Episode 18

270 13 12
                                    

Nabalot ng katahimikan ang byahe nila pauwi. Si Dalton ay nakatutok sa pagmamaneho pero magpapaghalatan mo na ang lalim ng iiniisip nito. Habang si Marie ay nakatingin sa labas ng sasakyan nalilito sa sarili, dapat ay magalit siya pero bakit parang gusto pa niya ang nangyari kanina. Siguro nadala lang siya ng kanyang emosyon, masyado siyang malungkot sa nangyari sa kanyang pamilya pero nung niyakap siya ni Dalton ay daramdaman niyang gumaan ang pakiramdam niya, sumandal siya sa headrest at tuluyan nang nakatulog.

Nilingon ng binata ang dalaga, he felt guilty sa ginawa niya dito kanina, it was never his intention na umabot siya sa ganung eksena he just wanted to console her, ayaw niyang nakikitang malungkot at may dinaramdam ang dalaga pero he gets affected as well pero hindi niya mapigilan ang sarili, being near her alone makes him crazy.

"I'm sorry love, it was never my intention." Ginagap niya ang kaliwang palad ng natutulog na dalaga at pinagdaop ang mga ito he gently planted a kiss at the back of her forehand. He let her sleep while he continued driving, nagpatugtug nalang ito ng classic music just to calm himself  down.

Naalimpungatan si Marie, nagising ito nang may humaplos sa pisngi niya, she then notice na nasa harap na sila ng bahay ng Ate Claire nito. Umayos siya ng upo, tiningnan ang relos nito, nataranta ito nang makitang 3:30 na ng hapon, usapan nila ni Bryan na susunduin siya ng alas 4. She unbuckled her seatbelt at tumingin sa binata.

"Sir, I'm really so sorry for what happened today, just pretend that nothing happen, mali lang po siguro ang ihip ng hangin. Anyway we are both adult naman na din and sometimes hindi talaga maiiwasan ang mga pangyayaring ganyan lalo na at tayong dalawa lang po sa isang lugar. Thank you po for today and sa paghatid and see you next week po. Oh by the way sir thank you din po pala dito sa dress." Nakangiting turan ng dalaga kahit kinakabahan, nagmamadali itong lumabas ng sasakyan at walang lingon lingon na tumakbo papasok ng bahay.

Nabigla ang binata sa sinabi ng dalaga, ni hindi niya alam kung anong sasabihin. Magsasalita pa sana ang binata pero pinagsarhan na siya nito ng pinto habang tanaw niya ang nagtatatakbong dalaga.

"What? What the fuck just happened? Is she out of her mind? Is that all? After what happened ganun nalang ang sasabihin niya?" Naguguluhang saad ng binata. Hindi nito mawari if nakikipaglokohan lang ba ang dalaga or totohanan ang mga pinagsasabi nito.

"This won't do I need to speak with her, baka nalito lang siya. Baka akala niya nagbibiro lang ako. Damn you Marie what do I need to do to prove to you that I'm sincere." Saad nito habang pinapakalma ang sarili ngayon lang kasi nagsink in sa binata ang sinabi ng dalaga. Nag U-turn Ito at pinaharurot ang sasakyan, nasa kalagitnaan siya Ng byahe pabalik bayan nang tumunog ang telepono niya.

"Hello!" Sagot niya sa iritadong boses.

"Am I speaking with Mr. Yamamoto?" Saad ng isang malambing na boses babae sa kabilang linya.

"Yes, speaking." Sagot nito halatang wala itong ganang maki-pag usap.

"I'm Darlene, Darlene Sebastian, i presume you received the invitation my Dad sent you few days ago?" Sagot ng babae sa kabilang linya.

"Oh I'm so sorry, yes I did receive the invitation. Oh by the way congratulations on your wedding" Sagot nito.

"Oh no, no,no it's not me I'm still single it's my older sister who'll be getting married. Dad just wanted to make sure that you'll be coming tonight. Is your mom also coming with you tonight?" Saad ng dalaga na humahagikhik pa.

"No." matabang nitong saad.

"Okay, so see you tonight Dalton."- Darlene.

"Okay, bye!" He immediately close the phone and focused on the road.

One Great LoveWhere stories live. Discover now