I've heard about that acquaintance party. Nakita ko ang poster no'n kanina sa may bulletin. Though I doubt that I would be attending.

"Pupunta ka?" Tanong ni Steven.

Nagkibit-balikat lang ako. "'Di ko alam."

"Pumunta ka, masaya ro'n. Pupunta ako."

Hindi na ako sumagot. Depende na lang siguro sa biyernes kung matripan kung pumunta. Sa ngayon, wala akong kagustuhang makihalubilo sa iba.

PAGKATAPOS ng klase ay dumiretso na kami sa susunod pang klase. Muli kaming pinag-introduction, pero ngayon, hindi isa-isa.

We were tasked to form a group of 5. There, we'll introduce ourselves individually by sharing the origin of our name. Then after 5 minutes, we'll switch to other groups. Maglilibot kami hanggang sa tuluyan kaming makaikot sa buong klase.

"Hello again, my name is Fayven Leone. Faven is an African name that means light, while Leone is a latin word for lioness."

Gano'n ang naging routine namin sa lahat ng klase. Iba-ibang klase ng introductions. May normal lang, meron din namang may halong twist. So far, maayos ko naman nang nakikilala ang mga blockmates ko.

Nang mag lunch break ay napagdesisyunan kong sa dorm muna tumambay. Gusto ko pang matulog at magpahinga. Tutal ay nakakain na rin naman na kami ni Steven sa tabing karinderya kanina, kasama ang iba naming blockmates na unti-unti na rin naming nagiging close.

Habang paakyat ng building ay hindi ko maiwasang maalala ang lalake kagabi. Kanina pa siya kusang sumusulpot sa isip ko, pilit ko lang iyong isinasantabi. Nakaukit na yata sa utak ko ang kanyang mala-anghel mukha, lalo na ang kanyang mga mata.

Isa pa, palaisipan din sa akin ang nangyari kanina paggising ko. Paggising ko ay may comforter na nakabalot sa akin, wala naman akong maalalang merong gano'n sa kama nung matulog ako? Nakakapagtaka.

Marahas akong napailing. Baka naman hindi ko lang napansin. Masyado na rin akong sabog para mapansin pa ang ganoong maliliit na bagay.

Nang maabot ko ang dorm namin ay kaagad ko na nang binuksan ang pinto. Magtutuloy-tuloy lang sana ako patungo sa aming silid nang isang nakakabinging sigaw ang pumigil sa akin.

"Fayven Leon Mojica! Saan ka nanggaling, babae ka?!" Parang nagising yata ang buong diwa ko sa sigaw ni Annika. Napahawak pa ako sa dibdib sa gulat!

Magkasalubong ang kilay naman itong namewang sa harap ko.

"Kagabi ka pa namin tinatawagan! Bakit hindi ka umuwi, aber?!" Segunda pa ni Bree na ngayon ay halos umabot na sa langit ang taas ng kanyang isang kilay, pinagkrus pa nito ang mga braso sa kanyang dibdib.

Napakamot naman ako sa ulo. Kanina nang bumalik ako dito sa dorm ay tulog pa sila, mas maaga kasi ang kanilang schedule kaya nakatakas ako. Pero ngayon ay mukhang wala na akong kawala.

"Umuwi ako ng Olongapo," amin ko na lang. "Nagka-emergency kasi. Namatay ang phone ko, wala akong dalang charger. Ngayon lang ako nakauwi." Totoo naman ang una kong sinabi, maliban sa pinakahuli. Ayoko nang iladlad pa ang pinag-gagagawa ko kagabi. Nakakahiya ring amining nagawa kong makituloy sa isang taong hindi ko naman kilala.

"Ha? Anong emergency?" Tila nag-aalalang tanong ni Bree.

Napabuntong-hininga na lang ako. "Naresolbahan naman na kaya ayos na. Sa ngayon gusto ko lang talaga magpahinga, wala pa akong maayos na tulog."

"Gano'n ba? Magpahinga ka muna pala. Kumain ka na ba?"

I smiled at Annika, even at Bree who's also looking at me worriedly. I didn't know they care about me.

"Oo, salamat."

