02 - Finding Josh

486 19 2
                                    

UMAGANG UMAGA ay nakasimangot na pumasok si Arkin sa may office ng True blue radio kung saan ini-ere ang kanyang programa na Love Kuya. Kakagising pa lamang niya kaninang umaga pero halos trentang missed calls at fifty text messages na ang natanggap niya mula kay Brenan. May mahalagang balita daw itong sasabihin sa kanya.

Kasalukuyan siya ngayong naglalakad sa may hall ng opisina ng bigla siya nitong ginulat. "Huwag kang gagalaw." Nakalagay ang hintuturo nito sa kili-kili niya.

"Ano nanaman yan Sir?"

"Oh bakit parang ang init yata ng ulo mo ngayong umaga? Ikaw rin baka mag extend yan hanggang hapon, bahala ka." Tinignan siya ito ng mariin. "Oh ngayon naman eh tinatakot mo ko sa mga tingin mo. Arkin alam kong nagagalit ka sa akin dahil sa ginawa ko sa caller mo kahapon pero business is business."

"Oo na nga ho!" Hindi parin maganda ang tono niya.

"Tignan mo 'tong lalaking to. Kung hindi lang tayo magkaibigan since colleage eh hindi kita matiis eh. Hindi mo ba alam na bawal yang mga pinag aasta mo sa akin. Direktor mo'ko." Wika nito habang tumuturo pa sa kanyang dibdib

"Huwag ka na ngang ma-drama diyan Brenan. Ano ba yung balita Sir?" 

"Yan! May pag galang. Ahm teka duon tayo sa office ko mag usap."

Umupo si Arkin sa pulang couch sa loob ng office ni Brenan. Galing yun sa girlfriend nito na baliw na baliw sa kanya. Since college ay magka sanggang buo na si Brenan at Arkin. Para nga silang aso't pusa na palaging nag aaway. Pero ayon kay Brenan ay normal lang naman daw iyon. He was lived with it.

"Oh ito." Binigyan siya ni Brenan ng isang papel."

"Oh ano to?"

"Iyan nag ratings ng radio program natin kagabi, at sa maniwala ka at sa hindi eh yung ratings natin kagabi yung pinaka mataas sa lahat ng episode since nung nagsimula ka. Tignan moto." Tinuro ni Brenan ang oras kung saan umpisang tumawag si Josh. "Nung tumawag si Josh eh duon na nagsimulang tumaas ang ratings natin. Pati sa facebook, twitter, at instagram eh maraming nag re-request na ituloy niya ang kanyang kwento."

"Oh ano na ngayon Sir?"

"Eh di itutuloy natin yung kwento ni Josh!"

"Okay eh wala naman sakin yun eh, eh di ituloy."

Biglang nagbago ang mukha ni Brenan sa isang banda. "Kaya lang eh. Hindi na namin siya ma kontak. Pag tinatawagan naman namin siya eh hindi naman niya sinasagot o kaya naman eh palaging nakapatay yung phone niya."

"Hindi kaya yun galit sa inyo Sir dahil binabaan n'yo siya ng telepono kahapon?" Nakangising sagot ni Arkin.

"Maari. Pero what are we gonna do? Eh baka pag hindi natin siya nalabas kagaya ng gusto ng mga tao eh baka bumaba yung ratings natin. Sa palagay mo? O kaya naman eh kunin siya ng kabilang radio station!" Napaparanoid ito.

"Sabi ko na nga ba eh! Yung ratings nanaman yung inaalala ninyo."

"Oh common Arkin. Kung hindi dahil sa ratings nayan eh hindi ka magiging sikat. Hindi ka nila makikilala at walang makikinig sa mga payo mo dahil you are nobody!"

Napatahimik si Arkin. Sabagay. May punto nga naman si Brenan na ang kanilang mataas na ratings ang dahilan kung bakit siya naging popular. Kung bakit ngayon kilala ang kanyang pangalang bilang Kuya Love. "Sir anong gagawin natin ngayon?"

"Mag isip tayo." Nagpanik panaog si Brenan habang nag iisip. Wala siyang tigil na kakalakad sa loob ng kanyang opisina ng bigla na lamang siyang napahinto. "Alam ko na."

"Ano yun Sir?"

"Hahanapin natin si Josh!" 

"Good idea!"

Love Sick (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon