Sa una ay magaan lang ang pagtugon ni Blyther sa kanyang halik. Ngunit nang magpatuloy si Zandreaj ay gumanti ng mas maalab na halik ang lalaki kasabay ang mahigpit pero maingat na pagyakap sa kanyang baywang.  Pakiramdam ni Zandreaj ay gumagaan at sumasaya ang kanyang pakiramdam sa bawat dampi ng mga labi ng lalaki sa kanya. Ayaw niyang bumitaw, ayaw niyang matapos ang ganitong pakiramdam. Dito na lang sya. Ganito nalang sana lagi. Dalawang kamay na ni Zandreaj ang nakayakap sa leeg ng lalaki. Naramdaman niyang umangat ang kanyang mga paa mula sa kanyang kinatatayuan pero hindi siya nagmulat ng kanyang mata at patuloy sya sa pakikipagpalitan ng halik kay Blyther. Hindi nya pinapansin ang kanyang ginagawa, nakafocus sya sa pakiramdam na dulot sa kanya ng kanilang ginagawa. Wala ang sakit na kanina ay dumudurog sa puso nya. Tanging ang pakiramdam na malaya sya mula sa pains and tears ang inienjoy nya at ayaw nya itong matapos. Sa gilid ng isip nya ay may impit na sigaw na ito'y mali, pero mas nararamdaman nya na ito ay tama. okay sya. safe sya. protektado sya. walang makakapanakit sa damdamin nya.

Bumitaw ang mga labi ni Blyther pero nakapikit pa rin si Zandreaj at nakaawang ang mga labi. Biglang tumigil ang masarap na pakiramdam ng babae kaya nagmulat ito ng mga mata. Para itong nagising mula sa mahimbing na pagkakatulog. Punong puno ng pagtataka ang mga mata at mukha nito na napalitan ng hiya pagkalipas ng sandali. Lalayo sana ito kay Blyther ng maramdamang wala sa sahig ang kanyang mga paa. nakayakap sa bewang nya ang kaliwang kamay ng lalaki at sapo ng kanang braso nito ang kanyang pangupo. In short kalong sya ni Blyther. Bumitaw sya sa pagkakayakap nya sa leeg nito at sinubukan nyang bumaba, binitawan naman sya ng lalaki. Hiyang-hiya sya sa kanyang ginawa, imagine, kababae nyang tao sya pa ang unang humalik dito. At hindi lang isang beses, dalawang beses sa loob lang ng isang araw. Baka kung anong isipin nito sa kanya. Hindi magawang magangat ng mukha ni Zandreaj para tumingin sa lalaki sa hiyang nararamdaman. Nakatayo lang sya sa harapan nito hindi malaman kung anong gagawin o sasabihin.

Nagulat sya nang muli ay niyakap sya ni Blyther. Yakap na parang ingat na ingat na wag syang maipit o masaktan. Yakap na pakiramdam nya it's the safest place for her to stay,.. forever. Hindi nya na naman alam kung bakit pero sahalip kumawala ay inihilig nya ang kanyang pisngi sa dibdib ng lalaki at ipinikit ang kanyang mga mata. Ang tagal nyang hinanap ang ganitong feeling of security. Matagal sila sa ganung posisyon, si Blyther yakap yakap sya at sya nakahilig sa dibdib ni Blyther. She is feeling overwhelmed, ang sarap ng pakiramdam ng ganito. Hindi nya namalayang tumutulo na pala ang luha nya at nababasa na ang poloshirt ng lalaki. Then he spoke while hugging her tight again.

"I don't know what makes you crying, but I don't intend to know the reason. What ever it is, I surely do not care. The only thing I care is you. I don't want to see you crying again. I'll make sure it won't happen anymore. As long as I am around and you're here, I'll see to it that you will always be free from pains and tears."

Ang sarap sa tenga ng mga salitang binitiwan ni Blyther. Pero bakit? Naawa sa kanya ang lalaki? Kahapon lang galit ito sa kanya, ngayon ay kinaawaan naman sya?

"Please don't do it out of pity. I don't need it."  Sagot ng dalaga na nakahilig pa rin sa dibdib ni Blyther.

"When you kissed me kaninang umaga sa harap ng mga kaklase natin it made me feel so light and free. Lahat ng bagay sa paligid parang biglang gumaan. Parang naglaho lahat ng mga worries ko. para akong nakalutang sa ulap." Parang lahat ng bagay ay tama. Naisip ko, ganun din kaya ang pakiramdam mo? Kasi kung ganun din, THEN YOU CAN ALWAYS JUST KISS ME WHENEVER YOU FEEL BAD INSTEAD OF RUNNING AWAY." Please answer me, ganun din ba ang pakiramdam mo?

Tumango si Zandreaj.
Naramdaman niyang hinalikan sya sa ulo ni Blyther at sinamyo ang kanyang buhok.

"I feel so safe and so right inside your arms."  Mahinang sagot ni Zandreaj.

"Then can you just run to me when ever things go wrong instead of running away?" I promise I'll always be here...all the time."

Why would you do that? Tanong ni Zandreaj na hindi tumitingin sa lalaki. Hindi nya alam, pero natatakot syang makita ang awa sa mga mata nito. Ayaw nyang kaya ganito sa kanya ang binata ay dahil naawa sa kanya. Then ano pala ang gusto nya? wala. inignora ni Zandreaj ang kanyang sarili.

"Please don't ask me why, just answer me." Can you run to me instead of running away?"

"I don't know."

"I won't accept that as an answer." Humigpit ang yakap ni Blyther sa kanya.

"Can I just kiss you more?" Tumingala si Zandreaj kay Blyther at inosenteng tumingin ng diretso sa mga mata nito. Hindi nakaligtas sa kanya ang pagkislap ng mga mata ng lalaki.

Hinawakan sya sa magkabilang pisngi ni Blyther at malalim na bumuntung hininga.

"You're making me crazy Zandreaj Zameera." 
At lumapat ang malalambot na labi nito sa kanya. Muli sabay silang lumutang sa kawalan malaya sa ano mang sakit at problema.


"

"

PRETTY LITTLE DEVIL (He's Her Comfort Zone)Where stories live. Discover now