SUPREME 2

10.4K 495 218
                                    

Kagat labi akong bumangon mula sa aking pagkakahiga bago pinatay ang alarm ng aking cellphone, it's another supposedly beautiful day. Pero heto at para akong baliw na hindi nakatulog dahil sa nangyare kahapon. Hndi naman ako binangungot dahil sa masamang mukha ni Marcus pero kaya hindi ako nakatulog ay dahil sa napakabilis na tibok ng puso ko.

Hindi ko maiwasang kilabutan nang maalala ang itsura ni Supremo kahapon, bukod sa pagiging mukhang sunog na sinaing nagmukha rin itong hanger dahil sa laki ng damit niya na hindi naman angkop sa payat niyang katawan.

Pero kahit na ang daming kapintasan ng lalaking iyon nakakapagtaka na tuwang tuwa akong panoorin ang pagkain nito. Ang bawat paggalaw ng adams apple niya at ang bawat pag-iwas niya sa akin ng tingin ay nagpapakilig sa akin.

Mariin kong kinagat ang ibaba kong labi bago bumangon, may pasok pa ako ngayon at na laman kong sa school kung saan ako pumapasok ay doon din pala pumapasok si Marcus.

Ang pinagtataka ko lang ay kung bakit wala akong na balitaang may kakaibang klase na pala ng nilalang na pumapasok sa school namin. Akala ko kasi mga normal na tao lang ang pumapasok dito, may na halo na palang galing ibang planeta.

Napailing ako sa aking iniisip bago tuluyang tumayo at nag handa na para pumasok. Na pag desisyunan kong alamin kung bakit ako nagkakaganito nang makita si Marcus. I need to investigate him. Baka mamaya mang kukulam pala ito na nagpapanggap lang na anak nila Tito Roger, o baka naman ampon ang lalaking iyon?

Pero hindi pwede dahil sa kilalang hospital ito ipinanganak, at napabalita pa ang kapanganakan nito sa iba't-ibang news chanel. Kaya naman gagawin kong makabuluhan ang araw na ito, susundan ko ang lalaking nag ngangalang Marcus Dylan Supremo.





"What are you doing Samantha?" Sandali akong tumingin kay Gabrielle bago muling tumingin sa library, na laman ko kasing dito palaging tumatambay si Marcus.

"I'm busy, don't talk to me," ani ko dito bago inayos ang binocular ko, narinig ko naman ang pagsipol nito.

"Naninilip ka ba Samantha? Bad iyan, alam mo bang pwede kitang isumbong?" Anito sa akin bago nagsumiksik sa aking tabi, naiinis ko namang hinigit ang buhok nito bago tumayo nang maayos.

"Hindi ako naninilip Gabrielle! At sino naman sa tingin mo ang sisilipan ko diyan sa library ha?" Galit kong asik dito bago siya masamang tinignan.

Isa talagang masamang desisyon ang hayaan itong bumuntot sa akin, kung alam ko lang na lalaking ganito si Gabrielle matagal ko na itong linunod noong malapit pa sa dagat ang bahay naming dalawa.

"Malay ko bang may na titipuhan k— wait, oh my god ghorl do you have a crush on the most ugly man in the school?" Gulat na tanong nito na lalong nagpakulo ng dugo ko.

"Yes he's ugly pero ako lang ang may karapatang tawagin siyang ganoon!" Galit kong singhal bago sinipa ang paa nito at hinagis sa kaniya ang binocular kong hawak.

Nagpupuyos sa galit ko itong iniwang na mimilipit sa sakit bago pinuntahan ang pwesto ni Marcus. Dahil manhid ito susugurin ko na ito.

Nang makapasok sa library lumapit agad ako sa tahimik lang na nagbabasang si Marcus habang may suot na salamin sa mata. Hindi gaya sa mga bidang lalaki sa pelikula hindi bagay kay Marcus ang may salamin. Mukha itong pulubi na nakalimot ng salamin sa mata at basta na lang sinuot.

"Hi!" Masaya kong bati upang maagaw ang atensyon nito. Gulat naman itong nagtaas ng tingin sa akin bago namula.

"S-Samantha?" Hindi sigurado tawag nito.

Mabilis naman na sumikdo ang dibdib ko nang lumabas mula sa bibig nito ang pangalan ko. Daig ko pa ang nanalo sa lotto dahil sa saya ko. Hindi ko alam pero gustong gusto kong makita ito simula nang magkita at magkakilala kami kagabi. I found this unusual specie interesting.

Pursuing the Supreme ✓Where stories live. Discover now