SUPREME 5

7.9K 356 134
                                    

Na tapos ang dinner namin ng maaga kaya pinili na lang nila Mommy na magkwentuhan. Pabor naman iyon sa akin dahil sa balitang sasabihin ko sa kanila. Ako ang klase ng babaeng kung ano ang gusto iyon ang nakukuha, pero ako din ang tipo ng babaeng pinaghihirapan lahat ng gusto kong makuha. And Marcus is not an exemption.

Wala ang ate nito na pinagtataka ko pero pinag sa walang bahala ko na lang dahil ang importante ay nandito si Marcus at ang magulang nito.

Humahanap lang ako ng magandang tyempo para simulan ang sasabihin ko kaya hindi pa ako nagsisimula, ayaw ko namang mabulunan ang buong pamilya namin dahil sa nakakatindig balahibo kong rebelasyon.

Napansin ata ni kuya ang paghahanap ko ng pagkakataon kaya tinapik ako nito sa balikat.

"Excuse me for a while," paalam nito bago ako kinindatan.

My heart leaps because I know that my brother is supporting me by giving me a cue to start. Tumango ako dito bago muling humarap sa table namin.

Nakayuko at tahimik pa rin si Marcus sa tabi ni Tita pero paminsan minsan naman ay sumasagot ito kapag tinatanong.

Huminga muna ako ng malalim bago tumikhim para agawin ang atensyon ng lahat, it's now or never. Buti na lang bukod sa pinanganak akong maganda, makapal din ang mukha ko kaya wala akong makapang hiya sa katawan ko.

"Yes, honey?" Maagap na tanong ni mommy nang marinig ang tikhim ko, tumingin rin sa akin sila Tito tila hinihintay ang sasabihin ko.

Pero si Marcus ayon at nakayuko pa rin, para na nga itong lupang tinubuan ng ugat dahil sa pagyuko. Okay lang, tutal mukha na naman talaga itong lupa. Ang importante ngayon ay ako at ang nakakatindig balahibo kong sasabihin, hindi sana ako bangungutin mamayang pagtulog.

"I have something to tell you guys," panimula ko bago sinserong tumingin sa mata ng mag-asawang Supremo, kumunot naman ang noo ng dalawa bago nagtatakang nakipagtitigan sa akin.

"What is it, Samantha?" Tito Roger asks while smiling gently.

Seriously, kung namana ni Marcus ang gandang lalaki ng daddy niya edi hindi sana nanganganib ang magandang lahi ng magiging anak namin, hindi ba?

Sandali muna akong tumingin kay Marcus na matigas pa ata sa bato bago tumingin muli kanila Tito.

"I'm here to propose something to you po," seryoso kong turan, sabay naman silang tumango kagaya ng magulang ko. Mukhang interesadong interesado ang mga itong marinig ang proposal ko.

Hindi ko tuloy maiwasang mapangite ng palihim.

Nakita ko ang pagkuha ni Tito Roger ng wine glass niya bago uminom dito ng may kalakasan kong isiniwalat ang proposal ko sa kanila.

"I propose to be your son's girlfriend po, and I don't take no for an answer. Don't worry dahil kaya ko na po itong buhayin, bukod sa maabilidad ako mayaman din po ako dahil sa pangungurakot ko sa kaban ng yaman ng pamilya namin. So rest assured that Marcus Dylan will not become penny less when you gave him to me!"

Mabilis na naibuga ni Tito Roger ang kaniyang iniinom habang gulat namang suminghap sila Mommy, Daddy, at Tita Anne. Samantalang mas lalong nanigas si Marcus na parang isa na itong nakaupong monumento.

Nakakagulat ba ang proposal ko? Kami kasi ni Gabrielle ang nagisip nito.

"A-Are you serious, S-Samantha?" Hindi siguradong tanong ni Tita Anne sa akin, kumunot naman ang noo ko bago mabilis na tumango.

"Yes, why is it unbelievable?" Nagtatakang tanong ko sa mga ito, laglag naman ang pangang tumingin ang mag-asawa sa anak bago muling tumingin sa akin.

"S-Seriously?" Narinig kong bulong ni Tita Anne.

Pursuing the Supreme ✓Where stories live. Discover now