Chapter 19: Last Three Kisses

Start from the beginning
                                    

Hindi ko mapigilang mapasayaw sa sobrang saya ng puso ko. Isang linggo nang hindi tumitigil sa paglipad ang mga paruparo sa tiyan ko simula nang sagutin ako ni Cleng.

Niyaya ko siyang lumabas para magsine, at ito ang magiging first ever date namin kaya nagpapogi ako nang todo. Nagsuot ako ng maluwag na Off-White sweatshirt na may mahabang manggas. Itim na pantalon ang pambaba ko. Tinernuhan ko ito ng itim na cap na bumagay sa bagong gupit kong buhok.

Pinarada ko na ang kotse sa tapat ng bahay nila. Sobrang excited ko gago.

Lumabas na si Cleng at pumasok na sa loob ng kotse. Sampung segundo na siyang nakaupo sa tabi ko ngunit nakatulala pa rin ako sa kaniya.

Ito ang unang beses kong nakita na hindi siya nakalugay. Her hair was tied up in a messy bun at the back of her head, exposing her sexy white neck. The few loose strands of her hair sticking onto her skin make her look cute and simply attractive.

"Joon? Meron bang proble—" Naputol ang kaniyang sasabihin. "Mmm... Joon..."

Kusang gumalaw ang mga labi ko na nagmamadaling halikan ang mga pulang labi ni Cleng.

"You're so fucking beautiful, Clestiana."

Inayos niya ang kaniyang nahuhulog na salamin at nakayukong sabi, "P-Pabigla-bigla ka naman, eh."

"Nagtimpi pa ako sa lagay na 'yon," dahilan ko. "Baka mabigla ka talaga 'pag ginawa ko ang mga talagang gusto kong gawin sa'yo."

"Y-You're so pervy!" halos mapiyok na tili niya.

"Pervy agad? Pakasalan kasi ang tinutukoy kong gusto kong gawin sa'yo," nakangisi kong paliwanag. "Ikaw riyan ang kung ano-ano ang nasa isip!"

Kinurot ko ang kaniyang namumulang pisngi at tinuloy ang pang-aasar. "My innocent Cleng is so pervy!"

Ginaya ko ang maarteng tono ng kaniyang pananalita kaya mas lalo siyang naasar at hinampas ako sa braso.

"O, tyumatyansing ka lang, eh!" dagdag na biro ko nang paluin niya 'ko.

***

May tickets na kami dahil nag-reserve ako online, kaya namimili na lang kami ngayon ng kakainin. Hindi makapili si Cleng kung popcorn ba ang kukunin niya, o 'yong mga coated chocolate nibs sa Candy Corner.

"Gusto ko ng matamis... kaso gusto ko rin ng maalat!" buntong-hininga niya.

Habang hindi pa rin makapili ay sinorpresa ko siya nang bilhin ko parehas ang popcorn at chocolate nibs.

Ngumiti ako at nagsabing, "Dahil girlfriend kita, I'll share with you my special secret recipe. Huwag mo 'tong ikakalat sa iba, ha? Sa atin-atin lang ito."

Hinalo ko ang mga M&M's Chocolates sa loob ng paper bag ng popcorn. Nagulat si Cleng nang i-shake ko ang paper bag para mahalo itong maigi. "I used to do this a lot when I was a kid. Go, try it."

Inabot ko kay Cleng ang paper bag at dumukot siya ng ilang piraso. Sinubo niya ang mga ito nang sabay-sabay. Pagkanguya ay agad na nanlaki ang kaniyang mga mata.

"Ang sarap!" she said with wonder-filled eyes. "Naghahalo ang alat at tamis! Tapos nasosorpresa ka sa bawat dukot dahil hindi mo alam ang matitikman mo kung popcorn ba o chocolate. Ang saya! Nakakaadik!"

Natuwa ako dahil nagustuhan niya. "Thank you, Miss Clestiana. You've just tasted Chef Joon's masterpiece."

"Marami ka pa bang ibang mga ipapatikim sa'kin, Chef Joon?" inosente niyang tanong.

