Chapter 1: Fourteenth

101 1 0
                                    

Some people say that they can walk back through time or see and know what will happen in the future. Some say they have the power to read someone's mind and tell their future, predict what will happen, and know when, where, why, and how it will happen. But almost all of them were lies. Fabrications for them to gain attention.

I am different. Hindi ako yung taong gagawa ng kung ano-anung kwento para makakuha lang ng pansin. Sa totoo lang, sana hindi nalang ako ang nagkaroon ng ganito kakayahan. Ayos lang sana na nakikita ko ang nakaraan at magiging kapalaran ng ibang tao, dahil na rin sa pwede ko 'tong gamitin para makatulong sa kanila. Kaso mahirap talaga malagay sa sitwasyong ganito. Sa bawat pagtulog mo'y magsisi ka na wala ka man lang na ginawa upang matulungan ang mga taong alam mong nasa peligro ang buhay.

Every time I touch someone's hands bigla ko nalang makikita ang nakaraan nila at kapag nakatitig naman ako ng direkta sa kanilang mga mata, nakikita ko ang mga mangyayari sa kanila. Yes, I can the future and the past. Pero hindi naman ako yung tulad sa mga movies na nakikita kung kailan magugunaw ang mundo. Hindi ko rin naman kayang makita ang nakaraan sa panahon ng Renaissance at malaman kung sino nga ba ang modelo ni da Vinci sa kanyang obra na Mona Lisa. The capacity of my ability to see the past and future also have limits. Tanging mga pangyayaring naganap pa lamang at mga pangyayaring magaganap palamang sa mga susunod na araw ang kaya kong makita.

Having this ability, to see other's past and future, gave me the freedom to change their life that at first, I thought was helpful, but then it turned out to be the opposite of the outcome I expected. Things went worse. I remember the day when I discovered this ability. Dalawangput-siyam nang taon na ang nakalipas pero sariwa parin saking isipan ang lahat nang nangyari sa araw na iyon.

It all started when I was 16. April 14, 1984─an unforgettable date.

I was born on this date. It was my 16th birthday and also my parents' 17th aniverssary as husband and wife kaya't maraming dapat na i-celebrate sa araw na 'to. I was an only child kaya every birthday ko ay sinisigurado nina mama at papa na masu-surprise ako, and they never fail to do so.

Ngayon, pupunta kami sa lugar kung saan unang nagkakilala sina mama at papa para mag island hopping, mag swimming, at kung ano-ano pa. Pupunta rin kami sa bahay namin doon. Hindi ko pa na subukang sumakay nang bangka dati kaya't excited talaga ako ngayon.

"Matthew! Bilisan mo na diyan at naghihintay na ang papa mo!" sigaw ni mama na naglalagay pa ng hikaw sa tenga niya samantalang ako, ready nang umalis.Ganyan talaga si mama.

Medyo may pagka-kikay. Mahilig siyang magpaganda  at maglagay ng kung ano-anong bagay sa sarili niya. Makikita mo talaga ito sa pananamit niya. Pag nakita mo siya, aakalain mong mataray at maarte siya. Pero sabi nga nila, don't judge a book by its cover. Pagnakilala mo siya ng lubusan, mamamangha ka sa ugali niya. Mahilig siya magkwento ng kung ano-anong bagay at magaling ring kumanta.

"Ma, tapos na po ako kanina pa. Kayo nalang po ang hinihintay,” sagot ko naman.

Dali-dali akong lumabas ng bahay papunta sa kotse ni papa. Doon ko nakita sina tita Jane at Cielo, dala ang mga bag nila.

"Hi tita Jane! Hi CL!" sabi ko.

          "Hi Matthew!" sabi ni Cielo na niyakap ako.

"Diba sabi ko mommy Jane nalang? Asan na pala si mommy mo?" tanong ni tita Jane na halatang mamayamanin dahil sa mga nagkikinangang alahas na nakapalibot sa leeg niya. Mag bestfriends talaga sila ni mama.

         

          "Nasa loob pa po tita, ay, mommy Jane. May inaayos pa po,” sabi ko naman habang tinuturo ang bahay namin. "Tawagin ko lang po,”

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 17, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

A Clairvoyant's StoryWhere stories live. Discover now