Chapter 6 Rooftop

31 3 0
                                    

Byernes ngayon at P.E namin buong maghapon, at di ko parin pinapansin si Nate. Iwan ko ba, naiinis talaga ako sa kanya, siguro dahil hindi nya ko kinakampihan or else. At nitong mga nakaraang araw ay dikit ng dikit sya sakin pero lumalayo ako, minsan nga ay bigla nya nalang sigawan yong mga lalaking makipag-usap sakin, kaya siguro naiinis parin ako sa kanya. Ano bang kasalanan ng mga yon e gusto lang naman nilang makipagkaibigan, ano bang gusto nya? Layuan ako ng lahat, well maliban nalang sa apat na mga kaibigan ko.

"B, may basketball daw kayong mga babae" sabi nya, habang inaayos ko yung sapatos ko

"Ayy oo nga eh, di pa naman ako marunong" sabi ni Zin.

"Ayy besh di lang ikaw noh, di rin kaya ako marunong, volleyball oo" sabi naman Andrea

"Ikaw Briar, marunong ka?" Tanong sakin ni Zin

"Oo marunong akong magbasketball" printeng sagot ko sa kanila at pinagpagan ang jogging pants ko

"Weh, sino nagturo sayo?" Tanong nya

" Ex ko" sabi ko sa kanya

"Ayy may ex ka ? Sino?" Tanong ni Chip.

"Ayy Chippy, grabe ka naman kay B, kahit pangit yan may ex rin sya noh, first nga nya eh. Kaso gago" sabi ni X. Sinamaan ko naman sya ng tingin

"Di naman sa ganong chismoso pero sino nga?" May pagka chismoso talaga tong isang toh, napadako naman ang tingin ko kay Nate na tiim bagang na nakatitig sakin, ano na naman kaya problema nito

" Zion" simpleng sagot ko at tumabi kay Andrea at Zin, ako yung nasa gitna nila

"Wow gwapo ng pangalan ah, ang tanong gwapo rin kaya ang mukha?" Panunuya ni Chip, tch! Gago

" Ayy gago oo," si X ang sumagot

" How long kayong naging together? " Tanong ni Zin

" 6 months,"

" Ayy bakit di kayo nagtagal? " Tanong naman ni Andrea.

" Ayy gago eh" si X na naman ang sumagot.

" Ano ba Xander ikaw ang sumasagot e" inis na sabi ni Zin at hinampas naman sya sa sa balikat

"Ay heheh sorry, kilala ko kasi yon eh." Sabi nya

" Weh, bakit? "Tanong ni Chip

" Barkada ng kuya ko at kapatid nya yon e"

"Wait, so mas matanda sya sayo? " Tanong ni Andrea sakin

" Oo, ng apat na taon. 17 ako nung naging kami habang sya naman ay 21"

" Teka teka, bakit kayo naghiwalay?" Tanong ni Andrea

" He sleeps with someone, e surprise ko sana sya dahil monthsary namin pero ako yong nasurpresa. Siguro dahil hindi ko pa kayang ibigay sa kanya ang buo ko,kaya humanap sya ng iba. Humingi naman sya ng tawad sakin kinbukasan at sabing di daw nya ginusto yon, nadala lang daw sa kapusokan ng alak."

" So ano? Pinatawad mo?" Tanong ni Andrea

" Naghiwalay ba kami kung oo?" Sabi ko sa kanya

" He's not worth your love then" biglang sabat ni Nate, pero tinitigan ko lang sya

" Kasi kung mahal ka nya, hihintayin ka nya kung kailan mo gusto ibigay lahat ng sayo sa kanya." Sabi nya, at tumayo at umalis

" Problema nun?" Tanong ko

" Sundan mo kaya" utos ni Zin

" At bakit?"

" Ayy basta sundan mo at tanongin mo kung ano ang problema nya, at para narin magkaayos kayo" sabi ni Zin

Bulleted LoveWhere stories live. Discover now