Chapter 55: We thought

Start from the beginning
                                    

Naningkit ang mga mata ko ngunit hindi ko na siya inabala pa, I saw this man with my cousin. Nang makita si Yamato ay nakaupo rin siya at mukhang naghihintay.

"Lola," lumapit kami sa lola ni Kenny.

"Uhm she's Liezel Jami Garcia, my date for tonight." Maganda akong ngumiti at bumeso dahil ganoon ang ginagawa nila jusko.

"What a beautiful, delicate woman, nice meeting you." Ngumiti ako at nang matapos 'yon ay pinaupo ako ni Kenny sa tabi mismo ni Yamato kaya umukit ang ngisi sa labi ko.

What a help.

"Huy anong kahibangan 'to?" Rinig kong bulong ni Kuya Timmy kay Kenny.

"Kwento ko mamaya." Balik sabi ni Kenny.

Ipinatong ko ang kamay sa table while searching something on my handbag, "Nalaglag kaya?" Bulong ko.

Hinahanap ko kasi yung key card ng hotel, nang yumuko si Yamato sandali ay may inabot siya sa sahig at natigilan ako ng ilahad niya ang kamay habang nandoon ang key card ko.

"Thanks, Engr. Lapiz." Hindi niya ako inimik at tulad ng sinabi ni Kenny sinadya kong idampi ang balat ng kamay ko sa palad niya.

Itinago ko na 'yon, he's hot. By just wearing a black slacks and a black button up long sleeve polo, 3 buttons are unbuttoned. I'll kneel for him.

Ang bagsak niyang buhok ay naka-section at naka-taas, kita ang noo niya at ang kinis pa ng mukha.

Nang uminom siya ng wine ay napalunok ako nang mabasa ng pulang wine ang labi niya, jusko.

Inaakit ako ng mga 'yon.

Napaiwas tingin ako kaagad at napainom rin, "I'm glad you brought a date, ipagkakasundo na sana kita sa apo ng kaibigan ko." Nakangiting sabi ng lola nito, kasing taon ni Lola Miyu.

"Of course, lola." Matipid na ngumiti si Kenny.

"She's the engineer of our project right? Kilala mo na pala siya." Nakangiting sabi pa ng lola niya, the food arrived and still they talked.

"Yes lola, ako yung pumili sa kaniya and I actually want her to be our permanent engineer, not just for three days." Sa sinabi ni Kenny ay sumaya agad ang puso ko.

"You know, to get to know her more plus she's really good, lalo na pag kasama si Engr. Lapiz." Nang sabihin 'yon ay pinigilan ko ngumiti.

"Okay, that's great. Then I'll hand you the decision for that." Ngumiti sila kaya naman nang kumain na ay kumain na rin ako.

Kagutom eh, minsan nga'y sinasadya ko na magdikit ang braso namin ngunit naka-long sleeve siya.

Habang kumakain ay sinubukan ko abutin ang lemon upang lagyan ang oyster na kinakain ko ngunit medyo may kalayuan sa akin. "What do you need?" Matipid na tanong niya.

"Lemon." Turo ko na parang bata.

Huminga siya ng malalim at inabot 'yon dahil hamak na mas malapit sa kaniya ay mas mahaba ang braso niya kesa sa akin. "Thank you." Matipid akong ngumiti ngunit umiwas tingin lang siya.

Hehehe.

Para-paraan.

Iinom pa sana ako ng wine pero natigilan ako ng hawakan ni Yamato ang hawakan ng wine glass ko, nalingon ko siya.

"B-Bakit?" Kwestyon ko.

"Tama na." Nangunot ang noo ko.

"It's just wine, is it good for the heart?" Pa-kwestyon na sabi ko.

Our Solicitous Heart (3G Series #2)Where stories live. Discover now