Chapter #08: Ms. Kimlaugh Mauriceen Biron

138 13 6
                                    

Ilang minuto na kaming binabalot ng katahimikan. Ni isa sa amin ay walang naglakas-loob na basagin ito. Tanging iyak lang ni Baby Cazhy ang ingay na naririnig namin.

"Johanna." Tawag sa'kin ni Solene na nasa likuran namin dahilan para bumaling sa kaniya lahat ng atensyon.

"Oh?"

"Kanina pa iyak nang iyak itong si Baby Cazhy, wala na rin tayong stock ng gatas na puwedeng ipainom sa kaniya," anito habang karga-karga sa ang sanggol sa dalawang braso nito.

"H-Hindi ko alam kung anong puwedeng gawin, delikado na rito sa Agoo. Kung maaari ay dapat bumalik na tayo sa Sto. Tomas—"

"Ang problema ay sino ang magdri-drive nitong van?" Sansala ni Venice na nasa harap at naka-dekuwatro.

Lumingon ako sa gawi ni Carvy at Ar-j na naka-upo sa hita ni Carvy, sabay silang umiling at nagbaba ng tingin. Nang lumingon ako sa gawi nina Hazel at Ilana ay sabay rin silang umiling.. Ganoon din sina Theo at Samuel.

"Ikaw, Angel? Baka may alam ka kahit kaunti?" Tanong ko rito na nasa passengers seat.

"Wala…huwag ako, baka iyan pa ang sanhi ng kamatayan natin." Biro nito.

"Solene took driving school last summer." It was Vincen.

Sabay kaming apat nina Theo, Samuel at Solene na lumingon sa gawi nito. Solene look at her boyfriend with confusion written in her face.

"Paano mo naman nalaman?!" Bakas sa boses ni Theo ang pagkadisgusto at pagka-irita.

Vincen smirked a little. "She even taught me."

"It's okay, puwede namang ako na lang—"

"Sure ka bang alam mo?" Putol ni Venice sa sinasabi nito.

Hindi ko maiwasang mairita sa kaniya. Ba't ba palagi na lang itong tutol sa amin. Kung ayaw nito ay umalis na lang siya, wala rin lang naman kaming pakialam kahit ngatngatin pa ito ng mga zombie sa labas.

"Kung ayaw mong makaalis dito ay lumabas ka na lang!" Sigaw ni Solene pabalik.

"Naninigurado lang ako, Solene. Baka mamaya hindi pa tayo nakakalayo ay bumangga na itong sinasakyan natin."

"Tama na…Solene rito ka na sa tabi ko, ibigay mo muna si Baby Cazhy kina Ilana at Hazel." Awat ni Angel at sinenyasan si Solene na pumunta na sa driver's seat.

Malakas akong bumuntong hininga at tignan ang hawak-hawak ko na tatlong libro tungkol sa mga zombie. Una kong binuklat ang librong 'Deadly Virus: Zombie'

"Saan tayo pupunta?" Tanong ni Solene bago paandarin ang makina ng van.

"Hindi ko alam, malapit nang maggabi. Maghanap na lang tayo ng lugar na walang mga infected," sagot ni Angel na isinawalang bahala ko. Muli akong tumingin kay Donna na nakasandal ang ulo sa balikat ko mula pa kanina.

Kahit tulog ito ay bakas pa rin ang lungkot at pangungulila sa mukha nito. Mapait akong napangiti nang makita ko silang dalawa ni Ms. Kim na naka-upo sa sahig habang hawak-hawak ni Ms. Kim si Donna sa dalawa nitong braso.

“Just save her…”

"Hoy, Johanna! Amputa, kung ano-ano kasing tinitignan!" Inis na lumingon ako kay Hazel nang sumigaw ito ng malakas sa tainga ko.

"Oh? Problema mo?!"

"Wala naman, pero…sa tingin mo kaya kang patawarin ni Donna?" Tanong nito na ikinatahimik ko.

"Ba't siya papatawarin ni Donna kung wala naman siyang ginawang masama?" Si Theo na ang sumagot para sa akin.

"Donna said that you are the reason why Alyse die—"

DUMB WAYS TO SURVIVE [COMPLETED]Where stories live. Discover now