"Ang harsh mo sa akin." Komento niya pero patawa-tawa naman. "Dapat nga magpasalamat ka sa akin dahil niligtas ko ang buhay mo."

"Mas magpapasalamat pa ako sa'yo kung tinuloy mo ang pagbundol sa akin."

"Grabe. Masokista ka ba?"

Napasimangot ako sa tanong niya. Masokista talaga agad? Hindi ba pwedeng umay lang talaga ako sa life?

Pero sabagay, hindi ko naman siya masisising iniisip niya 'yon. Sa sinabi ko sa kanya, it seemed like I'm a huge fan of pain.

"Depende sa klase ng sakit." Sagot ko na lang saka komportableng sumandal sa armchair ko.

"Ano ibig mong sabihin?" Tumagilid ang ulo niya sa pagtataka.

Napangisi naman ako. "Secret."

Napakamot siya sa kilay. Itinuon ko naman na ang atensyon sa propesor, nagsisimula na pala ang introduction naming mga estudyante.

Nasa bandang dulo ang pwesto namin kaya matagal pa bago kami. Nakinig na lang ako sa mga kaklase ko. Umabot din ng ilang minuto bago umabot sa amin. I introduced myself briefly, just like what I memorized.

"Hi, I'm Fayven Leone Mojica, 18, from Olongapo City. My hobbies lean towards arts & crafts, I love painting from time to time as well as occasionally writing poetries. The reason why I chose psychology is to grasp a better understanding of why people think the way they think. Aside from that, I wanna work in the field of psychology to help people cope from the crisis they are facing."

Lihim akong nagpasalamat nang hindi ako nautal. Naupo na ako ulit. Iyon lang naman ang sinabi ko pero sobra na sa pagkabog ang dibdib ko. Ang laki na agad ng kaba ko.

Huminga ako nang malalim upang pakalmahin ang sarili. Sa kabilang banda, ang katabi ko naman na ang tumayo para ipakilala ang sarili.

"Good morning, everyone. My name is Steven Liu, 19, originally from Ilocos Sur."

He proceeded introducing himself. His hobby caught my attention. He mentioned writing short stories when he's bored.

Nagsusulat din siya? Napakabihirang makakilala ng lalakeng hilig ang pagsusulat.

Nang matapos siyang magpakilala ay naupo na siya. Kaagad ko naman siyang dinaluhan.

"Nagsusulat ka talaga?"

Bumaling siya sa akin. "Mukha ba akong sinungaling?"

"Medyo." Napasimangot siya kaya natawa ako. "Biro lang. So, nagsusulat ka talaga?"

Hindi ko maitago ang excitement sa boses. I don't usually get along with other people, unless I found a certain similarity with them. That similarity could then serve as a bridge for our friendship.

"Yes, though medyo focused ako sa pagluluto ngayon. Lately na-eenjoy kong magluto ng Japanese cuisine." Napatango-tango ako. Interesting.

"Okay class," napatingin kami kay ma'am nang pumalakpak ito ng isang beses para kunin ang atensyon naming lahat. "Since we still have half an hour left, I'm giving you the remaining time to get to know your seatmate. Para naman hindi na kayo nag-iisang umiikot dito sa campus, 'di ba? Spend the time to make some friends."

Great.

"Also, I highly encourage each and everyone to attend the acquaintance party on Friday next week to build friendships with your blockmates, or even with other blocks. Makakatulong din 'yon para makapag-decide kayo kung aling club ang nararapat niyong salihan." Habol pa ng propesor.

The Psychiatrist's Insanity Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon