Episode 17

154 12 8
                                    

Mabilis lang natapos ang paglalakad ni Marie ng papers, hindi na siya sinamahan ni Alex sa loob ng agency kasi pinaservice na din nito ang kanyang sasakyan. Habang naghihintay sa binata pumasok muna ito sa MC Donalds para kumain, konti lang kasi nakain niya kaninang umaga dahil nahihiya siya kay Mrs. Amelia.

"Good morning po ma'am, ano po ang order nyo." Saad ng babaeng attendant.

"Chicken mcmuffin with coffee miss." Sagot ng dalaga inabot na din niya ang bayad. Habang naghihintay na matapos ang order niya kinuha niya ang phone sa bag niya.

"Oh my god!" Natutup niya ang kanyang bibig nang makita niyang naka off ang phone niya.

"Patay ako neto, baka iniwan na ako ni Alex, paano ako uuwi nito." Nag-aalalang saad ng dalaga, she immediately turned on her phone.
Animoy ring tone ang message tone niya nang sunod sunod na ang dating ng mga messages.

"23 messages and 51 calls? Hala anong meron." Nagtatakang saad ng dalaga itinabi niya ang kanyang telepono ni hindi niya inabala pa ang sarili to open those messages.

"Alam naman na niya na nakabakasyon ako. Iniwan ko namang maayos ang trabaho ko. Ay ewan, bahala na nga siya sa buhay niya. Basta alam ko na wala akong iniwang pending." Saad nito sabay dating ng pagkain niya. She started to feast on her breakfast, when she's done she went out of Mc Donald's to have a quick tour inside the mall habang hinihintay niya ang tawag mula kay Alex. Napahinto siya sa isang clothing shop nang makita niya ang nakasout sa mannequin.

"Hays ang ganda, kelan kaya ako makakasuot ng ganito. Hanggang pangarap ka nalang Marie, asa ka pa." Saad nito habang pinagmamasdan ang gown sa mannequin, kinikilig pa ito habang pinagmamasdan ang nakadisplay. Isang red and black long evening dress perfect for a party with sequin embellished one shoulder strap, simple yet elegant, she's been mesmerized by the dress she didn't notice that someone is already standing behind her and observing her.

"Gusto mo ba love?" Anang boses na galing sa kanyang likuran.

"Ay santisima colorum baleleng!" Napaigtad si Marie dahil kasabay ng paglapit nito ay paglingkis ng kamay ng binata sa beywang ng dalaga.

"Sir, hindi naman po kayo ghost ano? Sana man lang kinalabit mo muna ako baka mayakap pa kita eh, oo nga pala sir bakit po pala kayo nandito?" Saad na may halong biro ng naguguluhang dalaga.

"Bakit may nakapaskil ba na bawal akong pumunta dito lalo pa at nandito ka?" Naka taas ang kilay na tanong nito habang lalo pa siyang hinapit ng binata.

"Sir, ah yung kamay niyo po, pwede po ba akong huminga." Pabirong saad ng dalaga.

"Would you like to buy that dress? Cmon inside let's go and check it out." Walang paalam na hinila ng binata ang kamay nito at giniya papasok ng store.

"Sir, hindi po tinitingnan ko lang po, isa pa po mahal po ang mga damit dito." Pagtututol ng dalaga habang pilit na tinatanggal ang pagkakahawak ng binata.

Pagkapasok nila sinalubong agad sila ng store attendant.

"Good morning po sir, ma'am" saad ng babaeng attendant.

"I want that same dress na nakasuot sa mannequin. " Mautoridad na utos ng binata.

"Now go with her love, I'll just wait here." Saad ng binata habang naupo na ito sa lounge chair na kaharap ng dressing room.

"Sir, kanina ka pa sa pa love love mo na yan ha, baka mamaya niyan maniwala tuloy sila na boyfriend kita." Dumukwang ng kaunti ang dalaga at bumulong ito sa nakaupong amo.

"One more denying and I'll gonna kiss you right here right now." Tinitigan niya ito directly sa mata hoping that she would get his message.

Napatingin si Marie sa binata na nakatitig pala sa kanya, bigla siyang kinabahan at natahimik. Those laser eyes na kulang nalang pati kaluluwa niya ay iiscan, she felt that butterfly feeling in her stomach. Kinikilig man pero kailangang hindi siya magpapahalata na apektado ito sa mga pinag-gagawa ng binata, she felt na lumiit ang space na meron sila, she couldn't move para itong natuod at nahipnotismo, lalo na nung ginagap at pinagdaop nito ang mga palad nila and slowly caress her palm. Biglang nag-init ang mukha at tenga ng dalaga, she could imagine how red her face is now, napasinghap si Marie.

One Great LoveWhere stories live. Discover now