Chapter 23: Ariara Day 1~Selos is Real

5 1 0
                                    

Third's Pov

Unang nagising si Troy sa lakas ng sinag ng araw pero hindi niya ito kinainis dahil nung siya'y dumilat..... mukha ni Xian na nakayakap sa kanya ang una niyang namapagmasdan...... hindi maipinta ang ngiti na makikita sa mukha ni Troy...

Alam niya kung ano ang nangyari sa kanila kanina at hindi siya nag sisisi doon.. kaya muli niyang hinalikan ng mabilis si Xian sa labi habang tulog ito at sabay umayos ng pagkakahiga niya para makatulog muli.

Pero agad na nabulabog ang umaga niya at ang pagtatangka niyang pagbalik ng tulog nung may narinig siyang kumakatok.....

*knock knock*

Balak niyang isawalang bahala ito dahil inaakala niya na baka mali lamang ang kanyang narinig... pero

*knock knock**knock knock**knock knock*

Hindi na ito guni-guni lalo't pa bilis ng balis at palakas ng palakas ang pagkatok....

Kaya imbis na makatulog siya.... Bigla itong tumayo para tingnan kung sino ito. Marahang niyang tinanggal ang pagkakayakap niya kay Xian para di ito magising at dali daling tumungo sa pintuan.

Aakmang bubuksan sana ni Troy ang pinto, nang bigla itong bumukas at nakita niya sila Vice, V, Yuki, Ej at sila Gwen and Yasmein..... dali daling pumasok si Maam Vice sa kwarto nila kaya napahinto si Troy sa nangyayari .....

"Umaga na..... bat di pa kayo gising?!", wika ni Vice kay Troy pero bago siya matakot ay nakita niya na may nakasunod na camera man dito.

Nagsalita si Troy kung vlog ba ito at agad naman sumagot si Yuki.... "Yes lahat kami dito na room raid ni maam.... Hindi naman halata na kakagising lang namin noh?", wika ni Yuki at pinagmasdan ni Troy ang pagmumukha ng apat..... taas tas pa ang mga buhok kahit babae gaya nila Yasmein evident na bagong gising lang sila. Maliban kay EJ na maaliwalas at maayos ang mukha. Wari ni Troy sa isipan niya na si EJ ang may pakana at nag isip ng ganto kung kaya't naisipan ni Maam Vice nila na gawin ito.

Bumalik sila sa ginagawa ni maam Vice at nakikita nila na nag hahalungkat siya ng mga gamit......

"In fairness ang linis parin ang kwarto mga Ka-VG ang kwarto nila Troy, di gaya nitong mga nauna jusko po! Kanina lang kami dumating tapos parang bagyo agad ang kwarto nila. Look at this.....tanging skin care palang ang nasa labas..... Hoy anak aminin niyo tinamad kayong mag-ayos noh!", pag compliment ni Vice sa kwarto pero agad naman siyang nagbato ng tanong na siyang nagpatawa kay Troy. Dahil totoo na napagod na sila ni Xian kaya di na nila gaano naayos mga gamit nila.

Pero bigla nagulat si Vice nung lumingon siya sa may Kama.... Nakita niya na mahimbing parin ang tulog ni Xian.... Kaya medyo na guilty siya kasi ang ingay daw niya tapos tulog pa si Xian..... hindi gaya sa iba na nung pumasok siya..... agad nagising ang mga ito...

Sumenyas si Vice kay Troy para gisingin na si Xian... "Grabe! Kanina pa ako dada ng dada dito, kala ko gising na sila... pero kawawa naman itong bata... tulog parin... Troy gisingin mo nga para hindi gaano panget ang gising".

Agad namang lumapit si Troy kay Xian at dahan dahan niya itong inaalog habang tinatawag ang pangalan nito at sinasabing gumising na. Pagkatapos ng ilang alog at tapik na mahina sa pisngi ay nagising na ito at una niyang ginawa ay ngumiti lamang kay Troy. "Goodmorning <3", pagbati ni Xian sa pinakamalambing nitong tono...na siyang naglagay ng 'di maipintang ngiti sa labi ni Troy  habang nakapatong parin ang kamay nito sa pisngi ni Xian.

Pero agad itong tinanggal ni Troy nang marinig niya ang boses ni Vice... "Morning Xian! Hows your morning? Na regain mo ba ang sanity, freshness and unkabogability mo?", pag tatanong ni Vice habang may camera na medyo nakatutok sa kanya, kaya nagtaka at nanlaki ang mata ni Xian kung ano ang nangyayari at kung bakit maraming tao sa kwarto. Tinuro lamang ni Troy ang cameraman ni Vice at doon nalaman ang nangyayari.

When I Met You | BGYO LoMiWhere stories live. Discover now