Preparation

181 8 0
                                    

Kinaumagahan, nakaupo si Shawn sa sofa habang umiinom ng mainit na kape. Kasabay nang pagtilaok ng manok ang mga hagikhikan naman ng mga bata sa may labas ng bahay niya.

Samantala, nakabukas naman ang tv niya upang makinig ng balita. Pero pinatay niya rin agad kasi halos lahat ng ibinabalita ay tungkol sa politika. Mayamaya pa ay nakarinig si Shawn ng katok sa pinto.

"Boss, Shawn may naghahanap sa inyo sa labas," dinig niya na pagtawag ni Kaloy.

May hinala na siya kung sino ito, kaya naman nagsuot na siya agad ng sando bago lumabas. Hindi naman siya ganoon kaputi, katamtaman lang. Naglabasan naman ang mga tattoo niya sa braso na nagpapaalala kung gaano siya kadalas sa kulungan.

Kada punta niya sa isang selda ay nagpapa tattoo siya kaya naman dahil sa dami ng napasukan niya ay naipon na ang mga tattoo na iyon.

Napatingin naman siya sa tattoo na nasa pulsuhan niya. Ito ang kauna-unahang pinatattoo niya. Isa itong maliit na bibe na nagpapaalala sa batang babae na nakilala niya sa parke.

Nang makarating siya sa may labasan ay nakita niya ang isang lalaki na nakatayo sa tapat ng big bike na itim.

Ang lalaking ito ay nakasuot ng leather jacket at ripped jeans na pantalon. Muntik nang hindi makilala ni Shawn, mabuti na lang at nagtanggal ito ng shades kaya nalaman niya agad kung sino ito.

"Bro, ito na ang ilan sa mga nakalap ko na impormasyon, nandyan na yung address at ilang mga business transactions nila." sambit nito bago inabot sa kanya ang isang brown envelope.

Hindi naman maiwasan ni Shawn mapangiti dahil sa kaibigan. "Pormado ha? may nakabihag na ba sa may pusong mamon kong kaibigan na si Danrey?" nakangisi niyang tanong dito.

"W-wala ah, gusto ko lang magbago ng get-up," nauutal na sagot nito sa kanya.

Sa halip na sumagot ay makahulugan namang ngumiti si Shawn dito.

"Woy alam ko yang ganyang klase ng ngiti, pareho talaga kayo ni Andra, puro kalokohan naiisip," paliwanag nito.

"Wala naman akong sinabi ah," maang maangan na sagot niya rito.

"Sus sige na aalis na ako, tawagan kita kapag may bago na akong nasagap," sambit nito. "At saka nga pala, mukhang bigatin yang kakalabanin mo, sigurado ka na ba talaga?" dagdag pa nito.

Bigla naman sumeryoso ang mukha ni Shawn. "Ako na ang bahala kaya ko na ito, ang problemahin mo ay kung kailan ka mabinyagan at makatikim ng mani na basa." sagot niya rito.

Napakamot naman sa ulo si Danrey dahil doon. "Ay nako, puro ka talaga kalokohan! sige na," Umiiling na reklamo nito bago pinaandar ang motor.

Tiningnan muna ni Shawn ang papalayong sasakyan ng kaibigan bago siya nagpasya na maglakad pabalik.

Pabalik na siya nang tumunog naman ang cellphone niya. Bumungad sa kanya ang pangalan ng kapatid ng kanyang kapatid na si Gertrude.

"Hello," bungad niyang sagot dito.

"Big bro, magkita tayo, namimiss na kita ih," malambing na sagot sa kanya nito.

"Talaga ba? Princess Gertrude?" Nakangiti na tanong niya rito.

"Kuyaaa, I told you na huwag mo akong tatawagin sa bansag na iyan," maktol nito mula sa kabilang linya.

Hindi naman maiwasan ni Shawn ang mapatawa. Alam niya kasi na pinakaayaw ni Gertrude na tinatawag niyon.

"Basta magkita tayo ha, itetext ko sa iyo 'yung lugar bilisan mo ha," wika nito.

Sasagot pa sana si Shawn nang biglang namatay ang tawag. Mayamaya pa ay may dumating na mensahe galing sa kapatid niya. Nang mabasa niya ito ay agad niyang ibinalik sa bulsa ang cellphone at naglakad na pabalik ng bahay.

Dirty BastardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon