"Eh paano ko nga kakainin to? Tignan mo nga ang hugis ng mga fishball na to."

Tinuhog nya yung isang fishball tsaka ipinakita saakin. Hugis S yung ipinakita niya. Tapos may tinuhog ulit, this time hugis O naman. Tapos hugis R naman yung sunod niyang tinuhog. Tapos R na naman. Tapos alam ko na kung ano sunod, Y. At Y nga yung last na tinuhog ni kuya guard.

"Guard, sabihin mo sa kanya, SORRY nyang mukha niya!"

"Ouch! Ang sakit naman non hija!"

"Sige po kuya guard, alis na ako. Wala akong panahon makipaglokohan sa kanya." atsaka akma sana akong aalis na ng bigla akong pigilin ni guard.

"Hija, teka lang! Ang sakit talaga non! Lalo na't narinig pa nitong boypren mo."



Anong boypren pinagsasasabi neto?

"Wala akong boypren gua......."

Napatigil ako nang biglang may humila sa dulo ng buhok ko. Paglingon ko, si........napalunok na lang ako.......si Dean pala yun. May suot suot siyang plakard sa may leeg niya at alam nyo kung ano nakasulat dito..........takte naman! Ang daming studyante tuloy ang nagsisilapit tsaka may mga teachers na rin! Awkwaaaard! Oo nga pala, ganto pala yung nakasulat. Sarrreyy! Medyo nagpapanic lang dahil na nga sa eksenang to. Eto na nga yung nakasulat:



SORRY NA TOLBESPREN KO. PATAWARIN MO NA ITONG MOKONG NA TO. MAHAL KA NITO!!!




"Yeeeeeeeeeeeeeeeehhh!!"



Kinikilig na silang lahat pati nga teacher na matandang dalaga eh kinilig din. Che! Manahimik nga kayo! Kung alam nyo lang ginawa ng lalaking to. Kung alam nyo lang......

"Sorry na tol. Sorry na." sincere na sincere niyang pagsosorry, tsaka nagpuppy eye ba naman, ang cute tuloy.

Ewan ko kung bibigay na ba ako. Sa cute nya ba naman eh talagang bibigay na nga yata ako . Pero Ayen! Wait lang! Magpakipot ka naman! Magpakipot ka muna! Tignan mo oh, may nakasulat na 'mahal ka nito'. Yun nga lang, hindi mo lang alam kung anong klaseng mahal yan. Pwedeng mahal na ang ibig sabihin eh yung pagmamahal towards a friend at pwede ring pagmamahal kasi special someone ka niya. Alin ba ako dun?

"Sorry na tol. Sorry kung nasaktan kita. Sorry talaga. Patawarin mo na ako."

"Oo nga. Patawarin mo na siya. Ang effort kaya nyan oh." sabi ng lalaki na nanonood tsaka itinuro yung plakard na suot ni Dean.

"Sige na miss, patawarin mo na boyfriend mo. Bihira na lang yung lalaking nagpapakagago ng ganyan para mapatawad mo lang. Magbalikan na kayo. Patawarin mo na!"

Napakunot noo ako habang tinitignan yung babaeng nagsabi nito. Sino ba siya? Bakit parang ang dami niyang alam sa amin ni Dean? Feeling close lang?

"Ang swerte-swerte mo girl!" sabi naman nung isang babae.

Nakakainis na to ah! Ang daming pakealamera dito sa mundo. Nagmumukha na tuloy akong kontrabida dito. Kainis talaga!

"Tol, kausapin mo na ako. Sorry na. Sorry na."

Ewan ko ba, pero parang bibigay na yata talaga ako. Di ko siya matiis eh. Napatawad ko nga siya nung hindi nya man lang ako ininform kung bat umabsent siya ng matagal eto pa kaya? Ang hirap niya talagang tiisin. Ganto ba talaga pag mahal mo yung isang tao? Kahit na ang laki-laki ng kasalanan niya sayo eh napapatawad mo pa rin sa isang sorry nya lang? Isang sorry nga lang ba yung sinabi niya? Ang daming beses ata, feeling ko tuloy patawarin ko na siya. Tanga man ako sa mga mata ninyo, wala kayong pake, mahal ko eh. Ibubuka ko na sana ang bibig ko para sabihing okey na, napatawad ko na siya nang.......... biglang umeksena yung cellphone ni Dean. May tumatawag ata.

Unlucky I'm In Love With My TolbesprenМесто, где живут истории. Откройте их для себя