Chapter 3: Dito lang

13 2 0
                                    

Troy's Pov

Masarap ang tulog ko

Oo masarap talaga tapos ang lamig pa ng panahon kahit di ka mag Ac.

Pero

"Ple– please"

Bat parang may naririnig ako?

"Please tama na"

Ito nanaman

"Nasasaktan na ako......."

Okay di ako sira may naririnig talaga ako.

Kung kaya't dumilat na ako at nakita ko sa orasan ay mag aalas singko na pala.

"Aray! Please tama na!" Malakas na sigaw na narinig ni Troy.

Napagkaalaman ko na nanggagaling yung ingay sa kwarto ni Xian kaya agad akong kumaripas ng takbo papunta sa kabila.

Nang dumating ako, nakita ko na umiiyak si Xian, hindi din siya mapakali sa kanyang higaan.

Hindi ko alam kung bakit paulit ulit ang tugon niya..... "Nay? Nasasaktan na ako huh", naguguluhang na ako bat yan ang lumalabas sa bibig ni Xian?

Pero

Mas na bigla ako sa nakita ko sa gilid ng lamesa ni Xian.

"Bat may BLADE DITO?!" Napasigaw nalang ako sa taranta bat kasi may blade si Xian sa tabi ng kama niya?

Pero

Shit.....
Biglang tumagilid si Xian at biglang pilit abutin ang blade sa may lamesa. Nang laki ang mga mata ko sa nakita ko kaya agad ako lumapit at inihagis ang blade sa malayo saamin ni Xian.

Tinatawag ko si Xian para magising, pero nakadalawang tawag na ako di parin siya sumasagot.

Mas lalo ako kinabahan sa nangyayari sa kanya, kaya sinigawan ko siya habang kinakalog. Bigla naman nagising si Xian.

Hay salamat

Pero

Bat parang may mas namumuong mga luha sa mga mata nito?

Maya maya ay tumulo na ang mga luha nito.

Wala akong maisip na paraan, natataranta na ako!

Kaya niyakap ko nalang siya at pilit siyang pakalmahin

"Shhhh okay na Xian, okay na", wika ko

Parang narinig ito ni Xian kung kaya nabigla ako nang niyakap niya ako ng napakahigpit at tinago ang mukha sa nga dibdib ko pero patuloy parin rumaragasa ang kanyang mga luha.

Hindi ko na pinansin iyon  at patuloy na pilit pakalmahin ang pakiramdam ni Xian.

"Sige lang Xian, kung mas gagaan ang pakiramdam mo, i iyak mo lang, wag ka mag alala andito lang ako", mahinang kong tugon.

Maya maya ay tumahimik na ito, marahil kumalma na ito. Pero bakit di pa ito kumakalas? Pagtingin ko ay tulog na pala ito.

'Shit paano pala ako makakatayo nito?' Bulong ko sa sarili ko.

Ayoko naman siyang magising kaya dahan dahan ko siyang hiniga at hiniga ko na rin ang sarili ko.

Wala no choice eh pag umalis ako baka magising eh.

Tiningnan ko ang napaka among mukha ni Xian, ang gwapo nito pag tulog. Pero syempre mas gwapo ako hahah

*thump thump*

Huh?

Ano yun bat parang may naramdaman ako sa puso ko?

Hmmm siguro wala lang yun..... nakakaantok den pala ang pagtitig kay Xian noh? Kaya mayamaya di ko rin namalayan ay nakatulog na pala ako.

When I Met You | BGYO LoMiWhere stories live. Discover now