"Sigurado kang ayaw mong magpahatid?"

"Wag na Dai, ingat ka sa pagmamaneho..."

Niyakap ko siya at agad nang tinahak ang daan patungo sa building.

Ilang metro lang ang layo ng cafe doon pero pakiramdam ko ay isang oras na akong naglalakad.

"Vanna?!"

Nanlaki ang mata ko hindi dahil sa pagkagulantang sa nakasalubong pero dahil hindi ko na kayang tumagal ng isang segundo pa sa labas. Patay talaga ako kay Kleindro.

"God! Kung saan-saan kita hinahanap nandito ka lang pala!"

"A-Ah teka Atticus..." natatarantang itinulak ko siya palayo.

Bumakas ang lungkot sa mukha niya.

"Sorry, alam kung galit ka sa ginawa ko-"

"Atticus nagmamadali kase ako eh..."

"Saglit lang Vanna give me five minutes," pagmamakaawa niya.

Five minutes? Seryoso? Bawat minuto na wala ako sa bahay ay palala ng palala ang itsura ni Kleindro sa utak ko.

Luminga-linga ako sa paligid.

Malapit na ako sa entrance ng building. Kung itutulak ko siya at tatakbo aabot kaya ako sa loob ng hindi niya nahuhuli? I doubt it.

"Next time na lang hinihintay kase ako ng asawa-"

"And you want me to actually believe na kasal kayo? No husband will let a wife go out alone wearing that dress! Oh wait..." malagkit ang tingin niya nang hagudin ang kabuuan ko. "Maybe you're seducing me."

"You're delusional!"

Gamit ang buong lakas ko ay itinulak ko siya palayo.

Muntikan na siyang matumba kaya sinamantala ko iyon para tawirin ang distansya ng entrance.

Lakad takbo ako at hindi nakontento hanggang hindi nakakapasok sa elevator.

Maybe Atticus is drunk. Because if not, it only proved that he's a real asshole.

The audacity of that jerk?! Seduce him my ass! Eww... Bad word.

Pinalala pa ng kaba ang pagod at iritasyon na nararamdaman ko kaya halos sumandal ako at mag walling sa elevator. Hindi ko na isinuot ang bull cap at shades dahil ayoko namang pagtinginan ulit ng mga tao.

Riding the lift feels like forever. Ilang floor pa ang dinaanan namin para sumakay at bumaba ang mga tao.

Nang tumunog ang elevator, hudyat na nakarating na kami sa penthouse ay doon lamang bumalik ang kaba ko.

Panay ang tingin ko sa blangko kong telepono. Sa sobrang pagkalibang ko sa kwentuhan namin ni Dairene kanina nakalimutan kong nag shut down nga pala iyon dahil deadbat.

Siguradong high blood na naman si Kleindro. Sana maunahan ko siyang umuwi.

"Miss!" parang batang binigyan ng candy ang dalawang bodyguard na nakaposte sa labas nang makita ako.

"Nandyan ba... Ang boss nyo?"

"Pasok ka Miss, kanina pa po kayo hinahanap..."

Tumango-tango ako at hindi na nagawang magpaalam o ngumiti man lamang sa kanila.

Bawat hakbang ko papasok sa loob ay para akong presong papalapit ng papalapit sa death penalty seat.

"Then where the fuck is my wife?!"

Six Months Agreement with Mr. Arrogant (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon