06 - Dating with Mr. Hernandez

291 14 0
                                    

HINDI SIGURADO ni Arkin kung darating pa si Joshua sa usapan nila. Malinaw naman ang pagkakasabi niya dito na magkikita sila sa nasabing mall sa ganung oras. Para makasiguro ay ti-next pa nga niya ito. Pero almost thirty minutes na siyang naghihintay sa likod ng Alabang town center ay wala parin siyang Joshuang nakikita. "Darating pa kaya yun?" Tanong niya sa sarili habang naghihintay. It's almost ten thirty na ng umaga. Mahigpit pa naman siya sa oras. Hindi niya kasi kailanman naging hobby ang ma-late sa isang usapan dahil isa rin yun sa kinakainisan ng direktor ng True Blue radio na si Brenan.

Habang nakatingin siya sa malayo ay isang kamay ang bigla na lamang kumalabit sa balikat niya. "Hoy!" Pagkatalikod niya ay nakita niya si Joshua na naka puting polo shirt at medyo semi fit na pantalon. "Pasensiya na ah na late ako." Nandun parin ang inis niya dito. 

"Bakit mukha bakong okay? Almost thirty minutes kang late!"

"Okay easy" Nahalata kaagad ni Joshua ang pagka inis nito. Pero hindi lang 'yun ang napansin niya sa binata. "Nice outfit!" Diskarte niya para maiba ang usapan. Ang totoo niyan ay halos isang oras din niyang pinag isipan kung ano ang kanyang susuotin sa lakad nila. Ilang mamahaling shades din at burloloy sa katawan ang mi nix and match niya para mag mukhang cool sa harapan ni Arkin.  

"Saka ano ang ibig sabihin ng shades nayan eh nasa loob tayo ng mall, mataas ba ang araw? Saka yung jacket mo."

"What about my outfit, baka kasi may makakilala sakin dito."

"Ah ganun, baka may makakilala sayo eh diba never ka pa namang nagpapakita sa madlang people kaya hindi nila alam ang mukha mo." Napaisip si Arin, sabagay tama nga naman ang mga sinabi nito. Na boses lamang niya ang kilala ng mga tao, not His face.

"Eh basta." Tinanggal nalang ni Arkin ang shades niya, pagkatapos ay sinabit nito iyon a gitna ng kanyang suot na polo. "Oh yan okay naba?"

Ang mga mata ni Arkin ang isa sa mga asset nito. Kaya naman ay isang minuto ring nahumaling dun si Joashua. Sa kanyang pakiwari ay nagniningning yun at gusto siyang kausapin. 

"Hey sabi ko kung okay ba? Natutulala ka diyan."

"Ahhh yes okay na okay, mas bagay." 

Pagkatapos nun ay siya naman ang tinignan ni Arkin. "Ikaw naman look at your shirt. Hindi pantay."

"Anong hindi pantay?" medyo nakatabingi ang allignment ng butones ng polo shirt na suot ni Joshua kaya naman nagboluntaryo nito iyong ayusin. "Yan mas okay."

"Parang yun lang eh."

"For you but for me its a big deal. Kailangan ay mas maayos tayo sa sarili natin even kung paano tayo manamit. Ang itsura ang unang impression na unang nakikita ng mga tao satin. Tama ba ako Mr. Joshua?" Well sa isip ni Joshua ay may point din naman to. Pero parang pinalaki lang ni Arkin ang issue gayong hindi lang naka allign ng maayos ang butones ng suot niyang polo shirt. Parang malaking kasalanan na ang nagawa niya. 

"Well may point ka naman." Tumingin si Joshua sa paligid. "Maiba ako, so ngayon saan tayo pupunta?"

"Dun tayo." Walang anu anoy naglakad ng matulin si Arkin sa isang malapit na bookstore. Sinundan lamang niya ito. Duon ang binata nagpunta sa may horror section. Kumuha ito ng isa. "Mahilig ka sa mga horror?" Tanong ni Joshua.

"Medyo." Sagot ng binata. "You know what, sa sobrang busy ko sa radio show. Ngayon nalang ulit ako nagpunta ng mall."

"Talaga ba?"

"Oo at kasama pa kita." Hindi sa kanya ngayon nakatingin ang binata pero sa loob ni Johua ay kinikilig siya. "O sige diyan ka muna at pupunta lang ako dun sa kabila." Pagpapaalam ni Joshua. Pero wala pa ata siyang tatlong minutong tumitingin ng mga interesanteng libro sa may horror section ay na boring na kaagad si Arkin kaya naman ay agad niyang hinanap si Joshua para umalis na. 

Love Sick (Completed)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang