"Si Dairene... Tsaka friends nya..."

"Fine."

Napangisi ako kahit hindi nya kita.

"Payag ka na?"

"Sasama ako."

"No!" Lumayo ako sa kanya ng bahagya at hindi makapaniwalang pinandilatan siya ng mata. "You can't! It's a girls night out!"

"So? Can't you bring a husband with you?"

Inirapan ko siya.

"No way! Kung ipipilit mo yan sa sala ka matulog!"

"This is my house so..."

"Ah ganon? Sige uuwi na lang ako sa Baguio kase yun ang bahay ko-"

"Okay fine hindi na ako sasama!"

"Good. Pero sa sala ka matutulog."

"What?" hindi makapaniwalang bulalas niya.

Ngumisi ako.

"Yup," I made a popping sound. "Dun ka. Move. Go! Sho!"

"Hindi na nga ako sasama. You can go out with your friend..." parang batang ungot niya.

"And so? I still don't want you beside me."

"What? Pagkatapos mong pagsamantalahan ang katawan ko?"

Humalakhak ako at tuluyan nang bumitaw sa kanya.

"Whatever Mr. Lavaigne. Go away! May work ka pa diba?"

"Fine Mrs. Lavaigne," nginisian niya ako imbis na mapikon. "Mamaya ka sakin."

Inayos muna niya ang kumot sa katawan ko bago tuluyang lumayo matapos patakan ng halik ang noo ko.

"Bye, love! Ingat sa mga babae mo! Patay ka sakin pag nahuli ko kayo."

Halakhak ang naging sagot niya sa akin habang naghahanap ng damit sa closet.

I grinned then closed my eyes.

Nababaliw na yata ako. Hay... Kleindro what have you done?

"Do you really have to go?"

Ilang ulit nang umikot ang mata ko dahil sa paulit-ulit na tanong ni Kleindro habang nakayakap mula sa likod ko.

Simula kaninang after dinner hindi na ako tinitigilan ng mga text ni Dairene para siguraduhin na hindi ko siya iindianin sa lakad namin.

"We talked about this..."

"I know... but I don't want you to go."

Napangisi ako habang ikinakabit ang white gold wrist watch na tanging palamuti sa katawan ko maliban sa wedding bond namin ni Kleindro.

Umilaw ang cellphone ko kaya madali kong tinapos ang ginagawa para dungawin iyon.

Dairene:

Sunduin na kita?

Nag type agad ako ng reply.

Ako:

Wag na. Kaya kong pumunta dyan mag-isa. Just send me the exact location. K?

"Klein paabot nung sapatos ko please..."

Kunot noong sinunod ni Kleindro ang utos ko dahil inaayos ko ang aking mascara.

"Which one?"

"Yung bondage boots na kulay maroon..."

Nanahimik siya, marahil ay abala sa paghahanap kaya ipinagpatuloy ko ang ginagawa.

Six Months Agreement with Mr. Arrogant (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon