SUPREME 8

9.4K 408 140
                                    

"Ang likot ng kamay mo ghorl," mahinang turan ni Gabrielle bago sinundot ang aking tagiliran. Palihim ko naman itong sinipa bago mas yinakap si Marcus.

Kahit na medyo nasasaktan ako dahil sa buto-buto nitong katawan ayos lang dahil sobrang bango naman nito. Hindi ko na din inintindi ang mga matang mainit na nakatingin sa amin, ano bang pake ko sa kanila bakit sila ba si Marcus?

Heto nga at akala mo ube halaya ito dahil sa kulay at para na din itong monumento dahil sa tigas ng katawan. Ngayon lang ba ito yinakap ng isang taong maganda? Oh well, that's good dahil baka masabunutan ko ang yayakap sa kaniya.

"Ayos ka lang ba Supremo?" Wala sa pusong tanong ko dahil alam ko na ang sagot.

Mabilis at matigas itong umiling na lalong nagpacute sa kaniya.

"Alam mo bang ang panget mo pero love na love kita?" Wala sa sariling bulalas ko pero bukal naman sa puso. Ngayon lang ata nito narinig na sabihan ko siya ng love kaya halos mawalan ito ng hininga.

Narinig ko din ang pagsisinghapan ng lahat ng taong nakarinig pero namutawi ang mahinang halakhak ni Gabrielle sabay sabing sana all.

Hindi ko mapigilang lumabi ng hindi man lang ito sumagot, minsan talaga nakakainis ang pagiging pipe nito. Wala na akong nagawa kaya naman mahigpit ko na lang itong yinakap hanggang marinig ko ang paglagutok ng mga buto niya.

"A-Aray Samantha," mahinang daing nito dahil mas lalo ko pang hinigpitan ang yakap ko sa patpatin niyang katawan. Isali ko kaya ito sa 4ps mukhang kailangan nito ng feeding.

"Sorry Supremo nakakainis ka kasi. Sarap mong prituhin!" Malalaki ang matang ani ko na nagpaputla sa kaniya.

Naglalambing pa ako kay Marcus nang may malakas na humigit sa bewang ko dahil sa gulat na bitawan ko tuloy ang payatot na tyan ni Marcus.

"What the heck dude!" Malakas na sigaw ni Gabrielle nang makita ang pagngiwe ko.

Galit akong lumingon sa walang hiyang basta na lang ako hinigit, una kong nakasalubong ang matalim na mata ni Josh habang mariing nakatingin sa akin.

"What the fuck Samantha? At dito pa talaga kayo naglandian ng panget na iyan?" Galit na sigaw ni Josh sa mukha ko.

Hindi ko mapigilang mapaubo dahil amoy sigarilyo ang hayop na ito.

"Ano bang pake mo dude, let go of Samantha. That's harassment!" Gabrielle angrily said before pulling me from Josh's grip.

Hindi ko naman maintindihan ang nangyayare dahil una sa lahat walang nagcoach sa akin na may drama palang magaganap. At ano naman kaya ang pinuputok ng Josh na ito sa galit? May kami ba ng tarantadong ito para magwala ito ng ganito?

"Wag kang mangielam Gabrielle because this is between me and Samantha!" Matigas na sagot ni Josh bago mas lalong diniinan ang hawak niya sa akin.

Para akong na loka sa malakas nitong sinigaw, at kelan pa nagkaroon ng kami? Ano iyon, wala pa ngang kami ni Marcus nangangaliwa na agad ako?

"Bakit may tayo ba Josh?" Kunot noong tanong ko dito.

Lumipat naman sa akin ang matalim nitong tingin bago mas hinigpitan ang hawak sa aking kamay mukha itong psychopath sa ginagawa!

"A-Aray!" Malakas kong daing dahil balak pa ata nitong pilipitin ang kamay ko. Nababaliw na ba ito?

"God-damn it!" Gabrielle hissed before punching Josh's face, mabilis ako nitong nabitawan bago humandusay sa sahig.

Nakita ko naman ang pagkakagulo ng lahat ng tao at ang pagtatawag nila sa mga teacher, ano pa ang silbi non kung nagkasakitan na? Kanina kung manood sila para silang nanonood ng WWE, ano kami sila John Cena?

Pursuing the Supreme ✓Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu