Episode 4

86 11 3
                                    

Pagkababa ni Marie ng sasakyan, hindi na sya nagpaalam pa, bigla siyang tinablan ng hiya sa ginawa niya, nag-aalala din siya na kapag napansin ng binata ang maliit na crack sa salamin sa bandang  likurang ng Jeep nito, ay pagbabayarin siya neto. Hindi na niya narinig ang sinabi ni Mang Kanor. Kumatok siya at mabilis naman siyang pinagbuksan ng Ate Claire niya.

"Dios ko bata ka anong nangyari sa iyo at basang-basa ka? Tapos na ba ang interview mo? Bakit ka nagpapaulan may payong ka naman, pwede ka rin namang sumilong at patilain ang ulan bago umuwi. Nako kang bata Ka magkakasakit ka sa ginagawa mong iyan!" Sunod na sunod na tanong ng Ate niya, sabay talikod para kumuha ng tuwalya sa kwarto ni Marie.

"Marie anong nangyayari sayo bakit nakatayo ka lang diyan, go get a shower para makapagpalit ka na ng damit! Your drifting!" Sabay hila ni Claire kay Marie papuntang banyo.

Noon pa lang nahimasmasan si Marie nang nakapagbuhos na sya Ng tubig.

"Dios ko po, alam ko pong mali po yong nagawa ko pero parang awa nyo na, patawarin nyo na po ako! Di ko po sinasadya na mambato. Nainis lng po talaga ako, promise." Sabay taas ng kamay na nakabukas ang palad habang pinagpatuloy na nya ang pagliligo.

"Marie tapos ka na ba dyan? Dalian mo para mainom mo na itong salabat habang mainit pa." Asked Claire.

"Opo ate, lalabas na po." Replied Claire while wrapping her hair with a towel.

She went out the shower and headed directly to the kitchen.

"Ate dalhin ko na lang po itong salabat sa kwarto, doon ko nalang po inumin ito habang magbibihis." Sabay kuha nya ng mug na nasa mesa.

While heading to her room, pinapanalangin ni Marie na Hindi siya uusisain ng Ate niya sa nangyari. Hindi niya alam Kung anong isasagot niya at isa pa nahihiya din siya at natatakot na baka pagalitan siya neto.

Habang nagapapalit siya ng damit, nagflash sa isip niya ang mukha ng lalaki, napangiti sya.

MARIE'S POV:

Sino kaya sya? Tagarito ba sya, but this has been the first time that I saw him, and why is he with Mang Kanor. Is he the owner of the farm nako po huwag naman po sana. Pero baka nagbabakasyon lang yun dito, pero bakit kasama niya si Mang Kanor. Ah ano ba. Bahala na hindi naman siguro yun tagarito hmmm.. ang gwapo niya infairness! Those eyes oh my God, kahit galit pero parang nangungusap pa rin kung makatitig. Those kissable lips ang sarap siguro halikan nun ayiee.
Dios ko po ano bang nangyayari sa akin, imbes na isipin ko kung anong gagawin ko if singilin man niya ako, eh parang pinag papantasyahan ko pa sya. This is not so me, oh God sorry I've never been mesmerized with a man before and I don't want this kind of feeling.

Naputol ang pagmumuni-muni ni Marie nang may kumatok sa kwarto niya.

"Marie, are you okay? Bakit nakalock ang pinto mo? Tanong ni Claire habang pinipihit ang door knob ng pinto nito.

"Ay sorry po ate, anydan na po!" Nagmamadaling binuksan ni Marie ang pintuan,

"Sorry po di ko po namalayan na nalock ko pala." Pagpapaumanhin ni Marie habang nilakihan ang bukas ng pinto nito.

"Ano bang nangyari sayo at para kang wala sa sarili mo simula pa nang dumating ka?" Tanong ng ate niya.

Hindi makasagot si Marie, hindi niya alam kong paano ipapaliwanag ang nangyari, dapat ba sabihin niya ang katangahang ginawa niya kanina.

"ah eh kasi, kasi po ate, ano Kasi, ahmm.. sabay hila ni Marie sa kamay ni Claire at sabay silang naupo sa kama Neto.

"Ate kasi, ahmm, ano po." Hindi alam no Marie kung saan siya magsisimula.

One Great LoveWhere stories live. Discover now