Maging sila ay nakaramdam ng takot at kaba.





The zombies are coming...





Nanlaki ang mga mata nila nang mamataan ang kumpulan ng mga infected na suray-suray na tumatakbo palapit sa direksyon nila.





Dahil sa mangilan-ngilang ilaw mula sa mga poste't bahay, kitang-kita nila ang nakakahilakbot na hitsura ng mga ito. Mas nakakatakot. Mas malala na ang mga sugat nito sa katawan. May iba pang nangingitim na ang mukha at katawan, ang mga matang purong puti ay halos lumuwa na.





Hindi niya namalayang nakababa na pala ang kamay niyang gamit sa pagtakip sa mata ng bata.





"Mama...." iyak ng batang lalaki. Mariin nitong ipinikit ang sariling mga mata, nanginginig ang mga labi.





Umuklo ang lalaking nakamaskara. May kinapa-kapa ito sa kalsada.





Isang manhole.







Bumaba ito sa manhole at dali-daling hinila ang takip ng butas.





"Sayang," sambit ni Atrium. "Dapat pinagpi-pyestahan na rin siya ngayon ng mga 'yan. Tsk tsk."







"Bwisit. Baka tayo ang dumugin ng mga 'yan," sabi ni Stein.





Nakahinto na kasi ang grupo ng mga infected. Palinga-linga sa paligid, creepy ang mga galaw.







Tahimik nilang pinagmamasdan ang mga ito. Hinihintay nila ang susunod na magiging mga galaw.







"Wala ba silang balak na umalis?" naiinip na tanong ni Robust.





Nagkahiwa-hiwalay na ang mga ito. May mga nagpunta sa kung saang eskinita. May mga halos mabali na ang leeg katitingin sa taas habang umaangil, parang sinunundan ang tunog ng mga kuliglig.





*/blag!





Napapitlag sila. May isa kasing infected na bigla na lang hinampas ang sariling kamay sa may bintana. Tila iniinspeksyon nito ang nasa loob. Mabuti na lamang at tuyo ang dugo na nasa mga kamay at braso nito kaya hindi namantsahan ang salamin ng van.







Nakahinga sila ng kaunting maluwag nang lubayan nito ang van nila.





Binalot sila ng katahimikan. Nakakapangilabot. Hindi pa rin tumitigil ang malakas na pagtibok ng kaniyang puso.







"Bakit po... hindi na lang tayo umalis dito gamit 'tong van?" takhang tanong ni Gio.





Umiling ang matandang babae.





"Tiyak na dudumugin tayo ng mga 'yan. Mahihirapan tayo," sabi ng driver. Nakatingin ito sa kanila sa pamamagitan ng rearview mirror.





Medyo may kalayuan man, kita niya ang nangingitim na ilalim ng mata nito. Hindi ito nakasuot ng gas mask, tinanggal kasi nito dahil hindi masyadong makahinga. Malago ang balbas nito. Sa tantsya niya ay nasa apatnapu o apatnapu't lima ang edad ng lalaki, at ayon sa kwento kanina ni Rascal, mag-asawa ito at ang matandang babae— well, hindi naman masyadong matanda ang mukha ng babae, masyado lang kasing madami ang uban nito kaya't mukha talagang matanda na.





At ang batang lalaki ay pinsan ni Rascal. Ang sanggol naman ay anak ni Gwendina— si Gwendina ay kapatid ni Rascal.





"N-nakahingi na po ba kayo ng tulong? Sa mga pulis? O may update na po ba tungkol sa nangyayari sa labas? Kung may balak bang tumulong sa atin?" sunod-sunod na tanong ni Atrium.





Coughtivated (SOON TO BE PUBLISHED UNDER PAPERINK PUBLISHING)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant