10 - Love Sick [End]

378 11 10
                                    

"KUYA ITO NA YUNG MGA GAMIT MO!" Tuluyan ng pumasok si Makoi sa loob ng bahay ni Joshua. Pagkalapag niya ng mga gamit nito sa lamesa na pinakuha nito mula sa may shop ay nakita niya ito na tila wala sa sarili, nakatulala lang sa ito may harapan ng t.v set. Gulo-gulo ang buhok nito at mukha pang walang tulog. Medyo magulo rin ang bahay nito na hindi ba niya alam kung nagwala ba ito kagabi o ano.

"Kuya okay kalang? Kumain ka naba?"

"Wala akong gana."

"Wow ah! Bago ata yan. Eh ang alam ko pag umaga eh nangunguna kapag gumising sakin para bumili ng pandesal." Tumabi si Makoi dito. "Ano bang nangyari ah! May ginawa nanaman ba si idol sayo o ikaw ang may ginawa sa kanya para magka ganyan ka?"

"Ikaw talaga Makoi puro ka hinala. Wala akong ginawa sa kanya or siya sa akin."

"Sabagay. Masaya ka nga kagabi diba dahil alam na niya yung tungkol sa inyo dati."

"Tsismoso!" Bigla siyang tumayo, pagkatapos ay nagpunta siya ng banyo upang maghilamos. Ang totoo ay hindi maganda ang tulog niya kanina pang madaling araw. Hindi ba niya alam pero mukang may masama siyang kutob. Tinext naman niya si Arkin para i-update siya sa kung anong ginagawa nito pero hindi naman nito sinagot. Ano na kayang nangyari dun? Ng huling usap nila kagabi ay may gagawin lang daw itong importante pero nung tinanong naman niya ito kung ano yun ay ayaw nitong sabihin? "Ano ba talaga kuya Love!" Sigaw niya habang nag iisa sa loob ng banyo.

Sabagay maaring masakit pa sa damdamin nito ang nalaman nitong lihim. Na halos anim na taon na pala siyang niloloko ng mga magulang niya mula sa kanyang nakaraan. Hindi rin ba niya maunawaan kung bakit itinago ng mga magulang ni Arkin dito ang past niya.  

Habang naghihilamos ay tila nag sisigaw naman si Makoi sa may sala. Akala moy may serial killer na pumasok sa bahay nila. Natigil tuloy siya sa paghihilamos. "Ano kaba Makoi parang kang tanga diyan! Ang aga-aga eh!"

"E-e Kuya yung balita tignan mo!"

Pinanood niya ang flash report sa t.v. Mula duon ay isang babaeng reporter ang kasalukuyang nasa harapan ng isang ospital. "Nandito po tayo sa St. Lukes hospital para kamustahin ang kalagayan ng isang sikat na Radio announcer sa buong Plipinas na si Arkin Hernandez o mas kilala bilang kuya Love. Ayon sa mga saksi ay kumaripas daw ng takbo ang kotse ni Arkin mag aalas dos ng madaling araw."

"Mag aalas dos?" Sambit ni Joshua. Eh iyon ang oras pagkatapos siyang tawagan nito at tila nag papaalam.

Halos hindi makahinga si Joshua sa kanyang mga narinig. Tama ba ang narinig niya na si Arkin daw ay nasa ospital at nasagasaan.  Biglang napahawak siya sa kanyang dib dib. Ito naba ang nais gawin ni Arkin kagabi kaya ito nagpapaalam sa kanya. Kung alam lamang niya na ganto ang gagawin nito ay sanay hindi na niya ito pinayagan pa. Stupido talaga siya!

"Kuya anong gagawin natin?"

"Makoi yung delivery van dalhin mo dito, pupunta tayo ng ospital ngayon din!"



MARAMING REPORTER ang nasa bukana ng ospital kaya naman sa likod sila ni Joshua dumaan. Habang papasok sa may ospital ay hindi parin niya matanggap na nabundol ito. Tulirong-tuliro siya. Maraming komosyon ang bumabagabag sa kanyang utak habang papasok sila ng ospital. Hinawakan naman siya ni Makoi sa balikat. "Kuya kumalma kalang. Magiging mayos din si Idol."

"Sana nga."

Pagdating nila sa may nurse station para magtanong kung saan si Arkin nag kakwarto ay nakita naman siya ni Brenan. Nagkabunguan sila. Lalabas kasi si Brenan upang kuhanan ng damit si Arkin. "Oy Joshua? Tama ba?"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 22, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Love Sick (Completed)Where stories live. Discover now