Prologue

567 39 0
                                    

Amby's POV

"Magandang umaga, Amby! May pupuntahan ka ba ngayon?"

"Wala naman, Jeanne. Bakit mo pala naitanong?" si Jeanne ay isa sa mga kaibigan kong naninirahan dito sa bayan namin. Sobrang bait niya, lagi niya akong sinasama kahit saan. Minsan napapadpad kami sa kabilang bayan dahil sa kakayahan na meron siya. Kaya niya kasing tumakbo nang mabilis na halos hindi mo na talaga siya makikita habang tumatakbo dahil sa bilis. Isa rin sa mga kakayahan niya ang maging anyong hayop. Nakakatuwa ang kakayahan na meron siya.

"Balita ko kasi dadaan dito mamaya 'yung mga studyante ng Aviola Academy. Ano na naman kaya ang kailangan nila sa bayang ito? Ang iba pa naman sa kanila ay masama ang ugali at walang respeto. Porket isang maharlika," maktol niya habang may hawak na palakol sa kamay. Kumunot ang noo ko roon. Saan niya naman kaya gagamitin ang palakol na hawak niya?

"Siguro may bibilhin lang. Alam mo namang mahilig mangolekta ng mga lumang bagay ang ibang naroon," sagot ko naman at sinimulan nang isampay ang mga damit ko sa sampayan.

Mahilig mangolekta ng mga lumang bagay ang mga maharlika. May mga maarte rin at may mga mababait sa kanila. May nakilala akong isang maharlika sa Academya na iyon, babae siya at sobrang ganda niya. ang ganda rin ng uniporme nila, para lang talaga sa mga may dugong maharlika. Gusto kong pumasok sa Academyang
iyon kahit na isa lamang akong ordinaryong tao na may kakayahan. Na walang kayamanan. Gusto kong matuto, mag-aral at pag-aralan ang kakayahan na meron ako.

Sa bayang 'to, sampu lamang ang pinagpalang binigyan ng kakayahan. Kilala ko silang lahat dahil kaibigan ko rin sila, ang iba ay mailap sa akin at ang hirap din nilang hanapin dahil sa kakayahan na meron sila. Gusto kasi nilang lumayo sa bayang 'to, ayaw nilang pagpyestahan sila ng mga tao at gamitin ang kanilang kakayahan sa maling pamamaraan. Pinili nilang lumayo at manahimik, nag-eensayo rin sila ng palihim. Habang ako naman ay tahimik at palihim ring nag-eensayo. Hindi ko pa kasi alam paano gagamitin 'tong kakayahan na meron ako. Mabuti pa si Jeanne marunong na.

Ang Aviola Academy ay isang eskwelahan na pinalilibutan ng mga maharlika at kapangyarihan. Mga dugong bughaw at may kakayahan lamang ang pwedeng makapasok sa eskwelahang iyon. Rinig ko rin ay mapili ang eskwelahan na iyon, hindi talaga basta basta. Kailangan mo pang pumasa sa mga pagsusulit bago makapasok. Ang daming sumubok roon, madami ring bumagsak.

"Amby!" malakas na sigaw ni Jeanne dahilan nang pag baling ko sa kaniya. Ngayon ko lang din napansin na kanina pa pala ako nakatulala. Nakakalito talaga siya minsan, tinatawag niya akong Amby at Ambrosia.

"Ano iyon?" tanong ko.

"Papunta na raw dito ang mga maharlika!" tili niya. Napasinghap naman ako dahil sa lakas ng tili niya.

"Ano naman ngayon?"

"Ayaw mo ba silang makita? Baka may magustuhan ka roon! Rinig ko mga nasa matataas na posisyon daw 'yung mga studyanteng dadalo ngayon sa bayan natin. Kilalang-kilala sila sa loob ng Aviola Academy at..." Lumapit siya sa akin. "Nakakatakot sila. Malakas at makapangyarihan."

Lumunok ako. Umiwas rin ako ng tingin sa kaniya pero tumawa lamang ang walang hiya. Halatang hindi talaga siya natatakot sa mga maharlika noh? Ang tibay ng babaeng ito.

"Wala akong panahon mag-aksaya ng oras sa mga taong hindi ko kilala at hindi importante."

Gusto kong pumasok sa Aviola Academy para matuto at hindi mag-aksaya ng oras sa mga maharlikang walang modo at masama ang ugali. Tao rin naman kaming lahat pero iba ang estado namin sa buhay. Dugong bughaw sila, mayaman, at higit sa lahat ay makapangyarihan. Kaming nasa bayang ito, mahirap, marumi, nagtra-trabaho para kumita ng salapi. Ang hirap talaga ng buhay.

Aviola Academy: School For RoyaltiesHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin