Chapter 3 New School

71 4 0
                                    

Yes! First day of school, well sakin lang kasi late na akong nakapag enroll mga dalawang buwan na siguro mula nong pasukan, pero ok lang rin naman daw kasi nag-aaral rin naman ako doon sa ibang bansa, silbi transferee nako dito.

Kaya bago pa ko malate ay bumangon nako at naligo. Matapos kong maligo ay kumain nako ng agahan kong kanin atsaka ham at bacon. Hinanda ko narin ang bag ko na may lamang isang notebook, papel, bolpen at iba pa. Pero syempre, hindi ko malilimutan ang mga snacks ko dahil food is life. Kaya kumuha ako ng mani at tubig, gusto ko sanang magdala ng canned beer pero baka palayasin ako ng guard, kaya wag nalang.

Dumiretso nako sa parking lot matapos kong ihanda ang mga dapat kong dalhin. Medyo late nako kaya mabilis ang pagmamaneho ko sasakyan. At sadyang mapaglaro ang tadhana sapagkat traffic, hindi naman kalayuan ang paaralan na papasukan ko. Pinili ko nga ito dahil ito ang malapit lapit sa condo ko.

Nang natanaw ko na ang university ay dali-dali kong pinark ang kotse ko doon sa parking lot para sa mga studyante. Lumabas ako sa kotse at siniguradong nasarado ko ng maayos ito. Atsaka tumakbo patungong classroom, pero sa kamalas-malasan ay may nakabangga ako at isang guro pa talaga.

"Hala! Sorry ma'am, sorry po talaga, sorry sorry-" panghihingi ko ng pasensya sabay pulot doon sa mga gamit na nahulog dulot ng pagkabangga namin

" Sorry po talaga ma'am, nagmamadali lang ho talaga ako at ng late napo ako at baka mapagalitan ako ng guro namin, badtrip naman kung ganun kasi first day ko ngayon, sorry po talaga" sabi ko sa kanya tapos tumayo na

" Ano ka ba, ok lang yun. Ako nga ring guro ako ay late narin sa klase ko" sabi nya

" Salamat po ma'am, sige na ho at mauna na ako sa inyo"sabi ko sabay alis." Pero pwede ho ba akong magtanong? " Sabi ko at humarap muli sakanya

" Cge ano yun? " Tanong nya. Yes!

" Bago pa po kasi ako dito, balak ko po sanang magtanong tanong nalang sa mga estudyante kaso mukhang pumasok narin sila sa kanya nilang mga klase. Ano po kasi, asan ho dito yung room 143? " Sabi ko sa kanya

" Ah, ayun ba-" lumapit sya sakin at " Kita mo tong hallway na kinatatayuan natin? Yung pinakadulo na room, yun yung room 143" sabi nya atsaka dumistansya

"Sige ho ma'am, una napo ako. Salamat." Sabi ko sabay takbo doon sa tinuro nyang room.

Hay! Sa wakas ay nakarating rin, pero pagtingin ko sa loob ng classroom ay wala pang guro, well, hindi pa pala ako ganun ka late.

"Morning" napatingin naman ako doon sa likuran ko ng may nagsalita. Nakita ko yong gurong nabangga ko kanina

"Hala, morning rin ho ma'am. May nawala ho ba sa gamit nyo dulot ng pagkahulog nun kanina?" Takang tanong ko

"Silly, dito ang klase ko" sabi nya at napa-ahhh nalang ako

"Since ikaw naman yung transferee ay ipapakilala kita sa mga kaklase mo" sabi nya sabay pasok sa room na syang ikinatahimik ng lahat

" Good morning class" bati nya sa mga estudyante nya samantalang nandito pa ako sa labas. Hindi nya na hinintay pang makasagot ang mga estudyante nya

"Well, meron tayong transferee ngayon-" sabi nya atsaka ako ininyayahang pumasok

"Kindly introduce yourself young lady" pormal nyang sabi

"Ahm, hi i am Briar Snow Smith, kaka- 18 ko lang last week" sabi ko, pero may seryosong mukha, hindi ko kasi pinapakita sa mga taong hindi mahalaga sakin ang soft sides ko dahil baka pagsamantalahan lang nila amg natatanging kabaitan ko. Kaya pag ibang tao ang kaharap ko, tanging seryoso o cold expression lang ang pinapakita ko.

Bulleted LoveWhere stories live. Discover now