Chapter 41 Mahal ko o Mahal ako?

Começar do início
                                    

Nasa isang dalampasigan kami ni Hannah at masayang nagkukwentuhan.

"Lance, nauuhaw ako. Kuha mo ako ng tubig please." utos nito with beautiful eyes pa.

"tubig? ayan oh.. Ang daming tubig." sabay turo ko sa dagat na nasa harapan lang namin.

"ah ganun? Bakit hindi mo kayang itry inumin yan." sarcastic din niyang sabi na ikinatawa ko.

"Napaka-pikunin talaga ng mahal ko oh.. Sige na nga, ikukuha na kita." sabi ko saka siya hinalikan sa ulo bago tumayo para kumuha ng tubig niya.

Nakangiti akong tinahak ang daan pabalik sa pwesto namin pero ganun na lang ang gulat ko nung makita kong wala siya doon.

"Hannah! " sigaw ko habang nililibot ang tingin ko sa kabuuan ng resort.

"Lance!" dinig kong sigaw ni Hannah kaya agad kong sinundan ang tinig niya.

Ganun na lang ang gulat ko nang may dalawang lalaki ang may hawak sa kanya at pilit siyang isinasakay sa van na itin.

""Sino kayo? Anong kailangan niyo?" galit kong sigaw at akmang lalapit sa kanila nang may humawak din sa aking lalaki para pigilan.

"Lance!" umiiyak na sigaw ni Hannah pero wala akong magawa dahil napakalakas ng mga taong humaharang sa akin.

Hanggang sa tuluyan na siyang maisakay sa van at pumasok na din ang mga lalaki doon.

Mabilis nilang pinatakbo ang van at hinabol ko yun, habang patuloy na sinisigaw ang pangalan niya.

"Hannah!" muling sigaw ko kasabay ng paggising ko na pawis na pawis at habol ang hininga.

--*

"Anak! anong nagyayari? bakit ka sumisigaw?" tarantang tanong ng Mommy ko sa akin.

Pero hindi ko siya sinagot at inisip mabuti yung panaginip ko.

No! hindi ko hahayaangmawala sa akin si Hannah.. Hindi ko kaya!


Harry's POV

Katatapos ko lang magdinner at ngayon ay nakatunganga lang ako dito sa study table ko. Wala sa kundisyon ang utak ko para mag-aral ngayon.

Iniisip ko kasi yung pangungulit sa akin kanina ni Ian. Talagang hindi niya ako tinantanan.

(flashback)

"Ang epic ng reaksyon mo kanina, Dude." bulong nito sa akin.

"Anong pinagsasasabi mo?" tanong ko naman. Pero tinawanan pa ako bago sumagot.

" Hahaha marunong ka pa lang magsuper sayan?" bulong muli nito sa akin.

" Hindi ko alam ang sinasabi mo." inis kong sabi ksaka ko sila nilayasan.

Kanina pa kasi ako nababadtrip tuwing nakikita ko si JR., na hindi ko naman malaman kung anong dahilan. Basta naiinis ako sa kanya.

Dito na muna ako sa library magpapalipas ng oras, kesa isipin ko si JR na nababadtrip lang ako.

"Sabi na nga ba, dito lang kita makikita e." nang-iinis na naman nitong sabi sa akin at umupo sa kaharap kong upuan.

"Ano na naman bang kailangan mo sa akin?" inis kong tanong. Naaalibadbaran na kasi ako sa kanya.

"Kailangan ko ng sagot." seryoso nitong sabi.

"Sagot? Wala naman akong natatandaan na may homework or exam tayo ngayon."

"Hindi ganung sagot ang gusto ko.Makinig kang mabuti sa itatanong ko, at sagutin mo ng maayos. Okay?"

"Ano ba yun?"

"Nagugustuhan mo na ba si JR?" tanong nito na akala mo ay nagtanong kung may ballpen ka?

Agad akong napatingin sa kanya dahil doon.

"Sagot!" akala mmo kung sinong sabi niya sa akin.

Pero hindi ako makasagot sa tanong niya. Nagugustuhan ko na nga ba si JR? Pero imposible dahil kanina pa ako nababadtrip sa kanya.

" Bakit mo ba tinatanong yan?"

"Gusto kong makasiguro na hindi masasaktan ang kaibigan ko, kaya kung mamarapatin mo ay sagutin mo na ang tanong ko."

"Tss... W-wala. Wla! akong gusto sa kanya." sagot ko. Pero sa libro ako nakatingin.

"Huwag mo nga akong pinaglololok. Lalaki din ako kaya alam ko kung anong ibig sabihin ng reaksyon mo kanina." maangas nitong sabi at mata sa mata nito akong tinitigan. " Usapang lalaki Dude, wag na wag mong sasaktan si JR dahil pag nangyari iyon, sisiguraduhin kong hindi ka na sisikatan ng araw." madiin ang pagkakasabi nito kaya alam kong seryoso siya.

Pero hindi naman mangyayari iyo dahil ayoko kay JR..

"amin amin din." dinig ko pang sabi nito bago ako tuluyang iwan.

Sa totoo lang hindi ko din alam kung ano ba talagang nararamdaman ko para kay JR. This past few days magaan ang pakiramdam ko sa kanya. Hindi tulad dato na lagi akong naaasiwa sa aknya.

At madalas din akong naiinis pag may kinakausap siyang lalaki, yung bang kahit may itatanong lang yung guy sa kanya, lalo na pag si Lance yung lalaki.

Minsan ko na ding natanong sa sarili kokung selos ba itong nararamdaman ko, at agad ko ding tanong kung nagugustuhan ko na nga ba siya?

Pero kahit anong tanong ko sa sarili ko, hindi ako makakuha ng sagot.

Time! Sana dumating na yung time na yun. Para hindi na din ako naguguluhan ng ganito.

~*

Next time na ako maglalagay ng multi media nakamobile kasi ako e.
Enjoy reading :)

Love CycleOnde histórias criam vida. Descubra agora