Halos masamid ako dahil iba ang iniisip ng makalat kong utak. Tiningnan ko si Cleng. Halata sa mga mata nito na hindi niya alam na puwedeng bigyan ng malisya ang sinabi niya.

Hay, napakainosente talaga ng girlfriend ko.

"Oo, marami pa 'kong ipapatikim sa'yo." I wrapped my arm around her waist and pulled her body closer, then I whispered to her ear, "I'll let you taste my chocolate abs, if you'll let me taste your honey thighs."

Naging mansanas sa pula ang mukha ni Cleng. Akala ko ay nagwagi na naman ako sa pang-aasar nang bigla akong nagulat sa sinabi niya.

"I... actually miss your abs. Gusto ko silang makita ulit minsan..."

I immediately covered my blushing face with my large hand. Clestiana Anastacia is killing me.

Habang nasa loob ng sinehan, napapatitig ako sa mukha niya imbes na sa pelikula. Ang ganda kasi ng tama ng ilaw sa kaniya, at hindi ko mapigilang mamangha sa kagandahan ni Cleng. I watched as the bluish light from the silver screen played across the features of her pretty face.

Kusa na namang gumalaw ang kamay ko para hawakan ang kaniyang mukha at dalhin ang mga labi niya sa mga labi ko.

Marahan ko siyang hinalikan. Nalasahan ko ang tamis ng tsokolate at alat ng popcorn mula sa mga labi niya.

I kept kissing her many times during the movie. Dinaig pa namin ang mga bida sa pelikula. Kahit hanggang sa paghatid sa bahay nila, panay halikan pa rin namin.

Her lips were on mine, and mine was on hers the whole night. As if there was an invisible magnetic force and our lips couldn't part away from each other.

"Joon, you're so much more than what I wanted..." she whispered between our kiss.

"You deserve even more, Cleng. I'll keep on giving you more," bulong ko habang malambing na dumadampi-dampi sa kaniyang mga labi. "I will shower you with so much love—no, I will flood you with love, Clestiana."

Kung hindi pa bumusina ang mga sasakyan sa likod na gustong dumaan, hindi ko na sana bibitawan ang mga labi ni Cleng.

"Oops. Overtime na yata tayo," paalam niya. "Bye-bye and thank you for tonight, Joon."

"Cleng, wait... Last na."

Sinapo ko ang magkabila niyang pisngi. I gave her one kiss on the forehead, one kiss on her left eyelid, and a final kiss on her right eyelid. "Whenever I do this triangle kiss, it means 'I love you.' Okay, Clestiana?"

Tumango si Cleng at ginaya rin ako. "I... love... you!" isa-isa niyang binigkas ang bawat salita kada halik sa noo at magkabilang takipmata ko.

***

Ever since Cleng became my girlfriend, I stopped being an alcoholic. I only drink occasionally for social purposes. Hindi na tulad ng dati na halos alak na ang dumadaloy sa dugo ko.

Habang nasa klase ay napapangiti ako tuwing maaalala ang moments namin ni Cleng. Matagal kong iniwasan ang pagpasok sa isang seryosong relasyon. Hindi ko inaasahan na ganito pala kasarap sa pakiramdam. Para kang lumulutang kahit walang drugs.

Natanggal ang malaking ngiti sa mukha ko nang bumukas ang pintuan ng room at may pumasok na pamilyar na mukha.

It was the guy who wanted to attack me at the smoking area of our condo one night. I forgot his name, but I'll never forget his face.

"Class, let's all welcome Fabian Caliones," anunsyo ng propesor namin sa klase. "You can call him 'Pabs' for short. He will be your new blockmate starting today."

Iyon ang naging simula ng tuloy-tuloy na pagkasira ng buhay ko. My happy days were like a borrowed book, pinatikim lang sa'kin saglit, and now I have to return it.

I knew it. I was never the rightful owner of such a thing called happiness.



#DrunkDiaryWP

Drunk DiaryWhere stories live. Discover now