Nasapo ko ang ulo dahil sa ala-alang iyon.

Nakakahiyaaaa! Ano kaya ang mga pinagsasabi ko?!

Nagpapadyak ako sa sahig pero agad ding ininda iyon dahil wala akong suot na panyapak.

Ano kayang nangyari kay Dairene? Si Claire ay alam kong knockout kagabi. Paano kaya sila nakauwi? O nakauwi ba sila?

Nahanap ko ang aking cellphone sa loob ng purse na dala ko kagabi.

Pinatay ko nga pala iyon kaya natagalan pa ako sa pag po-power on.

May mga mensahe doon pero karamihan ay galing kay Kleindro.

I deleted our conversation dahil ayaw ko nang makita ang pekeng pag-aalala nya when in fact, kapatid ko ang kasama nya kagabi sa hotel.

Ako:

Dai asan ka? Gising ka na? Tawag ako ah.

After a few rings, she picked up the phone.

"Asan ka? Nakauwi ka ba?" agad kong salubong sa kanya.

"Who's this?"

"Oh my goodness asan si Dairene? Kinidnap mo ba? I can give you the ransom please mister wag mo syang sasaktan!" I shrieked.

"What the hell miss?"

"Misis kuya hehe may asawa na po ako."

"Dairene is sleeping-"

Nanlaki agad ang mata ko.

"You raped her?"

"Of course not!"

"Ay hehe sorry... Asan ba sya? Bat kasama mo teka- Lawrence?"

Halos masapak ko ang sarili ko. Bat ko ba nakalimutan ang isang yun?

"Yes Vanna this is Lawrence, yung sinabunutan o baka mas tamang binugbog mo kagabi."

"I won't do that!"

"You did. Ask your friends-"

"Well deserve mo naman, you break Dairene's heart."

"Ganyan ka ba talaga kapag may hangover? Last night you bullied me physically pero sabi mo isama ko na si Dairene pauwi-"

"Hindi ko yun sinabi! Bakit ko naman sya ipauuwi sayo aber?!"

"Because you said you trust me."

"I don't trust you! Kinidnap mo lang si Dairene, come on gisingin mo sya."

"Gusto mong madagdagan ang black eye ko? You girls are crazy."

"Fine." I laughed as I imagined how I went drastic last night. "Sorry for your wound kung meron man."

"Wound? Baka wounds," he laughed sarcastically.

"Edi sorry-"

"Who's that Vanilla?"

Gaya ng isang batang nahuli sa kalokohan, mabilis akong tumuwid ng upo sa kama.

Hindi na ako nagpaalam sa kausap. Pinatay ko na lang ang tawag basta.

"Nothing Kleindro. Si Dairene-"

"With a man's voice," he gave me a smug face. "Really?"

I rolled my eyes.

Narinig naman pala magtatanong pa. Anong pag-uugali yan?

"Si Lawrence. Masaya ka na? He was with Dairene kaya sya ang nakausap ko."

He shrugged.

"Okay."

Six Months Agreement with Mr. Arrogant (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon