"Magandang ideya iyang naiisip mong magbakasyon muna panandalian. Para na din hindi ka masyadong mastress. Mula kasi noon hindi ko pa nakikita na nagpahinga ka sa katatrabaho sa negosyo mo." sabi ni mama.

Inalis ko naman ang pagkakahilig ko sa kaniyang balikat at tinignan siya.

"Sige mama kailangan ko na talaga ang mag bakasyon ngayon. Halos malimutan ko na ang huwag mag pahinga e." malawak ang ngiti kong sabi kay mama.

Matagal na din pala na hindi ako nakapagpapahinga. Matapos kong pinanganak ang kambal. Hindi nagtagal noon, pinagpatuloy ko ang pag-aaral, kahit may anak ako noon. Hindi iyon naging hadlang sa pag-aaral ko. Ang mga anak ko ang naging inspirasyon ko noon. Nag-aral ako nang mabuti para sa kinabukasan ng mga anak ko. Ayoko silang lumaki silang naghihirap dahil lang sa kahirapan. Ginawa ko lahat para makamit ko ang pangarap ko. Kaya heto na ako ngayon, hindi ko inaakalang narating ko din ang pangarap kong magdesign ng ibat ibang damit.

Napag-aral ko na din ang kapatid ko. Na ngayon isa na siyang ganap na doktor. Doktor sa puso. Kinuha niya ang doktor dahil gusto niyang makatulong sa mga may sakit. Kinuha niya iyon dahil para kay papa na may sakit sa puso. Siya na ang tumitingin sa kalagayan ni papa ngayon. Kaya proud na proud ako sa kanya dahil malayo ang narating niya sa buhay.

"Oo nga pala, anak, malapit na ang birthday ng kambal mo. Magpa-party ka ba?" biglang tanong ni mama. Dahil dun nabalik ako ng diwa.

Shit. Muntik ko ng nakalimutan ang kaarawan ng mga anak dahil sa marami akong pinopoblema.

"Dahil sa dami kong iniisip, muntik ko nang makalimutan na malapit na pala ang birthday nilang dalawa." bulaslas ko bigla at napatampal na lang ako sa noo.

"Hay naku, mukhang stress na stress ka ngayon ha." napangiwi na lang ako sa sinabi ni mama sa akin.

"Gusto ko pong mag bakasyon sila bansang pinagmulan natin mama. Gusto kong makita ng mga anak kung saan ako nagmula. Gusto silang ipasyal sa pilipinas. Matagal na rin na hindi ako umuuwi sa pilipinas." walang prenong sagot ko kay mama.

Hindi ko alam kung bakit iyon ang unang pumasok sa isip ko na bigla bigla ko na lang inulaslas kay mama. May nagtutulak kasi na gusto kong bumalik sa pinanggalingan ko.

Kahit alam kong mapanganib ang gagawin ko. Dahil nandoon ang tinakasan kong problema.

"Sigurado ka ba sa sinasabi mo anak?" gulat na tanong sa akin ni mama bakas sa kaniya ang pag-aalala.

Tumingin naman ako sa kanya at wala sariling napatango.

"Hindi ko po alam kung bakit gusto kong dalhin ang mga anak ko sa bansang iyon. Para kasing may nagtutulak sa akin na dalhin sila doon." wala sa sariling bulaslas ko kay mama.

Naghari naman ang katahimikan sa pagitan namin ni mama. Walang nag tangka na mag salita sa aming dalawa. Pero maya maya naramdaman ko naman ang paghawak ni mama sa kamay ko.

"Kung iyan ang desisyon mo, hindi kita pipigilan. Alam ko naman na may isip kana, kaya mo nang ihandle ang desisyon mo. Ang magagawa na lang namin ay ang suportahan ka sa desisyon mo." pahayag ni mama at pinisil ang kamay kong hawak hawak nya.

Ngumiti naman ako.

"Pero anak, paano kung magtagpo ang landas niyo ng ama ng kambal? At paano kung malaman niyang may anak kayo? At isa pa paano kung magtaka na ang mga anak mo kung bakit hanggang ngayon hindi parin nagpapakita ang ama nila?" nag-aalalang tanong ni mama sa akin.

Bigla akong natigilan sa sunod sunod na tanong ni mama. Para akong naputulan ng dila dahil doon. Hindi agad ako nakasagot.

"H-hindi ko po a-alam. Hi-hindi k-ko po alam kung ano ang g-gagawin ko." kinakabahan kong pag-aamin kay mama. Parang biglang na blangko ang isip ko.

Hiding His Twins (COMPLETED)Where stories live. Discover now