Thankfully, pinakawalan na nila ako. Panigurado ay naramdaman din nila ang pagod sa boses ko. Hindi ko naman pinepeke ang nararamdaman kong pagod, gusto ko na muna talagang magpahinga.

Pagkapasok ko sa aming silid ay inalis ko muna ang aking sapatos bago naupo sa kama. Kinuha ko rin ang bag, na siyang dala-dala ko kahapong pumunta ng Olongapo, para kunin ang aking phone.

I pressed the power button to turn it on.

Hindi naman totoong namatay ang battery nito, I turned it off myself. In-off ko ito kahapon sa bus pa lang dahil sa walang sawang tawag na natatanggap ko mula kay Angelli.

As expected, halos sumabog ang phone ko gawa ng sunod-sunod na pagrehistro ng notifications at missed calls. Karamihan ay mula kay Angelli, meron din mula kanila mama at papa.

Hindi ko na binuksan ang mga messages. Ini-scan ko na lamang ang mga 'yon mula sa notification banner, at nang makitang halos paulit-ulit lang naman ang mga 'yon ay hindi ko na inabalang buksan.

Napabuga na lang ako ng hangin. I was already one step away from clearing all the notifications when I suddenly noticed an unregistered number. Nangunot ang noo ko. Kaagad ko iyong pinindot.

From: 0912 345 6789
8:05 a.m.

Good morning, Ms. Mojica! This is to inform you about your first appointment with your psychiatrist on 9:30AM, Saturday, August 21. Just head to the front desk and you will be assisted immediately. Please kindly reply as an indicator that you have received this message. Thank you and have a great day!

Napakagat ako sa loob ng aking pisngi matapos iyong basahin. Hindi ko alam kung interesado pa akong ipagpatuloy ang therapy ko. Pakiramdam ko ay wala na naman akong ganang magpatuloy o gumaling. Hindi ko tuloy alam kung ano ang irereply.

Akmang magrereply na ako sa kanila pero bigla namang sumulpot ang low battery warning. Napapabuntong-hininga ko na lang na binaba ang phone. Muli kong inabot ang bag para kunin doon ang charger.

Kinapa ko ang loob para hanapin ang charger, pero nakapa ko na yata lahat ng parte, wala pa rin akong nahahagilap na wire. Nangunot ang noo ko.

I started rummaging around my bag. Sa huli ay tinaktak ko na 'yon para mahulog ang mga laman sa kama. Wala akong charger na nahagilap, pero sa pagtataka ko, isang itim na papel ang nahulog mula sa loob.

Bumagsak ang tingin ko ro'n.

Nangunot ang noo ko. Hindi iyon pamilyar sa akin. Wala akong naaalalang may sinuksok akong itim na papel sa bag ko. Maliit lang 'yon, kasing liit ng isang sticky note.

Taka ko iyong pinulot. Akala ko nung una ay blanko lamang 'yon, pero nung inikot ko 'yon, doon ko lang napagtanto na may nakasulat pala sa kabilang parte no'n.

Take this note as a reminder that somebody cared, and will always care for you. If there's someone who must love you like crazy, please, let that be you. You deserve the love and understanding you give to everyone. Share a little for yourself.

Hindi ko na kailangan alamin kung kanino ito galing. Sino pa nga ba ang may alam ng pinagdaanan ko kagabi?

Kusa akong napangiti. I didn't know a stranger would be able to affect me this much. Kailan niya kaya ito sinuksok sa bag ko?

Napailing na lang ako. Inabot ko ang wallet ko para sana isuksok na ro'n ang sulat at itago, nang mapansin kong mayroon pa pala akong nakaligtaang basahin. Nangunot ang noo ko. Sa bandang baba ng papel ay may mas maliliit na letra dahilan para hindi ko iyon kaagad napansin.

Naningkit ang mata ko sa pagsubok basahin no'n. Ang liit masyado, akala mo ay hindi niya gusto ipabasa sa akin ang nakasulat doon. It took me a tremendous amount of effort just so I could read that part. And when I was finally able to, hindi ko alam kung pagsisisihan kong pinilit ko pa iyong basahin.

P. S.: You look pretty when you sleep.

Napakurap ako.

What?



The Psychiatrist's Insanity Where stories live. Discover now