Chapter 50: Beneath What?

51 9 207
                                    

Chapter 50: Beneath What?




Liezel Jami's Point Of View.





Pagkamulat ko ay nasapo ko kaagad ang ulo sa sobrang sakit no'n, tumayo ako at dumeretso sa banyo. Iniligo ko ang hangover ngunit hindi siya ganoon kabilis nawala.

Wala na akong maalala matapos ko abutan ng sleepwear ang kaibigan, pagkatapos maligo ay pinatuyo ko ang buhok.

Pagkalabas ko ng kwarto ay pinili ko bumaba dahil naririnig ko ang mga tinig nila, alas syete pa lamang ng umaga ah?

Nakakunot ang noo ko ng makita si Yamato at Amato na naglalaro ng lego blocks, bumubuo sila ng something robotic cars.

"Good morning be!" Bati ni Serina.

"Ang ganda naman ng bagong gising kahit may hangover!" Mandy added, napailing-iling ako.

"Sakit ng ulo ko," singhal ko at tsaka ako lumapit sa single sofa at doon sumalampak.

Nang sulyapan si Yamato ay nakakunot ang noo niyang sinulyapan ako bago siya umiwas tingin, "Nag-breakfast na kayo?" I asked.

"Amato, did you eat already?"

"Good morning mommy, not yet pa po." Magalang na sagot nito kaya ngumiti ako.

"So, hangover? How about sa nangyari kagabi?" Serina stated, nangunot ang noo ko at malalim na napaisip.

May ginawa ba 'ko?

"A-Ano?" Nagtatakang tanong ko.

Bigla ay nahawakan ko ang buhok at inayos 'yon, "Meron ba akong nakakahiya na ginawa?" Natignan ko silang lahat.

Pigil tawa si Senti at Cane habang napapailing si Mandy, "Ano nga? Meron ba?" Kinakabahan na sabi ko.

"Meron be, alalahanin mo ha. Nakakahiya, sobra." Natatawang sabi ni Serina.

"W-Wala naman ah," sabi ko ng ipilit kong alalahanin sa utak ko.

"Kung ang butterfly ay paru-paro, bakit hindi tayo?" Natigilan ako sa sinabi ni Mandy, "'No babe?" Biglang baling kay Cane.

Nangunot ang noo ko dahil wala talaga akong maalala na kahit ano, "Ayan, inom pa." Halakhak ni Senti kaya napairap ako.

"Bahala kayo diyan," singhal ko.

"Manang! Is the breakfast ready na po?" I asked.

"Ay ma'am, hindi pa ma'am! Wala po si manang eh. Ako na lang po nagluto," napatitig ako sa mas bata na kasama namin dito sa bahay.

"Ah, kaya pala." Ngumiti ako.

"Anong breakfast? Do you need help?" I asked and enter the kitchen, "Nako ma'am, trabaho ko na ho ito. Nakakahiya naman," nakangiting sabi niya kaya mahina akong tumawa.

"It's okay, since they're my visitors I can help. What are you cooking?" Sinilip ko 'yon.

Pinaghawak niya pa ang nga kamay at humarap sa akin, "Beef fried rice and bacon and ham ma'am." Ngumiti ako at tumango.

"C'mon, let me help." Hinayaan niya naman ako na ituloy 'yon habang inaayos niya ang inumin for later.

Baka malipasan na si Amato, titimplahan ko muna ng gatas. "Can you look check this, titimplahan ko lang ng gatas yung baby ko." Ngumiti siya at sinunod ako.

Pumunta naman ako sa tray table ni Amato, meron sa taas at meron rin sa ibaba syempre. Kinuha ko yung parang baso ang style ng bottle pero may chupon na medyo may kalakihan ang butas.

Nag-timpla ako at tsaka ko sinubok kung gaano ka-init 'yon, nang matimpla 'yon ay nilapitan ko sila magkatabi kasi sila ni Yamato.

"You're great at this," rinig kong usal ni Yamato.

Our Solicitous Heart (3G Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon