho na io-offer ng Seniors' Code," si Konsehala iyon. It's a huge brown box. Mukhang mabigat!

"PESO office, Konsi?"

"Yes. 4th floor, please. Nandiyan naman sa mga papeles sa loob ang content ng inuutos ko. Pakibigay na lang, hija, please," she looked so stressed that I hurriedly carried the box and went outside to take the elevator.

The Red Light KissWhere stories live. Discover now