SUPREME 6

7.8K 371 55
                                    

Mabilis at parang lakad takbo na ang ginagawa ko dahil late na ako sa na sabing oras nang tagpuan. Hindi naman ako sobrang excited kagaya pagnakikita ko ang lukot at masamang mukha ni Supremo pero kuryoso lang talaga ako kung sino ang lalaki sa likod ng sulat.

Unang una kasi alam nito na paborito ko ang gold at marunong din itong pumili ng lugar kung saan maganda magusap. Hindi kagaya ng iba na sa isang liblib at madilim na lugar ako dadalhin para siguro pagumayaw ako deretsyo gilit na sa leeg ko.

Mabilis akong nakarating sa garden at nakitang walang tao doon. Linoloko ba ako ng walang hiyang lalaking iyon? Linibot ko ang buong mata ko sa paligid pero wala talaga akong makita. Isa bang multo ang nagbigay ng sulat sa akin?

"Gosh!" Matinis kong bulalas dahil una nagmadali ako, pangalawa pinagpawisan ako, at pangatlo kailangan ko pang hanapin si Supremo.

Hindi naman pwedeng humarap ako kay Marcus ng mukhang basahan hindi ba? Panget na nga ito tapos panget din ako? Paano na ang lahi namin?

Naghintay pa ako ng ilang minuto para makasiguradong wala na talagang sisipot at nang makitang mukhang wala na nga kunot noo akong tumalikod para sana maglakad na paalis.

"W-Wait, wait. Samantha Abbygale!" Ang kunot ngunit maganda kong mukha ay bumaling sa gwapo at simpatikong lalaking tumatakbo papalapit sa akin. Lintik, isa na namang perpekto!

"H-Hi, Sam," hinihingal na bati nito nang makalapit sa akin, nakasuot pa ito ng jersey uniform ng mga kasali sa basketball team ng school namin. Mukhang kagagaling lang nito sa practice.

"Do you waited for too long?" Baritono at napakalalim ng boses nito nang itanong iyon.

Lalo tuloy lumukot ang mukha ko dahil tama siya. Ngayon na lang ulit ako naghintay ng limang minuto para sa isang lalaki. Iba kasi ang kay Supremo, halos buong araw ako minsan maghintay sa gagong iyon pero sulit naman dahil lagi kong nakikita ang lukot nitong mukha.

"Yes, alam mo bang mainit?" Mataray kong tanong bago ko hinawakan ang aking bewang.

Maliit naman itong ngumite na lalong nagpagwapo sa kaniya. Mayroon itong tuwid na mahabang buhok na nakatop knot, kayumanggi ang kulay ng mga mapupungay na mata nito, napakatangos ng kanyang ilong, at mapula ang may kakapalan na labi. Matangkad din ito at moreno ang kulay ng balat. Sa madaling salita isa itong perpektong nilalang.

"I'm sorry Sam, I didn't notice the time," he said sincerely with pleading eyes.

Hindi ko maiwasang mapalabi. Kung si Supremo kaya ang gumawa nito ano ang mararamdaman ko? Siguro bukod sa pangingilabot dahil lalo itong sasamang lalaki lalo din akong mahuhulog dito.

I love every inch of him, from the ugly to the ugliest.

"Oh well what can we do you're already here. So what do you want?" Mabilis kong tanong dahil napansin kong labasan na nila Marcus. Medicine kasi ang kinukuha nito at business administration naman ang akin.

Kailangan ko pang magbabye kay Marcus bago ito tuluyang umuwi para naman gumandaganda kahit papaano ang tulog niya.

"By the way Sam, I am Josh Licarte transferee at new member ng basketball team. Nice to meet you." Inabot nito sa akin ang kamay na tinanggap ko naman. Kaya pala ngayon ko lang ito nakita dahil bago lang ito.

"And I'm here to confess my feelings towards you, Samantha," anito na hindi ko na kinagulat. "Ever since I moved here, you're the very first person that caught my eyes. I always see you at the library reading books, kaya naman mabilis akong na hulog saiyo. Bukod sa pagiging maganda mahilig ka ding magbasa, now I know why people calls you perfect because you really are, and I hope you'll accept this audacity of mine, Samantha Dale," sinserong dagdag nito habang malumanay na nakatingin sa akin.

Pursuing the Supreme ✓حيث تعيش القصص. اكتشف الآن