Starting Point

Magsimula sa umpisa
                                    

"Hayaan mo na sila," pagpigil nito sa kanya.

Nabalik naman sa sarili si Shawn dahil doon. Humarap siya rito na bakas sa mukha ang pag-aalala.

"Tara na dadalhin kita sa ospital," suhestiyon niya rito. Pero napansin niya ang hindi pagsang-ayon nito.

"Huwag," sagot nito sa kanya.

"Paano ka magagamot niyan?" tanong niya rito.

Bago pa man ito makasagot ay bigla na lamang ito nahimatay.

"Bibe–" sabi niya bago ito sinalo.

Lumingon siya sa mga lalaking nakatayo pa rin d'on. "Ipagdrive mo kami dali!" utos niya sa mga ito na agad naman nilang sinunod.

Gamit ang tricycle ay sumakay si Shawn doon habang buhat buhat si Aika. Inutusan niya rin ang isa sa mga lalaking iyon na isunod ang kanyang motor.

Nang makarating sila sa kuta niya ay agad nagsilapitan ang mga tauhan niya.

"Boss anong nangyari?" bungad na tanong ni Kaloy.

Sa halip na sumagot ay pumaling si Shawn sa mga lalaking naghatid sa kanila.

Mukhang naintindihan naman ni Kaloy ang ipinapahiwatig ng kanyang Boss. Sumenyas siya sa mga kasama niya at pinalibutan ang mga ito.

Hindi na ito pinansin ni Shawn at binuhat na ulit si Aika na parang bagong kasal.

Nang makapasok siya sa loob ay dahan dahan niyang ibinaba ito sa kama. Hindi niya maiwasan na matitigan ang maamo nitong mukha. Hindi niya alintana ang mga daing at sigawan sa labas.

"Kaloy!" sigaw niya.

Mabilis naman itong pumasok sa loob.

"Boss nabigyan na po namin ng leksyon ang mga iyon," sabi nito. "Bakit niyo po pala ako pinatawag?" Dagdag na tanong nito.

Tumango naman muna ni Shawn bago nagsalita. "Pakikuha ng palanggana na may tubig at tuwalya, tawagan mo rin ang personal doctor ko," sambit niya rito.

"Sigurado po kayo na tatawagan natin iyon?" tila nagtataka naman si Kaloy dahil doon.

"Basta tawagan mo bilis," utos niya bago bumalik ulit ang tingin sa babaeng nakahiga sa kama.

"Mukhang ang bait ng bibe ko oh," komento niya at pasimpleng hinahaplos ang pisngi nito.

Nang dumikit ang daliri niya sa pisngi nito ay tila nabuhay ang natutulog niyang Shawn Jr. Dahan dahan niyang inilapit ang mukha niya sa pisngi nito at mabilis na inilapat ang labi.

"Ang sarap mo bibe," nagpipigil niyang sambit. Kailangan niyang pigilan ang sarili niya na atakihin ito. Kahit papaano ay may respeto pa rin siya rito.

Ibinaling niya ang atensyon niya sa iba pero ang alaga sa loob ng kanyang short ay tila mas nabuhay pa dahil doon.

Mabilis naman si Shawn na nagtungo sa cr dahil hindi niya na kaya pang pigilan ang init na nararamdaman. Pagpasok sa loob ay ibinaba niya ang kanyang zipper. Bumalandra sa kanya ang mahaba niyang ari. Kapansin pansin din ang namumutok na ugat nito. Marahan niya namang hinawakan at hinimas himas ang ulo nito.

"Ahhh–" ungol niya dahil sa sarap na naramdaman. Hinawakan niya nang buo ang p*gkalalaki niya na sobrang tigas.

Tila naghahabol naman si Shawn ng hininga dahil doon. Mayamaya pa ay inumpisahan niya nang itaas baba ang ari niya.

Habang ginagawa niya 'yun ay iniisip niya ang bibe Aika niya na nakapatong sa kanya na tila isang cowgirl.

Mas binilisan pa niya ang pagtaas baba ng kanyang kamay. Hindi maiwasan ni Shawn mapakagat labi at tumirik ang mata dahil sa nararamdaman.

Dirty BastardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon