Nanatili ang malamig niyang titig sa akin kaya mas naramdaman ko ang urge na magpaliwanag.

"Tulog pa kase yung kaibigan ko kaya sya ang sumagot. Nag sorry din ako kase nasaktan ko yata kagabi..."

"I already said sorry for you."

Nanlaki ang mga mata ko pero bago pa ako makapagtanong ay nakalabas na ulit siya sa kwarto.

Nagpasya akong magbabad sa malamig na shower at lumabas ng kuwarto pagkatapos magbihis.

Ang plano kong dumiretso sa opisina ni Kleindro ay naglahong parang bula dahil tinamaan ako ng kahihiyan. At saka wala naman akong sasabihin, hindi ko na siya iistorbohin.

Imbis na sa opisina at bumaba ako para kumuha ng ice cream sa kusina. Mag e-exercise na lang siguro ako mamaya.

"Magandang tanghali po Miss, kamusta ang pakiramdam ninyo?"

Mula sa dire-diretsong paglakad ay agad akong napatigil para harapin si Roy.

"Maayos ako. Pero teka... Kasama ka bang sumundo sa akin kagabi?"

Tumango-tango siya habang nakangisi.

"Kung ganon alam mo kung sino ang sumundo sa akin at kung ano ang nangyari?"

"Hindi nyo po ba alam?"

Mas lalo akong nakuryuso.

"Ang ano?"

"Kagabi naabutan namin kayong may binubugbog na lalaki sa bar. Le... Lenard? Parang Harence? O Logan?"

"Si Lawrence?"

Nag-isip siya saglit.

"Parang yun nga..."

"Anong sabi ni Kleindro?"

Nagkibit-balikat siya.

"Galit ba? Palagi namang galit yun, Roy hindi ba?"

Natawa siya.

"Iba yung high blood nya sa trabaho, sa high blood nya sayo."

"Paanong iba? Ano? Yung dugo nya pag ako kulay violet?"

"Kapag sa trabaho, halimaw sya. Pag sayo..."

"Pag ako?..."

"Ewan ko sa inyong dalawa. Hay..." bumuntong hininga siya. "Parehong pabago-bago ang mood nyo. Pareho kayong siraulo. Buti natatagalan nyo ang isa't-isa, Miss Vanna?"

"Excuse you!" I flipped my hair. "Mabait ako noh! Yung amo mo lang naman ang palaging nang-aawat sakin!"

"Pero kagabi alalang-alala sayo. Halos baliktarin na namin ang buong BGC."

"Talaga?"

"In fact, yung mga bodyguard na nagbabantay sayo ngayon ay wala na dito."

Hindi makapaniwalang nahulog ang panga ko.

"He fired them?"

"Nilipat lang sa hotel."

Tumango-tango ako.

Marami pa akong itatanong pero parang ayokong marinig ang mga sagot.

Ipinagpatuloy ko ang pagkuha ng ice cream at tumambay sa theater room buong araw. Bago mag dinner ay nagpaalam si Kleindro na may ime-meet na kliyente.

He asked me to come with him pero idinahilan ko ang masamang pakiramdam dahil ang totoo ay nagtext si Dairene. Nagkasundo kaming magkikita sa cafe malapit dito sa building kaya kung sasama ako kay Kleindro magtatampong tiyak si Dairene.

Sinilip ko ang labas at nang makitang walang nakabantay ay tinakbo ko ang distansya ng elevator. Bumukas naman iyon kaagad kaya pumasok ako at doon na nagsuot ng panyapak.

Simpleng pale orange sundress at flip-flops ang suot ko pero pinagtitinginan ako ng mga kasabay ko pababa. Ipinagkibit balikat ko na lamang iyon at diretsong pumunta sa cafe na napahkasunduan namin ni Dairene.

"Oh bakit mukha kang kikay na holdaper? Anong meron sa bull cap at shades gabing-gabi Vanna?!"

Tinawanan ko si Dairene matapos akong bumeso ay iyon agad ang napuna niya.

She ordered for us kahit na hindi naman kami magtatagal.

"Tumakas ka?"

Nagkibit-balikat ako.

Hindi naman literal na tumakas. Ayoko lang na may bodyguard na aali-aligid sa akin, sa amin habang nag-uusap kami. Kaya ko naman ang sarili ko at isa pa matagal ko nang ikinulong ang sarili ko sa penthouse, siguro naman naka move on na ang kung sino man na may balak manakit sa akin. Public place ito, if I were the killer hindi ako dito gagawa ng krimen.

"Goodness! Hindi ko pa rin macontact ang dalawang bakla! Sina Claire at Nariza ay nakauwi daw ng maayos kagabi."

"Eh ikaw?"

Naging mailap ang kanyang mata.

"A-Anong ako? Umuwi din ako kagabi ah..."

"Saan?" taas kilay kong tanong.

"S-Sa... Sa ano... Sa bahay. Sa condo ko. Saan pa ba?"

"Kasama si Lawrence?"

Muntik na niyang maibuga ang iniinom na frappe. Natakpan lang niya agad ang bibig.

Habang inaayos niya ang sarili ay pinagpatuloy ko ang pagke-kwento.

"In case na hindi nasabi ni Lawrence, tumawag ako sayo kanina."

"And? M-May sinabi ba sya?"

"May sasabihin ba sya?"

Yumuko siya.

"Wala... Pero malay ko ba dun. Hindi ko nga alam na sya pala ang nag-uwi sakin kagabi eh."

"Hindi ko rin alam. Hilo na ako at lumilindol na sa buong paligid. Pag gising ko kanina tinawagan kita, ayun..."

"So wala syang sinabi?"

"Bukod sa binubog ko daw sya kahapon, wala na yata..."

Six Months Agreement with Mr. Arrogant (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon